Chapter Twenty-Three

855 70 15
                                    

Chapter Twenty -Three. Consequences

   Kayesmile Ayesha Garcia

Kinaumagahan

Hindi ko na namalayan ang takbo ng oras at kwentuhan namin kahapon sa nanay ni Gian kaya nakatulog ako rito sa kubo nila.

Masarap ang tulog ko at maaliwalas ang lamig ng hangin dito sa province. Iniligpit ko ang hinigaan ko at pagkatapos lumabas na ako. Sunday na ngayon at kailangang mamaya ay makabalik na ako sa siyudad.

I sighed several times. Haharapin ko na si Kuya Chayll at si Kyla. Handa na ako sa kanilang dalawa. Pagkalabas ko ng silid ay nakita ko si ugly face na tinutulungan ang tatay niya sa pagdidilig ng halaman.

Na-meet ko na rin kagabi ang tatay niya. Mabait at masipag din kagaya ni ugly face. Wala na akong iba pang masasabi sa kanila. Biyaya sila pareho sa buhay ni Gian.

Nang makita na ako ni Gian ay lumapit siya sa akin at binati ako ng "magandang umaga".

"Magandang umaga rin sayo, Gian ko. Hindi pa ba tayo aalis? Kailangan na nating bumiyahe mamaya but before that ay dadaan muna tayo sa may batis. Gusto kong maligo roon kahit saglit lang, Gian." I told him last night na gusto kong dumaan doon at sana naman hindi niya nakalimutan iyon.

May ilang part kasi ng batis na iyon kung saan una kong nararamdaman ang pagkagusto kay Gian. Siyempre, makulit at palaasar siya that time.

"Hindi ko nakakalimutan iyan, dirty face. Kanina pa lang ay nagpapaalam na ako kina itay at inay na pagkagising mo ay aalis na tayo." He said in a very mahinahon voice.

"So, aalis na tayo?" tanong ko sa kanya.

But bago ko nga pala makalimutan, inubos ko ang dala kong chocolate kagabi. Ang mga pasalubong na dala namin ni Gian ko ay naibigay na rin niya sa nanay at tatay niya. Nakabihis na rin ako.

"Oh, Gian, Kayesmile, mag-iingat kayo sa pag-uwi, anak." narinig kong sinabi ng tatay niya. Tumango lang si Gian ko at ako na rin.

Bago pa man kami nakalabas ng kubo ay inihatid kami ng tanaw mula sa bintana ng Nanay Sandra niya.

"Bye po, nay!" sabi ko habang kumakaway ako sa mga kamay ko.

Masyado pang maaga kaya mabilis naming narating ang hacienda. Wala pa namang katao-tao roon kaya mabilis na binalikan ni Gian ko si Kikay.

--

Batis

Nakaupo lang si Gian ko habang pinagmamasdan akong naliligo. Hinayaan ko na lang siya. I love the water so much. May mga nakikita pa akong mumunting isda sa tubig sa tuwing lumalangoy ako.

"Gian, maligo ka na!" panay ang tawag ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinapansin. Mukhang busy yata siya, eh.

"Huli ka!" narinig ko na lang na sumigaw siya kaya napaahon ako sa tubig at agad ko siyang nilapitan.

Oh my god! Nakahuli siya ng buhay na isda. Kaya nama pala tahimik ang unggoy na ito kasi namimingwet siya.

"Whoah! Ugly face, masarap iyan." nasabi ko kaagad.

"Alam ko. Matakaw ka ngang talaga. Halika at tutulungan mo akong lutuin ito."

"P-paano?"

"Inihaw na isda ang gagawin natin. Dali na, dirty face." utos niya sa akin. Whoaah, dakilang palautos na talaga siya. Pero di bale na, atleast I will eat naman pagkatapos.

Maya-maya pa'y luto na ang inihaw naming isda. Tinikman ko ito and I like it. Nagtatawanan pa kami habang kumakain, nagkatitigan and he kissed me.

"Sana ay ganito tayo kasaya araw-araw, dirty face. Sana ay ganito tayo palagi. Ayokong malayo ka sa piling ko." He said in a serious way. Sana nga Gian ko ay ganito tayo palagi, ang makasama at makapiling ka.

Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]Where stories live. Discover now