"Psst! May naiintindihan ka ba?" tanong ni Madelline kay Zack habang nakaupo silang dalawa sa harapan ko. "Meron." sagot naman ni Zack. Hindi na ako maka-foucs sa dini-discuss ng prof namin dahil nakikinig ako sa pinag-uusapan nilang dalawa."Can you tutor me later? Hindi ko talaga makuha eh." sabi naman ni Madelline. Sus, alam ko na 'yan. Paraan niya 'yan para makasama niya si Zack mamaya. "May training ka hindi ba?" sabi naman ni Zack sa kanya.
Balita ko ay si Madelline ang captain ng volleyball team, juniors. "Ah, after training? Busy ka ba?" tanong naman ni Madelline. Zack took a deep breath before answering. "Not really but I need to rest." sagot niya kaya wala na rin nagawa pa si Madelline.
Tapos na ang discussion at umalis na rin naman iyong prof namin. Madelline fixed her things before she waved goodbye to Zack. Tinanguan lang naman siya ni Zack kaya agad akong tumabi sa kanya. "May gusto kaya sayo 'yon?" tanong ko agad sa kanya at tinaas pa ang dalawang kilay ko. Tumingin naman siya sa akin at pinitik ang noo ko.
"Ikaw ba, may nakuha ka sa discussion?" pag-iiba niya ng usapan. Dahan-dahan naman akong umiling. "Na-distract ako eh." mahing sabi ko. He sighed before he handed me his binder. Iyon lang kasi ang lagi niyang dala tuwing may klase. Isang binder notebook lang at ballpen.
Kinuha ko naman iyon at nilagay sa bag ko. "I'll tutor you later after we eat." sabi niya at sinubukan tumayo kaya inalalayan ko naman siya. He thanked me before he started walking kaya nakasunod lang ako sa kanya.
Pagkarating namin sa cafeteria ay wala pa sila Kace doon, malamang ay may klase pa kaya dalawa lang kami ni Zack ngayon dito. Um-order ako ng pagkain at inumin naming dalawa at dinala iyon sa lamesa namin.
Nang mamataan ko si Yuki ay agad akong kumaway sa kanya. Ngumiti naman siya at lumapit bago umupo sa tabi ni Zack. Napatigil naman sa pagnguya si Zack at tumingin sa pinsan niya. "Anong ginagawa mo dito?"tanong ni Zack sa kanya.
"Makikikain." sagot naman ni Yuki atsaka kumuha ng isang fried chicken sa plato ni Zack. Sinundan naman ni Zack ng tingin iyong fried chicken niya na kinuha ni Yuki. "Saan ka kumuha ng kakapalan ng mukha mong kunin ang fried chicken ko?" inis niyang tanong sa pinsan niya.
Kinuha ko na lang ang isa ko pang fried chicken at nilagay iyon sa plato ni Zack. "Oh ayan, sayo na. Baka umiyak ka pa." sabi ko sa kanya. Tinignan naman ni Yuki iyon at kukunin na sana pero hinampas ni Zack ang kamay niya. "Akin 'yan." sabi ni Zack sa kanya kaya tumawa na lang si Yuki atsaka kinuha ang baso ng juice ko at uminom doon. Napatingin naman si Zack doon habang ako at gulat pa rin sa ginawa niya.
"Bakit uminom ka sa juice niya?" nanlalaki ang mga mata ni Zack na tinanong si Yuki. "Bakit? Lalake naman tayo lahat dito ah. Parang others oh. Sige na, alis na ko. Salamat sa pagkain." paalam ni Yuki bago siya umalis. Nakapamulsa pa ang mga kamay niya habang naglalakad palayo.
Tiningnan ko naman ang juice ko at napa-iling na lang bago nagpatuloy sa pag kain. Iinom na sana ako ng juice nang hablutin ni Zack ang baso ko at inabot ang sa kanya. "Iyang akin na lang sayo. Hindi ko pa naman naiinuman 'yan." sabi niya at dali-daling inubos ang juice sa baso kung saan uminom si Yuki kanina.
Napakakibit balikat na lang ako atsaka uminom din ng juice. Pagkatapos kumain ay ako na ang nagbalik ng tray atsaka inalalayan si Zack maglakad pabalik sa dorm. Iyon naman na kasi ang last na subject namin kanina at wala rin naman kaming training kaya sa dorm na kami dumiretso.
Umupo naman siya sa upuan niya sa may study table at binuksan ulit ang laptop niya. Siguro ay manonood na naman siya ng mga basketbal match. "Lend me my notes, I'll start tutoring you. Discussion lang naman kanina iyong hindi mo nakuha, diba?" sabi niya kaya naman nagulat ako. Seryoso ba talaga siya sa tutor tutor na 'yan?
BINABASA MO ANG
Falling for Her [REVISED]
FanfictionKeilla Chantal Lee, who aims to get accepted at the volleyball team attended the try out for the opening of Hellviore University for a new school year. But a heartbreaking news came to her. Still persistent to go to that university, she disguised h...