Chapter Twenty-Three

21.6K 585 12
                                        


"Good evening!"

Lahat ay napatingin kay Mr. Xavier na ngayon ay magbibigay na ng opening speech. Marami rin silang business partners dito na umattend sa party para kay Zack. Wala ang mama niya dahil umuwi na raw ito sa states kasama ang bago nitong boyfriend na si Mr. Quinox. Ayaw na rin naman daw ni Zack na imbitahan ito.

"Boring ng speech! Pwede bang kumain na lang?" reklamo ni Kace. Napatingin tuloy kami sa kanya. "Puro kain alam mo, kaya walang nangyayari  sa buhay mo." sabi naman ni Calum sa kanya. Tiningnan naman siya ng masama ni Kace at sinimangutan. Natapos na ang speech at nagsimula na rin kumain ang mga bisita. Si Zack naman ay hindi na namin makita at mukhang wala pa silang balak hanapin dahil busy sila sa pag kain kaya ako na lang ang naghanap kay Zack.

Nakipagsiksikan pa ako dahil sa dami ng bisita hanggang sa makarating ako sa balcony kung saan nakita kong nag-uusap si Zack at si Aiessa.

"Zack, ako na lang. Ako na lang kasi Zack." pagmamakaawa ni Aiessa. Naluluha pa ang mga mata nito at kaunti na lang ay maiiyak na siya. Zack sighed and removed Aiessa's hands in his arms.

"Hindi ako pumapatol sa ex ng kaibigan ko, especially when you left him just for me. Isa pa, I already like someone else. Saan ba ang hindi mo maintindihan pa, Aiessa? I already like someone at hindi ikaw iyon. I will do everything and anything to stop this engagement. Please, help me. Sa tingin mo ba kahit maikasal ako sayo balang araw, magiging masaya ako? Iyon ba ang gusto mong relasyon? Relasyon na ikaw lang ang lumalaban? Ikaw lang iyong nagmamahal? Hindi diba? Wala naman sigurong tao ang may gusto ng ganoong relasyon." sabi ni Zack sa kanya.

Natahimik naman si Aeissa. "Gusto ko lang naman magmahal. Kasalanan ko bang ikaw ang gusto kong mahalin?" she whispered.

"Kyle loved you. He really loves you, Aiessa. Sinayang mo iyon para saan? Para sa akin na hindi ka naman kayang mahalin pabalik? Ayusin mo mga desisyon mo sa buhay. You just lost a person who was willing to take any risks just to be with you." Zack said.

Aiessa left without saying anything. Naiwan lang si Zack doon na pinanood lang siyang umalis. Hindi ko tuloy alam kung itutuloy ko pa ba ang balak ko na kausapin siya. "I know you're there." bigla niyang sabi na ikinagulat ko. Wala na tuloy akong nagawa kung hindi ang lapitan siya. Nang makalapit ako ay hindi niya pa rin ako tinitingnan at para bang sinasadya niyang huwag akong tingnan. Ano ba ang problema niya?  Bakit ayaw niyang tumingin sa akin?

"Why aren't you looking at me? Hindi ba okay ang itsura ko ngayon? Mukha ba akong ewan?" sabi ko sa kanya, trying to catch his gaze.

"Stop that, Kei. Nakakahilo ka." suway niya sa akin at patuloy pa rin na umiiwas ng tingin. What the hell is his problem? I just want to ask for his opinion about my look!

Sa inis ko ay pilit ko siyang iniharap sa akin. Nagulat naman ito at pumikit. "Why are you not looking at me? " inis kong tanong sa kanya dahil ayaw pa rin talaga niya akong tignan.

"N-no." nauutal niyang sagot.

"Eh bakit ayaw mo akong tingnan?" tanong ko ulit, pinipilit pa rin siya na tingnan ako dahil kanina pa siya nag-iiwas ng tingin sa hindi ko malaman na dahilan.

Hindi naman siya sumagot kaya mas lalo akong nainis. "Sabi ko tingnan mo ako-"

"Ano ba, Kei! Ang ingay-ingay mo! Bakit ba ang kulit mo ha? Gusto mo bang aminin ko sayo na ang ganda mo ngayon?!  Na pwede ka na ipanglaban sa Miss Universe at sigurado na yong pagkapanalo mo? Ganun ba gusto mo, Kei?" sambit nito na ikinatigil ko.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya habang hindi na makapagsalita dahil sa gulat ko sa sinabi niya.

He- he thinks I'm beautiful? But I'm wearing a suit! And I'm not even looking like a woman!

Falling for Her  [REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon