"Congratulations!"Hellviore, once again, won against Quinox. Napuno ng hiyawan ang buong gym dahil sa pagkapanalo namin. It was tough but we won.
"Ang galing! Grabe! Walang injuries! Hindi katulad nung unang laro ang dami nating na-injured." tuwang-tuwa na sabi ni Kace nang matapos na ang laro. I am also glad na wala kaming injuries na natamo sa laro namin ngayon laban sa Quinox. "Coach, ehem. Baka naman, libre ka dyan." pagpaparinig nila Axel at Calum kaya naman naki-kantyaw na rin sila Tristan. Tumawa na lang si coach bago pumayag.
Nagpunta kami sa isang mamahalin na restaurant. At dahil libre ni coach ay kanya-kanyang order na sila Kace. Ako naman ay kung ano ang sa kanila ay iyon na lang din ang in-order ko. Tahimik lang ako habang pinapanood silang nagkwentuhan at magsaya. Hindi kasi kaya ng konsensya ko na makisaya kasama sila kung alam ko rin naman na iiwan ko rin sila pagkatapos nito. This will be the last play I will have with them and also the last celebration with them. Nalulungkot ako pero alam ko naman na para rin naman sa sarili ko iyong gagawin ko. Para sa kinabukasan ko.
"Are you okay?" Zack asked. Patago niyang hinawakan ang kamay ko at pinisil iyon. "Yeah. Hindi lang talaga ako makapaniwala na nanalo ulit tayo sa Quinox." sagot ko kahit na hindi naman talaga iyon ang bumabagabag sa akin ngayon. Inaasahan ko naman na mananalo talaga kami dahil ilang araw din namin itong pinaghandaan at pinaghirapan.
Nang dumating na ang mga pagkain ay nagsimula na rin kaming kumain. Nakikinig lang ako sa kanila na magkwentuhan sa mga plano nila dahil ito na ang last game namin for this school year. Boring na raw dahil wala nang trainings at puro acads na lang pero parang wala namang problema si Jonax at Zack doon.
"Ikaw, Kei? Anong plano mo?" tanong bigla ni Tristan sa akin kaya gulat akong tumingin sa kanya. "Plano saan?" tanong ko sa kanya. "After ng school year na 'to." sabi niya atsaka uminom ng juice. Hindi ako nakasagot agad. Sa totoo lang, hindi ko rin naman kasi alam kung ano na ang gagawin ko pagkatapos nito. Hahanapin ko pa lang ang bagay na talagang gusto kong gawin.
"Hindi ko pa alam." sabi ko sa kanya at ngumiti. Tumango na lang siya at nagpatuloy na ulit sila sa pagke-kwento ng mga plano nila. After that celebration ay nag-aya pa sila na magpunta sa club mamayang gabi. Iyon daw ang tunay na celebration sabi nila kaya napailing na lang ako. Pumayag naman si coach kaya tuloy na tuloy na talaga ang pagpunta nila sa club mamaya. Hindi na ako makakasama dahil mamayang gabi na rin ang alis ko. Siguro ay maganda na rin iyong hindi nila alam na aalis ako para hindi ako mahirapan.
"How are you?" tanong ko kay Elliot nang magtabi kami sa van. Pabalik na kasi kami sa Hellviore ngayon. "I'm fine." sagot naman niya atsaka tumingin sa labas ng bintana. "How about Evan?" tanong ko ulit. Para akong chismosa rito ngayon. "He's fine. He's fixing it with his ex-girlfriend. I mean, nakikipag-ayos siya pero hindi makikipagbalikan. Ayaw niya lang na manatili silang magkagalit." sabi niya kaya tumango-tango naman ako. Kung ako rin naman siguro si Evan ay ayoko rin na manatili kaming magkagalit ng ex-girlfriend ko.
I'm just hoping na hindi magkaroon ng malaking problema kapag sinabi na nila sa magulang nila, lalo na sa mga magulang ni Elliot. We know how strict his parents are, at sabi rin naman ni Zack na homophobic ang tatay nito kaya hindi ko maiwasan na hindi mag-alala para kay Elliot. Baka kung ano kasi ang magawa sa kanya ng papa niya sa sobrang galit kapag nalaman niya na boyfriend ang mayroon si Elliot at hindi girlfriend.
Pagkarating namin sa Hellviore ay agad kaming binati ng mga estudyante roon pati ang school officials ay binati rin kami sa pagkapanalo namin. At dahil doon ay inimbatahan nila ang mga estudyante sa club mamayang gabi. Binook na rin nila ang buong club dahil doon. Syempre si Zack ang magbabayad dahil naisahan na naman siya nila Kace. Wala na tuloy magawa si Zack. Si Yuki at Dior naman ang nagpunta sa club para sa ibang details. Gusto raw nila na paghandaan ng mabuti at siguraduhin na masaya ang magiging celebration mamaya. Naghanap na rin sila ng DJ.

BINABASA MO ANG
Falling for Her [REVISED]
FanfictionKeilla Chantal Lee, who aims to get accepted at the volleyball team attended the try out for the opening of Hellviore University for a new school year. But a heartbreaking news came to her. Still persistent to go to that university, she disguised h...