"Dito!" ibinato ni Tristan ang bola sa captain at drinibble naman niya ito papunta sa kabilang court, sa court namin. Zack ran faster para makahabol at sa kanya naman ibinato ang bola kaya nai-shoot ito ni Zack. Naghiwayan ang mga nanonood at ang mga sumusuporta sa team namin. The captain and Zack smiled at nag-apir pa dahil nakapuntos kami.
It's just the second quarter of the game pero medyo malaki na ang lamang ng score namin sa score ng kabila. Magsama ba naman ang captain at si Zack, tingnan natin kung hindi pa mananalo 'to. Nang mag time-out ay naupo muna kami sa bench para magpahinga at uminom ng tubig. Hindi pa nila pinapasok si Jonax at si kuya sa unang dalawang quarter ng game dahil sila ang papalit sa captain at kay Zack mamaya.
Habang nagpupunas ng pawis si Zack ay umupo ako sa tabi ni Jonax. "Mukhang malalim ang iniisip natin ah?" sabi ko kay Jonax kaya napatingin siya sa akin at ngumiti. "Hindi ka na maglalaro?" tanong niya. Umiling naman ako. "Si Tristan na ang papalit sa akin. Pagod na ako eh." sagot ko at nag inat ng paa dahil pakiramdam ko ay mamamanhid na ito sa sobrang pagod ko.
"You're getting better and better at basketball. It's different from the first time I saw you play." ngiti niya kaya naman bahagya ko siyang tinampal sa braso. "Syempre tinuturuan niyo ako. Ikaw ba? When we had a match with Quinox, your play that day was so much different from how you usually play. Ganoon ka ba talaga maglaro?" tanong ko. He chuckled and shook his head. "That wasn't me. Kalimutan mo na iyon."
Nakaramdam ako ng kaunting lungkot. He loves basketball so much that he played like that before. Anong nangyari ngayon? Nabawasan ba ang pagmamahal niya sa basketball? Is he playing it right now out of responsibility? Nasaan na ang passion niya sa basketball? Is he not enjoying it anymore?
"Reyes! On the court!" sambit ng coach kaya napatayo agad si Jonax. Nang tingnan naman namin ang captain ay namimilipit na ito sa sakit. Anong nangyari? Bakit nagkaganito?
"Kaka-resume pa lang ng game tapos nag-foul agad iyong kabilang team. Napikon ata sa captain dahil kanina pa ito nakakapuntos." sabi ni Gray. Tiningnan ko naman ang kabilang team na nakangisi lang sa amin. Hindi ba nila pagsasabihan ang ka-team nila? Wala ba silang sportsmanship?! Jonax had no choice but to play. Nagsimula na siyang mag warm-up. Natamaan ang siko ng captain at kinakailangan itong dalhin sa clinic para ma-check.
Nang magpatuloy ang laro ay pinupuntirya nila si Jonax ngayon dahil ito ang pumalit sa pwesto nung captain. Iniisip siguro nila na isang threat si Jonax sa kanila katulad nung captain, at tama lang na isipin nilang isang threat si Jonax sa kanila. I saw how Jonax played before, and he is a monster in court. Zack's dribbling the ball towards our court. Malayo si Jonax sa kanya, tama lang siguro ang ginawa ni Jonax na lumayo kay Zack sa court lalo na at siya ang puntirya ng kabilang team. Kapag nadamay si Zack ay baka ma-trigger ulit ang pilay nito.
Jonax fell from the ground matapos itong banggain ng kabilang team. Para silang players ng Quinox, marurumi rin maglaro. Mabilis na tumayo si Jonax para habulin ang bola, hindi niya ininda ang pagkabagsak niya kanina. Zack stole the ball from the other team and passed it to Tristan.
Binabantayan pa rin ng kabilang team si Jonax kaya hindi nila pwedeng ipasa kay Jonax ang bola. Before the other team can stole the ball from them ay shinoot na ito ni Zack na nakapuntos naman ng 3 points kaya muling naghiyawan ang mga nanonood. Nag-request naman ng time out ang coach ng kabila kaya bumalik naman ang team namin dito sa bench.
"Kaya mo pa ba?" nag-aalalang tanong ko kay Jonax. Tumango naman siya habang hinahabol ang hininga at pinupunasan ang pawis. "Reyes, are you okay? May masakit ba?" tanong ni coach. "Wala po, coach. Ayos lang ako." sagot ni Jonax. May mga reminders ang coach bago nagpatuloy ang paglalaro. Marumi pa rin maglaro ang kabilang team pero hindi na sila nagtangkang manakit katulad ng ginawa nila sa captain namin. Bantay-sarado pa rin si Jonax but he'll manage to steal the ball at i-shoot iyon.
BINABASA MO ANG
Falling for Her [REVISED]
FanfictionKeilla Chantal Lee, who aims to get accepted at the volleyball team attended the try out for the opening of Hellviore University for a new school year. But a heartbreaking news came to her. Still persistent to go to that university, she disguised h...
![Falling for Her [REVISED]](https://img.wattpad.com/cover/110313753-64-k927922.jpg)