Chapter Twenty-Five

20K 577 20
                                        


"Hala may sakit ka?!" gulat na tanong ni Kace sa akin. Nandito na naman kasi sila sa dorm room namin ni Zack at nanggugulo.

"Wala, tol. Fever lang 'yan." sarcastic na sabi naman ni Calum sa kanya.

Si Zack ay nanonood lang din ulit ng basketball match sa laptop niya. Pakiramdam ko nga ay lahat na ng basketball match ay napanood na niya, ang iba ay inuulit na lang niya.

"Pagpahingain niyo naman 'yong tao." sabi ni Tristan nang makitang ginugulo lang ako nina Kace at Calum. Ayos lang naman sa akin dahil medyo okay na rin naman ang pakiramdam ko. Grabe kaya mag-alaga si Zack, parang isang oras lang ay gagaling ka na agad.

"Ayos lang naman ako." sabi ko kay Tristan ngunit nagulat na lang ako nang tumayo si Zack.

"Umalis na kayong lahat. Mga istorbo." sabi niya kaya wala nang nagawa sila Kace kung hindi lumabas na at bumalik na sa mga dorm room nila. Nang masigurong nakaalis na sila ay umupo si Zack sa tabi ko at tiningnan ako ng seryoso. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin kaya tumango naman ako.

"Ayos na. Kaunting pahinga na lang ay ayos na ayos na ulit ako." sagot ko. He took a deep breath and nodded. "Gusto mo bang kumain?" tanong niya ulit. Sakto naman na tumunog na rin ang tyan ko kaya nakaramdam ako ng hiya. Zack chuckled because of that kaya inaya na niya akong kumain sa labas. Gusto ko na rin talaga kasing kumain at kanina pa ako nagugutom, nahihiya lang akong sabihin kay Zack.

Nang makabihis ay lumabas na rin kami. Malapit lang sa Hellviore ang kainan na pinuntahan naming dalawa ni Zack kaya nilakad na lang namin. Alangan naman magsasakyan pa kami diba. Sobrang katamaran naman iyon.

Masarap iyong pagkain. Chinese cuisine siya. Naparami nga ang kain ko sa sobrang gutom ko at dahil na rin masarap silang magluto. Pinapanood lang ako ni Zack na kumain dahil tapos na rin naman siya.

"Baka mabilaukan ka, dahan-dahan naman, Kei." suway ni Zack sa akin. Ngumuso tuloy ako.

"Girlfriend niyo po, sir? Ang cute niyo pong dalawa." nakangiti at parang kinikilig pa na sabi nung waitress. Nanlaki naman ang mga mata ko at gusto ko pa sanang itanggi ang sinabi niya!

G-gusto ko si Zack pero wala pa naman siyang sinasabi kung girlfriend na ba niya ako or kung boyfriend ko na ba siya. Ganito ba ang walang label? Ang hirap naman pala, hindi mo alam ang isasagot mo kapag may nagtanong sayo.

"Yes. Ganda niya 'no?" gulat akong tumingin kay Zack dahil sa sinabi niyang iyon. Grabe naman iyon! Hindi niya itinanggi? Ibig sabihin ba ay girlfriend na niya talaga ako? 

Pakiramdam ko tuloy ay nag-init ng sobra ang pisngi ko dahil doon. Pagkatapos naming kumain ay naglakad-lakad muna kaming dalawa. Medyo malamig na dahil gabi na rin naman pero masarap pakiramdam iyong lamig ng hangin.

"Gusto mo bang bumalik na sa dorm? Malamig na, baka bumalik ang lagnat mo." tanong ni Zack, mahihimigan mo ang pag-aalala sa boses niya.

"Ayos lang ako." sagot ko naman. Isa pa, ilang araw akong nakakulong lang sa dorm. Hindi na nga ako nakakapasok sa mga klase ko dahil sa lagnat ko. Kailangan ko rin naman maarawan o mahanginan man lang. Bukas ay papasok na rin ako sa mga klase ko at marami-raming lessons ang kailangan kong habulin. Mayroon naman si Zack para paghingan ko ng tulong kung sakali.

Gusto tuloy tanungin sa kanya kung ano na ba kaming dalawa pero nahihiya akong tanungin iyon. Baka isipin niya na excited akong maging kami o magka-label kami.

Falling for Her  [REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon