Chapter Twenty-Nine

18.9K 552 36
                                    


"I'm sorry."

I don't why I apologized. Siguro dahil nakasakit ako ng tao? Hindi ko inaakala na hanggang ngayon ay gusto pa rin ako ni Jonax. He is a good guy and I don't why I can afford to hurt him. Though hindi ko naman sinasadya.

I looked at him cluelessly when he laughed. "Ang seryoso mo masyado, Keilla."

He stood up at nagpaalam na mauuna na siyang matutulog at pagod na raw siya. "Don't worry. He'll be fine."

I gasped and immediately hugged Yuki when I saw him. Nagulat pa nga sila Kace nang gawin ko iyon. "Huwag mo naman masyadong ipahalata na namiss mo ako. Baka mapagkamalan kang girlfriend ko." Yuki jokingly whispered kaya mabilis akong kumalas sa yakap. Pakiramdam ko ay namumula na ang buong mukha ko dahil sa nangyari.

"Oh Yuki, na-late ka ah! Magkakilala kayo ni miss Keilla?" curious na tanong ni Kace. Yuki looked at me. "Uhuh. I met her when I went to California last year." he responded. He went in California last year?

"Ah, ikaw pala 'yong common friend kaya magkakilala si Jonax at miss Keilla." they nodded and continued playing. Naupo naman si Yuki sa tabi ko at ngumiti. "How are you?" he asked. "I'm okay. How about you?" I asked him back. The last time I was here, noong nasa Hellviore pa lang kami ay ang alam ko ay mayroong pinagdadaanan si Yuki.

"I'm okay. I survived the worst days of my life. It was all worth it." he smiled at mukhang masaya naman na talaga siya ngayon kaya napangiti na rin ako. Nahawa na ako sa ngiti ni Yuki.

"Ikaw? Hahayaan mo lang ba na makuha ni Crissel si Zack? Kasi kung ako tatanungin mo? Ayoko sa kanya. Ang plastic niya kaya. Minsan nang naka-away ni Bria 'yan. Sinabihan niya ng malandi, nahuli niya kasi sa isang club. Ewan ko ba kay Zack, nabobo na ata simula nung umalis ka." Yuki sighed.

"Kumusta pala si Kyle? May balak ba siyang umuwi rito?" tanong ni Yuki matapos ang ilang minutong katahimikan.

"What? Umuwi naman si kuya rito last year. Hindi ba nagpakita sa inyo?" kunot-noo kong tanong sa kanya. After akong tulungan ni kuya na makapasok sa isang agency ay umuwi na siya ng Pilipinas. Hindi niya naman sinabi ang dahilan kung bakit pero ang sabi niya lang ay gusto niyang magbakasyon.

"Aba loko! Siya pala talaga 'yong nakita ko last year?!"

Napalakas ang boses ni Yuki kaya napatingin sila Kace sa amin. He immediately covered his mouth with his hand kaya napailing ako.

"Baka siya nga 'yon. Hindi ko rin naman alam kung ano ang nangyayari kay kuya. But right now, he's busy being the CEO of our company." sabi ko kay Yuki at nagkibit-balikat.

"Kung siya nga talaga 'yon.. bakit magkasama sila ni Madelline? May something kaya sa kanila?" tanong niya sa sarili.

Madelline? Iyong nagkakagusto kay Zack noon?

Naputol ang kwentuhan namin ni Yuki nang bigla siyang hilain nila Kace sa tubig. "Anak ng tubig! Ano bang problema niyo?!" galit na tanong ni Yuki sa kanila.

"Umiisa ka kay miss Keilla ah! Kay boss Jonax na 'yan!" sabi ni Calum sa kanya.

"Anong kay Jonax? Kay Za- tigilan niyo na nga ako!" my eyes widened when he almost mentioned Zack's name! Mabuti na lang ay hindi niya naituloy! Hay Yuki!

Matapos nilang mag-swimming ay nag-desisyon na rin sila na mag-karaoke na raw muna kami. Mayroon din namang open na karaoke room malapit sa pwesto kung saan kami nag-bonfire kaya rinig na rinig namin ang pagkanta ni Kace.

"Can't count the years on one hand. That we've been together. I need the other one to hold you. Make you feel, make you feel better." Kace started singing. Sila Tristan naman ay humiyaw at chineer pa si Kace kaya naman mas lalo itong naging confident kumanta kahit na medyo mali na ang tono nito at hindi ganoon kagandahan ang boses kaya tawa lang ako nang tawa.

Falling for Her  [REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon