Chapter Seventeen

23.2K 625 30
                                    


"Are you okay?" tanong ni Jonax habang may ginagawa kaming groupwork. Luckily, ka-group ko siya. Pati na rin si Zack.

Mayroon pa kaming dalawang ka-group na babae pero wala sa ginagawa naming activity ang attention nila, nakanila Zack at Jonax ang atensyon ng mga ito. "Yup. I just feel uncomfortable but I'm fine." sabi ko kay Jonax, sagot sa tanong niya kanina.

"Mabuti naman kung ganoon." ngiti niya kaya napangiti rin ako.

"The two of you," tinuro kami ni Zack kaya naman napatingin kami sa kanya. "Kayo ang magre-report bukas. Ako na ang sasagot sa additional questions." sabi niya kaya tumango naman kami ni Jonax.

"How about us?" tanong nung dalawang babae. "Do whatever you want. Help if you want. Or just sit there and continue admiring us." sarcastic niyang sagot bago humalukipkip. Kahit ganoon ang sinabi ni Zack sa kanila ay kinilig pa rin sila.

After that one subject, we had our break. Maluwag ang schedule namin dito for our first two days here dahil wala pa kaming trainings. Inaayos pa ang pagpasok namin sa basketball team dito temporarily. Kami ang papalit sa estudyante nila na napunta sa Hellviore.

"What do you think? Ganda rito 'no?"

Nagke-kwentuhan na sina Kace nang makasalubong namin sila papuntang cafeteria. Nang makita kami ay agad silang lumapit. "Kumusta? May mga chix akong kaklase! Jackpot!" masayang sambit niya sa amin.

"Iyan ang alam mo! Puro ka chix!" binatukan naman ni Calum si Kace kaya nagbangayan na naman sila. Nang pagtinginan sila ng mga ibang estudyante na napapadaan ay tsaka lang sila tumigil. Napailing na lang ako at napatawa. Kahit dito ay dala-dala nila ang kakulitan nila.

Nang makakuha na kami ng pagkain namin ay lumabas na kami at naglakad-lakad para na rin ma-memorize namin ang campus na 'to. Ayaw din naman nilang manatili sa loob ng cafeteria dahil pag-uusapan lang daw kami doon. Kahit pala makulit sila ay ayaw nilang pinag-uusapan sila dahil lang sa bago kami rito. Kahit ako rin naman ay mas gugustuhin kong mapag-isa kaysa mapag-usapan doon.

"Excited na 'ko mag-training dito. Alam niyo ba kung saan ang basketball court nila rito?" tanong ni Kace habang naglalakad-lakad kami. "Hindi pa eh. Pero maghintay ka lang, makakalaro rin tayo rito." sabi naman ni Axel sa kanya. Tumango naman ako, sumasang-ayon sa sinabi ni Axel.

Si Elliot naman ay nasa tabi ko lang at tahimik na kumakain. Bigla ko tuloy naalala ang tungkol sa kanila ni Evan. Ayos lang kaya kung magtanong ako sa kanya? Tanungin ko ang tungkol sa kanila ni Evan at kung ano na ang ganap sa kanilang dalawa?

"If you want to ask, just ask. I'll try to answer them." sabi niya na para bang nabasa niya ang iniisip ko.

"How's it going between you and Evan?" tanong ko, medyo hesitatant pa dahil baka sabihin niya ay masyado akong pakialamera sa relasyon niya.

"Are you still thinking about the kiss? I told you he's just drunk-"

"But people are honest when they're drunk. Does that mean he likes you? I mean why would he do that when he's drunk?" sabi ko naman sa kanya.

"Nalito lang siya. It's the alcohol's doing." sabi niya, pilit na itinatanggi na baka nga gusto rin talaga siya ni Evan.

"Pero-"

"Kei, he has a girlfriend. You know that right? That night was a mistake. And please don't bring it up anymore. I'm trying to forget it." he sighed kaya tumango na lang ako at hindi na siya kinulat pa tungkol doon. Baka kasi mas lalo pa siyang magalit o mainis sa akin. Ayaw ko naman mangyari iyon.

Maya-maya pa ay may nakita kaming isang grupo ng kalalakihan na mukhang nagkakagulo. Agad-agad naman kaming lumapit sa kanila, nauna pa si Kace. "Hoy! Anong ginagawa niyo?! Bakit may bardagulan dito?!" sigaw niya kaya naman sa amin napatingin ang mga lalake.

Falling for Her  [REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon