Chapter Thirty. Before Seventeenth Years
Samantha Montreal
Eksaktong alas-nuebe pa lang ng umaga ay abalang-abala na sa paghahanda si Doctora Samantha Montreal para sa isang event na pupuntahan niya sa probinsya ng Nasugbu, Batangas.
"
Mama, sasama na po ako sa iyo." pangungulit ng apat na taong gulang na anak niyang si Jules.
Kamukhang-kamukha ito sa yumao niyang asawang si Frederick Montreal.
Hinawakan niya ang mukha ng panganay niyang anak, "Anak, Jules maiiwan ka muna rito. Sandali lang naman kami ng kapatid mo roon, okay? At isa pa, baby may klase ka today. Kailangan ka ng ihatid ni yaya sa school." nakangiti niyang sabi sa anak niya.
Dahil masunuring bata si Jules ay kaagad itong tumango at yumakap sa kanya, "Sige po, Mama basta pagbalik ninyo ni Kean dapat may dala kayong lollipop, ah?" paglalambing pa ni Jules sa kanya.
Nginitian niya ang anak, "Oo, ba."
Bago pa man umalis si Jules ay yumakap ulit sa kanya at humalik ito sa pisngi niya. Kaagad naman niyang hinawakan ang pisngi ng anak niya dahil mamimiss niya ito.
Hindi niya pwedeng isama si Jules sa lakad niya. May exam ito sa school. Pagkatapos ng paghahanda ng mga gamit niya ay pumunta na siya sa loob ng kwarto upang gisingin ang anak na dalawang taong gulang pa lamang.
Sa loob-loob niya, ang pangalawa niyang anak na si Kean Jarvin ang huling alaala ng asawa.
"Baby, Kean Jarvin gising na. Nandito na si mama."
Ilang sandali pa ay nagising na ang batang si Kean. Kaagad itong ngumiti sa kanya at nagpapacute ng mga mata.
Nakuha ni Kean Jarvin ang hitsura niya sa lolo ng doktora kaya hindi masyadong magkamukha sina Keith Jules at Kean Jarvin.
Agad namang kinarga ni Samantha ang anak niya at pinaghahalikan sa pisngi ang bata.
"Mama!"
Bumungad sa harapan niya si Jules at tuwang-tuwang hinahawakan sa kamay si Kean.
"Gising ka na pala, Kean? Maglalaro tayo sa pagbalik ninyo ni mama, huh?" nakakalungkot na sabi ni Jules sa kapatid.
Tumawa lang ang batang si Kean at kumapit ng husto sa pagkahawak ni Jules sa kamay nito.
"Oh, naririnig ka ng kapatid mo, Jules. Halika na at baka malate ka na sa school."
"Kuya... Jules" naririnig nilang sambit ni Kean.
Pagdating sa school ni Jules ay agad na ibinaba ni Samantha ang anak kasama na ang yaya nito. Hindi na niya pwedeng ihatid sa loob si Jules sapagkat karga-karga niya si Kean.
Kumaway lang si Jules at parang may sariling isip ang anak niyang si Kean kaya kumaway na rin ito sa kuya niya.
"Bye, bye... kuya."
Nakangiti si Sam habang pinagmasdan ang anak niyang si Kean na halos hindi inalis ang tingin sa papalayo nitong kuya.
"Mama... mama... kuya..." iyon na lamang ang tanging nasambit ng anak niyang si Kean.
Kahit medyo hindi masyadong nakakapagsalita ng maayos si Kean ay hindi nawawalan ng pag-asa si Sam. Two years old na si Kean Jarvin pero kaunting mga salita lang ang kaya nitong bigkasin.
Ilang sandali pa ay tinatahak na nila ang lugar patungong Nasugbu, Batangas. Lulan sa sariling kotse si Sam kasama ang anak. Hindi naman batang iyakin si Kean kung kaya't safe silang nakarating ng probinsya.
Pagdating sa probinsya ay agad na narating ni Samantha ang venue ng nasabing events. Pumasok na lang muna siya sa loob ng kwarto kasama ang anak na si Kean.
Hindi purhesyo si Kean kung kaya't hindi siya nahihirapang gawin ang task niya. Marunong ng lumakad ang anak niya at hindi naman ito pasaway.
At sa araw na iyon ay nagpahinga na siya kasama ang anak. Napagdesisyunan niyang ipapasyal ang anak kinabukasan.
Kinabukasan
Katulad ng isang ordinaryong ina ay inalagaan ng maayos ni Samantha ang anak. Pinapaliguan niya ito at pinapakain ng husto.
Isa siyang dalubhasang doctor sa puso. Sa kabila ng mga appointments niya ay hindi niya nagawang pabayaan ang anak.
Ang goal niya ay ang mapalaki ng maayos ang mga anak niya.
Ang mga kasamahan niya sa trabaho ay nawiwili at natutuwa kay Kean. Kahit hindi pa ito masyadong nakakapagsalita ng maayos ay kumakanta ito kahit hindi memorized ang lyrics.
"Nakakatuwa naman itong anak mo, Sam." masiglang tugon ni Doc. Ann ng siyang ikinatuwa niya.
"Oo nga naman, Ann." pagsang-ayon din naman niya.
Nagsimula ang buong kasiyahan ng venue kasama ang mga katrabaho niya. Natapos ng walang nangyaring debate ang mga pagpupulong nila kasama ang head nila.
Sa oras na iyon ay hindi nila alintana ang sunog na nangyayari mismo sa loob ng venue nila.
Habang iniwan ni Sam ang anak at nagtungo muna siya sa palikuran ay natataranta na lang siyang nagtatakbuhan na ang mga tao sa loob ng venue.
"Anong nangyayari? Kean, anak?" bakas sa mukha niya ang sobrang pag-alala.
Dali-dali siyang pumupunta sa mini park ng venue kung saan niya iniwan ang anak.
Anong nangyayari? Punong-puno ng mga katanungan sa isip niya? Bakit nagtatakbuhan sila?
Pagdating niya sa mini park ay wala na ang anak niya roon. Kung saan-saan niya ito hinanap pero hindi na niya mahagilap pa.
"Kean? Anak? Nasaan ka?" Natagpuan na lamang niya ang sariling umiiyak at napaupo ng wala sa oras.
Hindi pwedeng mawala ang anak niya. Iyon na lamang ang huling alaala na naiwan sa kanya ng asawa. Hindi niya batid kung ano ang kaguluhang nangyayari.
Natigilan na lamang siya ng mapansin ang mga usok na nakita niya sa may di-kalayuan.
"Sam, halika na! Masusunog ang venue natin!" mabilis na sabi sa kanya ng head nila ngunit nag-aatubili siya.
"Hindi ko pwedeng iwan ang anak ko rito, doc." sabi pa niya ngunit lumalaki na ang apoy.
Gustuhin man niyang hanapin si Kean pero hindi na niya magawa. Umaapoy na sa paligid niya at kailangan na niyang umalis doon.
"Kean, anak." natatanging sambit na lamang ni Samantha sa mga sandaling iyon.
Pagkatapos ng aksidenteng iyon ay halos mawalan na ng pag-asa si Sam na mabuhay. Iniisip niya palagi ang pangalawa niyang anak. Mabuti na lamang at hindi umaalis sa tabi niya si Jules, ang panganay niyang anak.
Hindi rin tumitigil sa kakaiyak si Jules nang malamang nawawala ang kapatid niya.
Sa loob-loob ng puso ni Sam ay nararamdaman niyang buhay pa ang anak niya. Umaasa pa rin siya na balang araw ay masisilayan niya itong muli.
Hindi siya tumitigil sa pagtatanong at paghahanap ng anak. Bumalik pa rin siya sa lugar na iyon, nagbabakasakaling makita niya ang anak pero wala pa rin.
Makikilala pa rin niya ang anak niya balang-araw sa simpleng palatandaan nito sa balikat. Ang nunal nito sa balikat na madalas hinahawakan ni Jules sa tuwing maglalaro sila ni Kean.
Hindi biro ng isang ina ang mawalan ng isang anak. Isang anak na napamahal na sa kanya. Isang anak na nagbibigay ng sigla at saya sa buhay niya.
Habang nasa harap siya ng puntod ng asawang si Frederick ay taimtim na nagdarasal si Samantha.
"Sana, ituro mo sa akin ang tamang landas upang mahanap ko ang ikalawang anak natin, Mahal. Nararamdaman ng puso ko na buhay pa ang anak natin. Sana kausapin mo si God na ibalik na sa akin ang nawawala kong anak, Mahal." habang kinakausap niya ang puntod ng asawa ay bumuhos ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata niya.
YOU ARE READING
Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]
Teen Fiction#MONTREAL SERIES 1 #6 KYRU as of March 06, 2024 #2 in Wattpad Teen Fiction as of March 09, 2024 ( Highest Rank ) #24 in WattpadPhilippines as of March 09,2024 #1 uglyface as of 11/26/19 #18 - KYRU as of 11/26/19 #86 Moments #218 in Teen Fiction as o...