Chapter Eighteen

24K 617 29
                                    


Magaling palang mag-volleyball si Zack? Akala ko ba ay hindi siya marunong? It's either he really knows how to play volleyball or he's just a fast learner.

Habang naglalakad pabalik sa classroom ay pinag-uusapan kung gaano kagaling at nakakatuwang panoorin si Zack at Jonax kanina sa gym. At as usual, wala pa rin pakialam ang dalawa kahit na sila ang pinag-uusapan. Nakatingin lang sila pareho sa cellphone nila.

Everyone was talking about them and congratulating them, including me for doing a good job. Hindi raw nila inexpect iyon. Kahit ako naman ay hindi ko inasahan na ganoon kabilis matuto sila Zack, nanalo pa sila. Sa katunayan, sila ang nagbuhat ng team.

Pagkabalik namin sa classroom ay sila pa rin ang usap-usapan. Parang hindi sila magsasawa na pag-usapan buong araw si Zack at Jonax. At dahil iyon ang last subject namin bago magbreak ay walang pumutol o umistorbo sa pag-uusap nila tungkol sa dalawang katabi ko.

"Pinapatawag daw tayo sa dean's office." sabi ni Jonax habang pinapanood ko si Zack na naglalaro ulit sa cellphone niya. Tumingin naman kami kay Jonax nang sabihin niya iyon at tumango bago kami lumabas ng classroom.

"Saan nga pala dean's office?" tanong ko kay Jonax na kausap sila Kace ngayon sa gc namin. Sila kasi ang nag-inform kay Jonax. Nauna na rin kasi sila sa dean's office dahil hindi naman nila alam na kailangan lahat pala kami ay pupunta roon. Anyways, mas mabuti na rin iyon dahil ayoko naman manatili sa classroom at pakinggan lang ang usapan nilang lahat tungkol kay Zack at Jonax na magaling maglaro ng volleyball-

"Kei?"

"Oo na! Mabilis na kayo matutong maglaro ng volleyball and by the way, thank you at ipinanalo ninyo ang team pero required bang pag-usapan nila kayo buong araw?"

Kunot-noo akong tiningnan ni Zack. Si Jonax naman ay nakataas ang isang kilay habang nakangiting nakatingin sa akin. Oh no. Did I say my thoughts out loud?!

"Are you okay? Why are you so mad? Geez, calm down." Jonax chuckled. Hindi ko na lang siya pinansin at mas binilisan ang paglalakad para makarating na agad kami sa dean's office. Nakakahiya ang ginawa ko!

"This way, Kei." Zack said and pointed out the direction na papunta sa dean's office. Agad akong lumiko at binilisan ang lakad. Nang makita na ang sign na may dean sa isang pinto ay kumatok ako roon. A woman opened the door for us at nakita ko naman sila Kace sa loob na nakaupo sa isang puting sofa.

Nasa likuran ko naman nakasunod si Zack at Jonax na parehong nakapamulsa. The dean's a man in his mid 50's, I think. Sa tingin ko naman ay mabait siya dahil mukha siyang kalmado lang. Pero tulad nga ng sabi nila, looks can be deceiving kaya huwag tayong papakampante.

Tahimik akong umupo sa tabi ni kuya dahil siya ang nasa pinakadulo ng sofa kung saan sila nakaupo. "I immediately fixed your papers to join temporarily on the basketball team in this University. You will need a few days of training because next week will be the University's event. A basketball match will be held here, and I hope you will all do your best to train and win for this University. I hope what we saw at your performances at the Hellviore, you will do that too here in this University." sabi nung dean. Wala man lang good morning, straight to the point, siya. Nagsitanguan naman kami bilang sagot.

Sa susunod na araw pa ang dating ng jersey namin na ipinagawa nila para sa amin. Sosyal, pinagawan pa kami ng jersey. Dala naman namin ang jersey namin pero mas gusto ata nilang uniform ang jersey para magandang tingnan. Natuwa naman agad ako dahil may ipinagawang jersey para sa amin. Jersey iyon ng university na ito! Imagine having one. Ipagyayabang ko iyon kay Aiessa.

Aiessa. Oo nga pala't hindi kami magkaayos. Napabuntong-hininga na lang ako. Ako lang naman talaga itong umiiwas sa kanya. Pero si Aiessa, hindi naman siya galit sa akin.

Falling for Her  [REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon