"Galingan mo Keilla ha? Hindi man ako makakapunta sa try out mo ay ipagdarasal ko na matanggap ka!" nakangiting sabi ni mama. Ngumiti rin ako tumango sa kanya. "Pangako ko mama, makakapasok ako sa dream school mo!" sabi ko naman sa kanya.Hellviore University, and dream school ni mama noon. University para sa mga mahihilig sa sports. Mayroon doon na basketball, pero para sa mga lalaki lang. Volleyball naman, pero para sa mga babae lamang. May ice hockey at figure skating rin doon na nararapat rin lamang para sa kalalakihan at kababaihan.
Hindi natanggap si mama sa paaralan na iyon kaya ako ang tutupad sa pangarap ni mama. Papasok ako doon at sisiguraduhin kong matatanggap ako sa volleyball team. Gusto kong ipagmalaki ako ni mama sa mga kaibigan niya na nakapasok ako sa Hellviore University. Sikat na sikat kasi ang paaralan na iyon sa larangan ng sports.
"Goodmorning Hellviore!" maligayang bati ko nang makarating ako sa tapat ng Hellviore University. Nagtinginan pa ang mga iba pang estudyante sa akin kaya agad akong nakaramdam ng hiya. Yumuko na lang ako at pumasok sa loob. Mabilis ko naman nahanap ang court para sa volleyball. Marami ang nandoon para sa try outs ngayong araw.
"Keilla Chantal Lee?"
Agad kong tinaas ang kanang kamay ko nang tawagin ang pangalan ko. "Present!" energetic kong sabi. Pinapunta na kami sa court para simulan na ang try outs. Kinakabahan ako dahil kami ang unang sasabak sa try outs. Hindi ko pa alam kung gaano kagaling ang mga makakalaban namin. Sana lang ay hindi ako maging pabuhat sa mga kasama ko.
"Babae ka?" gulat na tanong nila sa akin. Tumingin naman ako sa kanila at tumango. Hindi na ako nagulat na napagkakalaman nila akong lalake dahil bukod sa panlalake ang gupit ng buhok ko ay mula bata pa ako ay madalas na akong mapagkamalan na lalake. Kamukha ko kasi si papa lalo na't maikli ang buhok ko. Buhok ng lalake. Isa pa, mula bata pa lang ako ay gusto na akong gawin na lalake ni papa dahil mas bagay ko raw iyon.
Matagal nang hiwalay ang mama at papa ko dahil palagi nilang pinag-aawayan ang dapat na maging gender ko. Si papa ay gusto akong maging lalake katulad ni kuya pero hindi payag si mama doon a dahil doon ay naghiwalay sila. Hindi rin naman payag si kuya na magpakalalake ako dahil lang sa gusto ni papa. Kay mama ako naiwan at si kuya ay sinama ni papa sa ibang bansa para doon siya mag-aral.
"I will be choosing the best player among this first batch. Hindi ito katulad last year na first to reach 25 ang makukuhang team, nakuha ba? Last year's picking of players resulted into a disaster so we won't be doing it again." sabi ng coach kaya attentive naman akong nakikinig. Based on skills pala talaga ang gagawin nila kaya naman sobrang kinakabahan ako. Alam kong hindi ako ganoon kagalingan pero sana, sana ay makuha ako.
Nagsimula na ang laro at sobrang nahirapan ako lalo na nang kailangan kong i-block ang isang spike nang kalaban. Sa sobrang taranta ko ay hindi pa napupunta sa side naming ang bola ay nahawakan ko na kaya naman naka-score ang kalaban namin. May mga kasama akong sinamaan ako ng tingin kaya humingi na lang ako ng paumanhin. Marami akong maling nagawa na nagpatalo sa team naming kaya sigurado na akong hindi ako makukuha.
Hindi ko na hinintay na i-announce ang makukuhang players sa first batch na iyon dahil alam kong wala ako doon. Bigo akong umalis doon at nakayukong naglakad-lakad. Nahihiya pa akong umuwi dahil wala akong mukhang maihaharap kay mama. Ang lakas ng loob kong sabihin ang mga salitang iyon sa kanya bago ako umalis ng bahay. Ano ang nagging resulta ng pagmamayabang ko? Kabiguan. Kapalpakan.
"Oh my gosh, ang gwapo. Magta-try out kaya siya sa basketball? Ice Hockey? Bagay siya sa dalawang sport na iyon."
Tinignan ko ang isang grupo ng mga kababaihan na nagtitilian. Sinundan ko kung saan nakatuon ang atensyon nila at nakita ko ang isang lalake na may kausap na mukhang mas matanda sa kanya ng kaunti.
BINABASA MO ANG
Falling for Her [REVISED]
FanfictionKeilla Chantal Lee, who aims to get accepted at the volleyball team attended the try out for the opening of Hellviore University for a new school year. But a heartbreaking news came to her. Still persistent to go to that university, she disguised h...