Panalo ang Hellviore laban sa Willhard. Iyon ang naging topic ng Hellviore students hanggang sa makabalik kami sa Hellviore.Coach congratulated the seniors as they did a good job. Nagpunta muna kami sa cafeteria para kumain. Sinigurado ko rin na walang halong anong seafood ang pagkain ni Zack na in-order ko. Ayokong magkamali na naman. Binili na rin namin ang gamot na kailangan ni Zack para sa allergy niya bago kami bumalik dito.
"Expected naman na na mananalo ang Hellviore pero sobra akong kinabahan!" sabi ni Yuki habang hawak-hawak pa ang dibdib niya. "Weh? Todo cheer ka nga sa Willhard kapag nakaka-score sila eh." sabi naman ni Mary sa kanya.
"Syempre! Kailangan i-cheer kung sino ang makakapuntos para ganahan diba?" sabi ni Yuki sa kanya kaya napailing na lang si Mary.
"Kapag Japan at Pilipinas ba naglaban kanino ka kakampi?" tanong ni Bria kay Yuki.
Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Yuki nang itanong ni Bria sa kanya iyon. "Bria! Walang ganyanan! Baka mamaya hindi ako papasukin sa Japan kapag kumampi ako sa Pilipinas! Baka naman patalsikin ako rito sa Pilipinas kapag kumampi ako sa Japan! 'Wag ganun!"
Tumawa naman si Gray at Dior dahil sa naging reaksyon ni Yuki. Si Zack naman ay nakikinig lang din sa usapan nila habang umiinom ng juice. Maya-maya pa ay lumapit si Jonax sa amin nang nakangiti. Natahimik naman si Bria at tumingin kay Jonax.
"Pinapatawag nga pala tayo ni coach." nakangiti niyang sabi sa amin ni Zack. Zack stood up kaya sumunod na rin ako sa kanya. "Para saan daw?" tanong ko kay Jonax habang naglalakad kami papunta sa gym. "To celebrate the win of the seniors." sagot niya.
Nang makarating kami sa gym ay nandoon na ang iba pat kasama ang seniors at si coach. "Coach, libre mo ba 'to?" masayang tanong nung isang senior. Ngumisi naman si coach atsaka tumango. "For doing all your best, sige libre ko na."
Lahat ay naghiyawan dahil pumayag si coach na ilibre kami. "At para na rin ito sa pagkapanalo ng juniors laban sa Quinox." dagdag ni coach.
Nagpunta naman kami sa dorm para kumuha ng mga damit namin, utos na rin ni coach. Mukhang malayo pa ang pupuntahan namin at pinagimpake pa niya kami ng damit namin.
Hindi naman niya siguro kami pinapaalis sa Hellviore 'no?
Hindi ko alam kung saan kami pupunta para kumain pero habang nasa iisang van kaming mga juniors at nasa kabilang van naman ang seniors ay nagpapatugtog ng music si Kace habang sinasabayan kaya hindi naging boring ang byahe.
Patagal nang patagal ay unti-unti nang nakatulog ang iba sa amin habang kami ni Zack ay dilat na dilat pa. Halos dalawang oras na ata ang lumipas pero hindi pa rin kami nakakarating sa pupuntahan namin. Parang ang layo naman.
"Sa tingin mo saan tayo pupunta?" tanong ko kay Zack na nakatingin lang sa labas ng bintana. Nagkibit balikat naman siya, hindi man lang sinubukan isipin kung saan ba kami pupunta. Pumikit na lang din ako para matulog dahil mukhang malayo pa ang pupuntahan namin.
"Nandito na tayo! Gising!"
Lahat kami ay napamulat nang sumigaw bigla si Kace. Nauna na siyang bumaba ng van at excited na excited pa. Bumaba na rin kami at kinuha ang mga dala naming bag na may laman na mga damit namin.
Ako na ang nagbuhat ng bag ni Zack dahil nga may pilay pa siya. Mainit kaya naman mabilis kaming pawisan. "Dagat ba 'yong naririnig ko?" tanong ni Calum. Tumahimik kami at pinakinggan din pero wala naman kaming narinig na dagat.
"Shokoy ka ba? Lakas ng pandinig ah!" pang-aasar ni Kace sa kanya.
May mga inasikaso pa si coach bago kami nakapasok sa loob. Napahinto naman ang mga kasama ko pati ang seniors nang may mga babaeng naka bikini lang silang nakita.
![](https://img.wattpad.com/cover/110313753-288-k927922.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling for Her [REVISED]
FanfictionKeilla Chantal Lee, who aims to get accepted at the volleyball team attended the try out for the opening of Hellviore University for a new school year. But a heartbreaking news came to her. Still persistent to go to that university, she disguised h...