Halos tumakbo na kaming lahat palabas ng Hellviore. May mga nag-congratulations pa sa amin pero hindi na namin napasalamatan dahil nga sa pagmamadali namin na makapunta sa hospital.Naririnig ko pa nga ang sigaw ni Kace na hintayin daw namin siya at hindi rin naman daw siya makahabol sa amin dahil nga sa pilay niya. Kung hindi lang kami nagmamadaling pumunta sa hospital ay baka tinawanan na namin siya. Si Jonax na ang umalalay kay Kace at kulang na lang ay buhatin na niya si Kace para mabilis silang makasakay dito sa van.
Nang makapasok na kaming lahat sa loob ng van ay agad iyon minaneho nung driver. Hindi naman mamamatay si Zack dahil sa pilay niya pero nag-aalala kami sa kanya. Lalo na kanina nang halos sumigaw na siya ng sobrang lakas dahil sa sakit.
It was the first time we saw him cried in pain simula nung mapilay siya. Siguro ay masyadong sumobra ang ginawa ng Quinox sa kanya. Nang makarating na kami sa hospital ay nasa operating room pa raw si Zack dahil kinakailangan operahan ang pilay niya.
Si coach ay bumili muna ng pagkain namin habang lahat kami ay naghihintay sa labas ng operating room. Si Kace ay halos umiyak-iyak na habang binabanggit ang pangalan ni Zack.
"Pilay lang 'yon, Kace. Hindi mamamatay si captain." sabi ni Calum kay Kace na mukhang naririndi na rin kay Kace.
Maya-maya pa ay lumabas na iyong doctor kaya nagsitayuan kaming lahat. "Maililipat na rin sa private ward ang pasyente. Fortunately, his injury can still heal within 3-5 months. He can still play basketball in the future." sabi ng doctor kaya nakahinga kami ng maluwag.
"Oy doc, paano mo alam na naglalaro siya ng basketball. Stalker ka ah." sabi ni Kace sa doctor kaya naman agad siyang siniko ni Calum. Ngumiti lang ang doctor bago umalis. "Bobo mo Kace." sabi ni Axel kay Kace na ngayon ay nakikipagsukatan ng masamang tingin kay Calum.
Nang mailipat ni si Zack sa private ward ay nagising na rin naman siya. Nakasemento ang pilay niyang paa. "Captain, nanalo kami." maligayang sabi ni Kace kay Zack. Tumango naman si Zack. Wala man lang congratulations?
Maya-maya ay pilit niyang inabot ang cellphone niya nang tumunog ito. Siguro someone messaged him. May plinay siyang video at sa tingin ko ay iyong laro kanina iyon. "Ang astig ni Jonax kanina dyan, captain! Ang galing niya! Akala ko nga ikaw pa rin 'yong naglalaro eh! Hindi kasi ganoon maglaro si Jonax kahit sa training!" madaldal talaga 'tong si Kace 'no?
Speaking of Jonax, wala siya rito. Nasaan naman kaya 'yon? Nung nailipat na dito sa private ward si Zack ay nawala na siya.
Nagulat na lang ako nang palabasin niya silang lahat maliban sa akin. Ano naman kaya ang gagawin ko dito?
"How's Jonax's play?" tanong niya bigla kaya inalala ko ang naging laro ni Jonax kanina. Napangiti ako nang maalalang parang ibang tao si Jonax kanina. He became a different person when he was provoked.
"He was like you. His play was amazing. Ibang-iba sa laro niya noong try outs." sagot ko nang nakangiti. "Why are you even smiling?" kunot-noo niyang tanong. Tumingin naman ako sa kanya. "Is that why you have that disappointed look in your eyes nung try outs? Kasi hindi naman talaga ganoon ang laro ni Jonax? That he's even better than that?" tanong ko sa kanya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin.
"Hindi ko alam kung ano 'yang sinasabi mo." agad niyang pag-deny. Huminga ako ng malalim bago siya muling kinausap. "You're bestfriends, right? Kahit hindi ko alam kung ano ang nangyari sa inyong dalawa, alam kong gustong-gusto mong magkaayos ulit kayo. Alam kong gusto rin iyon ni Jonax." sambit ko.
"That long shot was risky." pag-iiba niya ng usapan. "What?" kunot-noo kong tanong. "That long shot you did, it was risky. Madelline sent me the video of the play nung wala na ako doon." pag-uulit niya.
BINABASA MO ANG
Falling for Her [REVISED]
FanficKeilla Chantal Lee, who aims to get accepted at the volleyball team attended the try out for the opening of Hellviore University for a new school year. But a heartbreaking news came to her. Still persistent to go to that university, she disguised h...