Chapter Thirty-Eight

684 40 5
                                    

Chapter Thirty-Eight. Leaving her is a hardest thing to do

     Ssej Gian Mendoza

Pagkatapos ng burial ni Kuya Jules ay agad nang nagsipag-uwian ang mga taong humahatid sa kuya ko sa huling hantungan nito.

Hindi na rin ako nakahanap nang tiyempo upang makausap si Chayll. Pero natutuwa naman ako na nandoon siya pati si Kyla. I was so sad that Kayesmile wasn't there.

Natanggap ko ang text niya kagabi na hindi na lang daw siya pupunta. Hindi rin naman ako papayag na makakapunta si dirty face. Ayokong magkagulo sila ni Mama Samantha. Mas pipiliin ko pa rin ang girlfriend ko kapag sasaktan siya ni mama.

Nandito pa rin kami sa sementeryo at mukhang walang balak umuwi si Mama Samantha. Nilapitan ko na siya.

"Ma, uuwi na tayo." sabi ko sa kanya. Hindi pwedeng hahayaan ko siya na manatili rito  hanggang sa maabutan kami ng gabi.

"Mauna ka na kung gusto mo, Gian. Hindi ko pa kayang iwan ang kuya mo."  matigas na sabi ng mama ko.

I didn't see her crying now not unlike kanina na halos mamamatay siya sa kakaiyak nang inilibing si kuya.

"Wala na siya, ma. Let him rest in peace with God." sabi ko.

"Iyan na lang ba ang sasabihin mo? Kung hindi dahil sa nobya mo hindi mamamatay ang kuya mo!" bulyaw niya sa akin dahilan upang mag-init ang dugo ko. Bakit ba si Kayesmile ang palagi niyang sisisihin?

"Ma, hindi kasalanan ni Kayesmile kung bakit namatay si kuya. Si God ang may plano sa lahat ng ito. Bakit ba palagi niyo na lang sinisisi kay Kayesmile ang lahat? Kapag siya ba ang namatay ma, hahayaan mo rin ba akong mabaliw dahil sa pagkawala niya?" diretso kung tanong sa kanya. Punong-puno na ako, eh. Punong-puno na ako sa mga sinasabi niya, eh.

Taas-noo akong tiningnan ni mama, "Oo, sana siya na lang ang nawala at hindi ang kuya mo. Do you think hahayaan kitang mabaliw kung sakaling si Kayesmile nga ang nawala? Hindi, Gian!" matigas na sabi niya. Hindi ko na natitiyak kong nasa tamang pag-iisip pa ba ang mama ko.

"What do you mean?" seryoso kong tanong kay mama na halos hindi inalis ang tingin niya sa akin.

"Sasama ka sa akin sa America sa ayaw at sa gusto mo." matapang niyang pahayag na siyang ikinagulat ko.

Napasinghap ako at pinigilan ang namumuong galit dito sa puso ko. "Hindi ako sasama sa iyo." matapang din na sagot ko sa kanya.

Yes, hindi ako sasama. Hindi ko iiwan si Kayesmile at mas lalong hindi ko iiwan ang Nanay Sandra ko na siyang nagpapalaki sa akin simula pa noong bata pa ako.

"You need. Dahil kung hindi ka sasama sa akin sa America ay  hindi mo na maabutan pang buhay ang pinakamamahal mong nobya." pagkasabi mama nang ganoon ay lutang na lutang ang isip ko. Hindi ko siya maiintindihan.

"Hind---"

"You have to go with me whether you like it or not!"  matapang na sabi ni Mama Samantha at halos luluwa na ang mga mata niya sa galit. Agad siyang umalis at iniwan ako.

Napasuntok ako sa kawalan at agad na napaluhod sa mismong puntod ni kuya. Ngayon, alam ko na kung bakit nagrerebelde si Kuya Jules sa pamilya. Alam ko na kung bakit sa isang minsan ay naligaw ng landas si kuya.

Dahil isa palang malupit ang aming ina. Isang malupit na hindi mo kayang labanan. How could she do this to us?

Akala ko ba ay mabait ka, Mama Sam. Napaka-selfish ninyo at napaka-unfair.

Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]Where stories live. Discover now