Chapter Ten

25K 621 20
                                    


"Goodmorning." inaantok na bati ni Jonax. May hawak siyang toothbrush at towel na nakasabit sa balikat niya. "Saan ka galing?" tanong ko. "Kina Kace, nag-uunahan kasi sa banyo si Kyle at Tristan, hindi ako makasingit." sagot niya.

Hinayaan ko na lang siya na bumalik sa dorm nila. Tulog pa rin si Zack hanggang ngayon. Malamang ay dahil sa sobrang kalasingan niya. Wala naman kaming pasok ngayong araw kaya ayos lang naman kahit mamaya pa siya gumising.

Nagpunta muna ako sa cafeteria para mag-umagahan. Wala pa naman sila Kace doon at malamang ay sinusulit ang tulog nila. Habang naghahanap ng lamesa ay namataan ko ang isang grupo sa isang lamesa. Medyo maingay sila kahit na umaga pa lang.

"Oh my gosh, Bria! You just spilled your juice on my skirt! Favorite skirt ko pa man din ito!" a familiar voice said, in an irritated tone.

"Oops, hindi ko naman sinasadya! Gusto mo bilhan pa kita ng maraming skirt na ganyan eh!" sabi naman ni Bria. "Duuh! May sentimental value 'tong skirt na 'to." irap naman ni Kathleen sa kanya.

Sila Elliot, Gray at Dior ay tahimik lang na nagpo-phone at parang walang pakialam sa away ng mga babae nilang pinsan. Naghanap na lang ako ng bakanteng lamesa at pumwesto doon. Nagulat na lang ako nang biglang tumakbo si Kathleen sa isang lalake na mukhang kararating lang.

"Goodmorning, Jiro!" maligayang bati ni Kathleen. Agad naman nanlaki ang mga mata ko. Gising na si Zack?! Muli kong naalala ang nangyari kagabi. Alam kong hindi naman maaalala ni Zack iyon dahil bukod sa lasing siya, tulog na siya nung nangyari iyon at isa pa, aksidente lang naman iyon.

"Aga-aga, Kath. Ang ingay." irap ni Mary. "What? I just met my favorite cousin again! Is it bad?" sabi naman ni Kath sa kanya habang naka-akbay pa rin kay Zack. Agad akong nag-iwas ng tingin nang lumingon si Zack sa direksyon ko.

Agad kong inubos ang juice ko at ang pagkain. Kamuntik pa nga akong mabulunan. Nang ibabalik ko na sana ang tray ko ay biglang may humarang sa akin.

"Tapos ka na agad kumain?"

Mariin akong napapikit. "Hmm? Who's that?" rinig kong tanong ni Kathleen. Nang tingnan ko sila ay agad akong ngumiti. "Goodmorning! Gising ka na pala!" bati ko sa kanya, kunware pa na ngayon ko lang siya napansin.

He imitated my fake smile before frowning again. "You look familiar." kunot-noo na sabi ni Kathleen at parang iniisip pa. "He's my roommate. Sa basketball department din siya." sabi ni Zack kaya hindi na inentertain ni Kathleen ang iniisip niya kanina at nginitian na lang ako.

"Nice meeting you! Hindi naman ba malikot si Jiro kapag matutulog?" nakangiting tanong ni Kathleen. Umiling naman ako agad. "H-hindi naman." sagot ko.

"That's good! Because I remember he tends to kick or punch someone in his sleep!" hindi ko alam kung nagbibiro ba si Kathleen o hindi. Pero hindi ko pa naman nakitang nananakit si Jiro sa pagtulog niya. Ang nangyari kagabi ay aksidente lang naman at alam kong hindi niya alam na nangyari iyon. I should stop acting weird dahil baka malaman lang niya ang nangyari kagabi at mas lalo pa akong walang mukhang maihaharap sa kanya.

"Jiro, join ka muna sa amin. Pati ikaw, what's your name by the way?" sabi ni Kathleen. "Kei." sagot ko naman. "Join us, Kei. Para naman may friends na rin na taga-basketball department sila Elliot." pag-aaya niya at hinila na rin naman kami papunta sa table nila kaya wala na rin akong nagawa kahit pa gusto kong tumanggi.

"Uy, Jiro! Goodmorning! Ganda ng gising ah!" agad na bati ni Bria kay Zack. "My head's killing me, huwag ka na dumagdag." sabi naman ni Zack kay Bria kaya tinawanan lang siya ni Bria.

"Hi! What's your name? I'm Brianna. You can just call me Bria. Wait, you look familiar! Pero baka nai-imagine ko lang since my head also aches. I'll never drink again! As in NEVER!" madaldal na sabi ni Bria.

Falling for Her  [REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon