Chapter Thirty-Three

18.4K 504 29
                                        


"HAHAHAHAHAHA!"

Tumingin kami kay Kace nang bigla siyang tumawa. Seryosong usapan tapos tatawa siya bigla? Ang abnormal. Kasasabi niya lang kanina na hindi niya tatawanan si Zack but he just did.

"Oh? Magtatawanan nga tayo! Gano'n ang bonding! Magtatawanan!" Kace said.

"So you will the cancel the wedding?" tanong ni Gray. Zack sighed and shrugged his shoulder. "Ewan ko. I'll talk to her kapag lumamig na ang ulo niya. Aayusin ko-"

"Some things are better left that way. Hindi sa lahat ng oras, ikaw ang mag-aayos. That's why she's confident na ayos lang sa kanya kung sabihin niyang maghiwalay na kayo, huwag nang ituloy ang kasal because she knows that you will always try to fix it with her." sabi naman ni Elliot kaya natahimik kami. He has a point.

"Do you love her or you're just scared to lose her like how you lose Ke-"

"I love her." pagputol ni Zack sa sasabihin ni Gray. "I love her that's why I always choose to fix our problems. Yes, I am scared to lose her because I love her. Ganoon naman tayo, hindi ba? Takot tayong mawala 'yong mga taong mahal natin?" he added.

I bit my lower lip. Hearing from him that he loves Crissel makes my heart hurt. I felt Jonax's hands touch mine kaya tumingin ako sa kanya. "Excuse me." I excused myself para magpunta ng cr. Mabuti na lang at walang ibang tao roon so I was able to cry my heart out. Bahala na. Gusto ko na lang ilabas iyong sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak sa cr. Nakakahiya nga at baka may iba pang costumer na gustong gumamit pero napilitan na lang na tiisin dahil hindi pa ako lumalabas dito. I looked at my reflection in the mirror bago naghilamos. My eyes are a bit puffy at namumula pa.

Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat na lang ako nang bumungad si Jonax. He removed his jacket bago ipinatong sa ulo ko 'yon para matakpan ang mukha ko. "Let's go out. Alam ko naman na ayaw mong makita nila na ganyan ang itsura mo. Here's your bag." sabi niya at inabot ang sling bag ko sa akin. Tinanggap ko naman 'yon bago kami lumabas ng restaurant.

"Thank you." I mumbled nang makalabas kami ng restaurant.

"Ha?" tanong niya nang hindi marinig ang sinabi ko.

"I said thank you-"

"Halabyu." he beamed.

Naramdaman ko naman ang pamumula ng pisngi ko dahil doon. Since when did he become like this? Naiimpluwensiyahan na siya masyado nina Kace. I laughed before putting my hands inside my coat's pocket. Medyo malamig dito sa Tagaytay ngayon that makes it perfect. I love this kind of weather.

"Hanggang kailan mo balak iyakan si Zack?" biglang tanong ni Jonax kaya tumingin ako sa kanya. "Hanggang kailan ka masasaktan sa tuwing naririnig mong mahal niya si Crissel?"

He sighed before facing me. "I know you love him, but it's time to let go of that feeling. Kapag kumakapit ka pa, unti-unti kang masasaktan hanggang sa tuluyan ka nang mahulog and who knows what might happen to you? When people fall from a cliff, it's either they survive, or they die. Parang ganoon lang sa pag-ibig, kapag kumapit ka pa, mas mahihirapan ka lang, but if you let go.. you'll either move on and have a happy life or you'll just stay there and continue hurting. But it's your choice on how you'll be when you let go." mahabang litanya niya.

"It's not bad to let go. Sometimes it's more painful to hold on than to let go."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at bumuntong-hininga. "I'm trying." sabi ko naman. Sinusubukan ko naman talaga na bumitaw na. "When you heard that Crissel wants to call off the wedding, did you think that you'll help Zack fix it para matuloy pa rin iyong kasal? Or did you feel, for a moment, happy that Crissel wants to cancel the wedding?" he asked that made me stop.

Falling for Her  [REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon