Chapter Forty-One

689 44 4
                                    

Chapter Forty-One. The Plan

Point of View

Kayesmile Ayesha Garcia

I'm so tired from Hearts Garden kung kaya't humiga ako sa kama ko at nagmumuni-muni. Ipinikit ko ang mga mata ko at biglang pumasok sa isip ko ang nangyari noong nasa kalagitnaan pa ako ng treatment ko.

Flashback

Nandito si Jillian sa loob ng silid ko at pinipilit niyang ipainom sa akin ang gamot ko.

"I said no! Ayoko! Hindi mo ba naiintindihan iyon, huh?" matigas na sabi ko sa kanya. Hindi ko talaga balak uminom ng gamot, eh.

"Kayesmile, this is for your own good, okay? Kapag hindi mo inumin ang gamot mo, malilintikan ako sa doctor na nag-utos sa akin. Maawa ka naman sa akin, oh." she has that pity looks and weakness eyes.

Sino ba kasi ang doctor na iyan, huh? Eversince ng treatment ko ay hindi ko talaga nakita ang doctor na sinasabi niya.

"Nasaan ba ang doctor na tinutukoy mo? Bakit ayaw niyang magpakita sa akin?" paasik na tanong ko sa kanya.

"Nandito siya kanina ngunit tulog ka pa. Hindi ka na lang niya ginising. " she replied.

"Palusot ka pa talaga!" bulyaw ko sa kanya.

I'm sorry for acting like this. Nasasaktan pa rin kasi ako sa nangyari sa buhay ko.

Nasa States ako ngayon kasama ang mga magulang ko. Tubong Pilipinas si Jillian kung kaya't nakakapagsalita siya ng tagalog dito. Siya lang din kasi ang nurse na may lakas ng loob kaibiganin ako. The rest nurses na nandito ay mga pure english.

Inirapan ko si Jillian at pasimpleng kinuha ang gamot na nasa ibabaw ng mesa.

Sa loob-loob ko, I need to take this. Kailangan ko pang pumasok sa school dahil isang semester na lang at magtatapos na ako sa kursong architect.

"Thanks, Kayesmile." sabi niya nang makitang umiinom na ako ng gamot ko.

Nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kaagad  niyang kinapa ang bulsa ng blusa niya at tumingin muna sa akin, "Excuse me, tumatawag yata ang boss ko." magiliw na wika niya at humakbang siya ng ilang pulgada mula sa akin.

Instead to ask her ay ipinikit ko na lang ang mga mata ko hanggang sa makatulog na ako.

End of Flashback

Sino kaya ang boss ni Jillian noon? Ito rin ba kaya ang kaibigan na sinasabi niya ngayon? Why so bothered, Kayesmile?

Napabalikwas ako nang bangon at dali-daling tinungo ang kusina. Nagutom ako, eh. Pambihirang Jillian na iyon, napakahighclass ng pinuntahan naming venue pero tanging coffee lang ang ino-order para sa aming dalawa?

Siya na ang kuripot. Siya na ang sobrang metikulosa pagdating sa pera. Dahil gutom na gutom na ako ay binuksan ko ang regrigerator at tumambad sa harapan ko ang isang plato ng pizza pie with cheese flavor.

I was so schoked and just bite my lips for a moment. Sa loob ng anim na taon ay gumradwet din ako sa pagiging matakaw kung kaya't I have my slim body now.

Nagdadalawang-isip ako na kunin ko ang pizza pie pero dahil sa gutom na ako ay kinuha ko na iyon at nilantakan ko na.

"Kayesmile!" bulalas ni Yaya Flora kung kaya't muntik nang malaglag ang mga panga ko. Haha, peace.

"Oh, bakit?" I had those wonders-tricken facial expression.

"Kinain mo na?" tanong niya.

Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]Where stories live. Discover now