Chapter Fifteen

1.1K 110 47
                                    

Chapter Fifteen. I love you

           Ssej Gian Mendoza

Nasa cafeteria ako ngayon at nag-o-order ng dalawang pirasong burger steak at dalawang baso ng malamig na tubig.

Hindi ko nakakalimutan ang sinabing iyon ni dirty face na libre ko ngayon. Mahirap ako, eh. Siya na dapat umiintindi sa pagkaing inoorder ko.

Napasulyap ako sa suot kong relo. Wala pa si dirty face. Hihintayin ko na lang siya.

Maya-maya pa ay nakita ko ang Jules na sinasabi ni Kayesmile na ex niya at pumasok sa cafeteria na may kasamang dalawang lalaki. Sinusundan ng mga mata ko ang bawat hakbang nila.

Umorder sila ng tatlong plato ng kanin at tatlong klase ng ulam. Pagkatapos ay lumapit sila sa direksyon ko.

"May space pa, pwedeng makishare rito sa mesa mo?" Magalang na pamamaalam ni Jules.

I don't know kung nan-tri-trip lang siya dahil marami pa namang mesang bakante, eh.

"Hindi ho pwede. May hinihintay ako. Marami pa namang bakante roon, oh. " at itinuro ko ang bakanteng mesa na iyon.

"Pare, mukhang hindi ka niya kilala oh. Ang bastos, eh. Uupakan ko na ba?" I heard other guy said.

"Wait lang pare, mukhang gusto ng sampol." At pagkasabi  ni Jules ay  hindi ko inaasahang lumipad sa mukha ko ang kamao niya.

That effin shit!

Narinig ko na lang ang mga sigawan ng iba pang kumakain doon. Ang bilis ng suntok niya dahilan upang tumilapon ang mukha ko sa bakanteng mesa. Anak ng kabayo naman. Ang tapang niya.

Babangon na sana ako upang gantihan siya ngunit nagulat na lang ako  nang makita ko ang gwapong lalaking sumuntok kay Jules. Sapol si Jules sa panga nito.

"Isang panggugulo pa rito sa cafeteria, Jules. Hindi ka na patatawarin ng mga kamao ko." Matapang niyang asik kay Jules.

Napamura na lang ito habang hinahawakan ang mga pangang natamaan ng suntok. That worse glare ni Jules na parang kikilawin kang buhay.

"Tumayo ka na." Sabi ng lalaki habang inilahad ang mga palad sa akin.

Tinanggap ko iyon. "Salamat." At inalalayan na niya akong tumayo.

"Sa susunod ay layuan mo ang walang modong lalaking iyon. Masakit ba ang suntok niya?" tanong niya na may halong pagbibiro at mukhang gusto pa akong pagtatawanan.

"Tumilapon nga ako, eh." sabi ko in a sungit tone.

Infairness, biglaan ang suntok ng Jules na iyon, ah! Anong kasalanan ko sa kanya? Ang init-init ng dugo niya sa akin, eh.

"Siyanga pala, I'm Chayll Dominic Aquino Garcia, BSBA graduating student here in Ascott University, and you are?"

Garcia? Muntikan ng malaglag ang mga panga ko sa sinabi niya. Ngumiti lang siya ng pagka-gentleman at umiling. Kaanu-ano niya si dirty face?

"I'm Miss Ascott University's eldest brother." dagdag pa niya habang hinihintay ang sagot ko.

Lagot na. Paano ako makakalapit ng husto kay dirty face nito? Hindi naman siguro impakto itong kuya niya. Baka naman, over protective to, eh. 

Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]Where stories live. Discover now