Chapter Five

30.6K 743 85
                                    


Masakit. Mahirap. Nakakapagod. Tapos na ang second quarter at mukhang tuluyan nang napilayan si Kace. Dahil sa nangyari kanina ay napag-initan siya kaya ilang beses siyang nasiko, binunggo, tinisod at kung ano-ano pa. Muntik na rin tumama ang mukha niya kanina sa sahig dahil sa lakas ng pagkakatulak sa kanya nang tumalon iyong taga Quinox para i-shoot iyong bola sa ring. Nadaganan pa nga siya kanina dahil doon.

Kinakailangan nang i-bandage ang right foot ni Kace at may minor injury naman siya sa siko niya sa kaliwa. Alam kong galit na rin si coach at gusto nang magreklamo. Si Zack naman kanina ay lumabas raw muna para magpahangin dahil kamuntikan na rin siyang sumugod sa court kanina dahil sa nangyari kay Kace.

"Akala ko basketball lang 'to, daig pa nila ang boxing match." sabi ni Kace habang nilalagyan ng bandage iyong paa niya. Mabuti na lang at hindi naman kailangan sementuhin dahil kung ganoon ang mangyayari ay ilang buwan pa bago gumaling iyon.

Gustong-gusto ko na rin matapos ang larong ito dahil ayoko nang may-injured pa sa amin. Sinubukan ko rin saluhin ang ibang pagbunggo nila pero nagalit lang si kuya at si coach sa akin. "Hindi solusyon ang saluhin mo iyon. Paano na kung dalawa kayong napuruhan? Imbes na isa lang dadagdag ka pa?" 'yan ang sermon ni coach sa akin.

Si Tristan naman ay nagkabukol pa ata dahil sa pagkatumba niya kanina. Nagulat pa nga ako nung sinampal ni Blanca iyong captain kanina ng Quinox. Nalaman ko rin na girlfriend iyon ng captain ng Quinox basketball team at ex-girlfriend iyon ni Zack.

Gusto ko man na magreklamo sa referee dahil pinapalampas niya ang mga fouls ng Quinox ay hindi ko magawa. Teritoryo ito ng Quinox kaya wala kaming karapatan na mag-reklamo.

Nang magsimula na ang third quarter ay ganoon pa rin ang eksena. Kasama na ulit si kuya at Jonax ngayong third quarter kaya naman kampante ako na makaka-score kami ng mas marami. Nakay Jonax ang bola ngayon at dinidribble na niya. Tumakbo naman kami sa court namin nang ipasa niya iyon kay kuya. Habang dinidribble ni kuya ang bola ay pinipigilan namin ang ibang mga taga Quinox para hindi nila maagaw ang bola.

Nagulat na lang ako nang biglang dumaing si Calum na ngayon ay hawak-hawak ang braso niya. Nag time-out ang referee para tingnan ang nangyari. Agad naman kaming lumapit kay Calum at tiningnan ang kalagayan niya.

"Calum." tawag ko sa kanya dahil dumadaing pa rin siya. Agad naman lumapit si coach para dalhin si Calum sa bench. Mukhang masakit talaga ang nangyari sa siko niya kaya naman kailangan ng substitute. Lahat kami ay tumingin kay Zack nang hubarin na niya ang sweater niya.

"Zack, not now." the coach warned him. "Kace is injured. Now Calum is injured. Who will substitute him?" sabi ni Zack kay coach.

"Mayroon naman si Tristan." sabi naman ni coach. "He already played 2 quarters in a row. He needs to rest for the fourth quarter. We can't lose another player." pagpilit ni Zack. Bumuntong hininga naman si coach at galit na hinarap si Zack.

"If your injury gets worst, what will you do, huh? You're not some kind of superhero, Mr. Xavier." mariin na sabi ni coach sa kanya. Nagsimula na ang bulungan ng mga nanonood na nandito sa may banda namin.

"Kaya ko sarili ko." sabi rin ni Zack bago nag warm up. Mukhang hindi na siya mapipigilan ni coach kaya wala na rin itong nagawa at dinala na lang si Calum sa clinic ng Quinox.

Nagpatuloy na ulit ang paglalaro sa third quarter. Hinarap naman ng captain ng Quinox si Zack atsaka ngumisi. "Ang tagal kong hinintay na makalaro ka, Jiro." nakangising sabi nung captain nila.

Falling for Her  [REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon