Chapter Twenty-Nine

667 59 9
                                    

Chapter Twenty-Nine. The Long Lost Brother

Kayesmile Ayesha Garcia

Nagising ako sa sobrang lakas ng tunog ng cellphone ko. Sino ba ang tumatawag? Inaantok pa nga ako, eh.

If you're not the one then why does my soul feel
glad today?
If you're not the one then why does my hand fit
yours this way?
If you are not mine then why does your heart
return my call?
If you are not mine would I have the strength to
stand at all?

Ang ingay ng ringing tone ko. Kahit nakapikit pa ang mata ko ay dali-dali kong dinampot ang cellphone ko.

"Hello?"

["Kayesmile, please? I need your help..."]

Huh?

Sino ba kasi ang kausap ko? I glanced on my phone to see who's the caller.

Si Jules lang pala.

But what happened to him?

"Jules, anong nangyayari?" natataranta na tuloy ako. Narinig ko kasing iba ang tono ng boses niya. Humihikbi siya.

["Kaye, please come here. I need your help. Si mama, huhu."]

Agad akong napaayos ng upo at nararamdaman kong may kakaibang hindi nangyayari. I glanced on my wall clock. It's already nine o'clock in the morning.

"Okay, coming." and I ended up the call. Mabilis akong nagtungo ng banyo upang maghilamos.

Anong nangyayari kay Tita Sam? Pagkatapos kong manghilamos ay biglang sumikip ang dibdib ko.

Huwag naman ngayon.

Umupo muna ako sandali sa kama ko at inoobserba ang pagsikip ng dibdib ko. I think I'm okay na. Pupuntahan ko si Jules sa bahay nila.

--

Ssej Gian Mendoza

Kakatapos ko lang maglaba sa mga damit ko. Saturday naman ngayon at pagkatapos nito ay bibisitahin ko muna si Kayesmile ko. Kumusta na kaya siya?

Sobrang saya ko sa date namin kagabi. Hindi ko na nilalabhan ang bigay niyang couple t-shirt. Nakatulog ako nang mahimbing habang suot ko iyon.

Awtimatiko akong napa-upo sa sala nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sino ang tumatawag?

I can't face the thought of you leaving
So take me along
I swear I'll be strong
If you take me wherever you go
I wanna learn the things that you know
Now that you made me believe
I want you to take me
'cause I long to be
Able to see the things that you see
Know that whenever you do
I'll follow you

Unregistered number nga, eh. I press the green button on my cellphone.

"Hello."

["Hello, Gian. Alam kong mali itong gagawin ko pero patawarin mo ako."]

Natigilan ako sa nagsasalita sa kabilang linya. Hindi ko maiintindihan ang boses niya, eh. Lasing ba siya o umiiyak? Ni hindi ko nga siya kilala, eh.

"Sino ka ba?"

["Alam kong hanggang ngayon ay mahal ka pa ni mama. Mas mahal ka niya kumpara sa akin. Dahil kahit nawala ka sa pamilya namin na ang akala ng lahat ay patay ka na ay patuloy pa ring umaasa si mama na mahanap ka niya. Halatang-halata sa kilos ni mama na kahit hindi ka na niya binabanggit ay hinahanap ka pa rin niya."]

Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]Where stories live. Discover now