"Dito!" pinasa ni Axel and bola kay Calum kaya naman drinibble ito ni Calum. He tried to shoot the ball pero agad naagaw ni Zack iyon at drinibble hanggang sa mai-shoot na niya ito sa ring ng team nila."Ah! Talo na naman! Bakit ba kasi ang galing ni captain!" sabi ni Kace. Natawa naman ako dahil doon. Sila Calum, Tristan, Axel, Jonax, at Kace ay nasa iisang team habang si Zack, kuya, Elliot, Gray at ako ay magkakasama naman sa iisang team.
Sa susunod na araw na ang lipad namin papunta sa Canada. Ito na rin ang huling training namin dahil bukas ay kailangan namin magpahinga. Nakabalik na rin ang Ice hockey at volleyball department kaya ito ngayon si Madelline ay todo ang pag-aalaga kay Zack.
"Should I buy you snacks? Are you hungry na ba?" Madelline has kept asking Zack the same question for the last 30 minutes. Zack shook his head again before sitting at the bench. "You should go. May klase ka pa." Zack dismissed her.
Hindi ko alam kung mayroon na bang namamagitan sa kanila dalawa. Hindi ko rin naman masabi kung may gusto na rin ba si Zack kay Madelline dahil ganyan naman siya makitungo sa lahat. "But I can't see you tomorrow and for a month too. I should spend the day with you." Madelline pouted.
"Sige na captain. Pagbigyan mo na si Madelline." panunukso nila Kace kay Zack.
Zack looked at kuya Kyle. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila noong nakita ko silang nag-uusap. Zack sighed and stood up. Sinabit niya ang towel niya sa balikat. "Let's go. I'm hungry." Zack told Madelline kaya naman todo ngiti si Madelline nang umalis sila ni Zack. Nakaramdam tuloy ako ng kirot sa bandang dibdib pero hindi ko alam kung bakit. Siguro ay normal lang ito?
"I'll go now. Gusto ko na rin kumain." sabi naman ni kuya atsaka naglakad paalis.
"Nagugutom ka na rin ba?" tanong ni Jonax nang lumapit siya sa akin. Tumingin naman ako sa kanya at umiling. "Hindi naman. Pagod na ako. Mauuna na 'ko sa dorm." paalam ko. Tumango na lang siya bago ako umalis.
Habang naglalakad ay nakita kong nag-uusap si Madelline at Zack? Akala ko ba ay kakain sila? Anong ginagawa nila rito? Mukha bang cafeteria 'to? Aware naman siguro sila na hindi ito cafeteria diba.
Hindi ko na lang sila pinansin at aalis na sana nang marinig ko ang iyak ni Madelline. "Why does it have to be her? Bakit siya pa ang kailangan ikasal sayo? He's your- he's your friend's ex-girlfriend right? Why-"
Tumingin ako muli sa gawi nila. Eksakto naman na tumakbo na paalis si Madelline kaya naiwan na lang si Zack na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Sa gulat ko ay dali-dali akong umalis. Mayroon nang ikakasal sa kanya? But he's just a first year college student. Mananatili ba silang engaged hanggang sa grumaduate si Zack? Sino ba ang ikakasal sa kanya? Mas matanda ba sa kanya? Or ka-edad lang din niya?
Nung gabing iyon ay umalis si Zack, Yuki, at sina Elliot. Hindi ko alam kung saan sila pupuntang magpipinsan. Matutulog na sana ako nang biglang pumasok si Yuki dahilan para mapatayo ako sa gulat. "Ano ba 'yan, Yuki?! Bakit ka ba bigla-biglang pumapasok?" gulat kong sabi sa kanya.
"Isasama kita sa party na magaganap sa Xavier mansion ngayon, as my date." he smiled. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Party? Sa mansion ng Xavier? Bakit naman?" nagtatakang tanong ko. Ano namang party iyon?
"I bought you a gown. I was planning this beforehand. Sana magkasya sayo." sabi niya bago iabot ang isang box sa akin. Nang buksan ko iyon ay isang napakagandang gown ang bumungad sa akin. "I also- uh, about your hair- I- I hired a person na mag-aayos sayo. She's actually here." sambit niya. Pumasok naman ang isang babae.
Naligo muna ako bago niya ako sinimulan na ayusan. Naghintay naman sa labas si Yuki habang inaayusan ako. Matapos akong ayusan ay umalis na rin ang babae. Isinuot ko na rin ang ibinigay na gown ni Yuki sa akin bago ako lumabas ng room namin ni Zack.
BINABASA MO ANG
Falling for Her [REVISED]
FanfictionKeilla Chantal Lee, who aims to get accepted at the volleyball team attended the try out for the opening of Hellviore University for a new school year. But a heartbreaking news came to her. Still persistent to go to that university, she disguised h...