Chapter Twenty-Eight

20.1K 537 8
                                        


"Salamat sa pagkain boss Jonax."

I watched the guys eat in excitement. Libre raw kasi ni Jonax kaya tuwang-tuwa sila, akala mo mga walang pera. Sigurado akong mayaman na sila ngayon, sobrang yaman pa nga.

"Para akong nagdala ng mga pulubi." napa-facepalm si Jonax kaya naman mahina akong natawa. I missed them.. so much.

"Sorry, I'm late. Hinatid ko pa si Crissel sa hotel."

My eyes widened when Zack arrived. Kasama pala siya?! I panicked. Hindi ko alam kung saan ako magtatago? Ay bakit pa pala ako magtatago eh nakita na niya ako kanina?! Argh! "Oh nandito ka na pala. May ka-date kasi 'tong si Jonax kaya sumama kami. Natanggap mo pala text ko? Akala ko ubos na load ko. Pa-loadan niyo nga ako." sabi ni Kace habang puno pa ang bibig niya. Hindi pa rin talaga siya nagbabago.

Zack's eyes met mine kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Ang bilis ng tibok ng puso ko, parang lalabas na ito sa dibdib ko. "Date? Ang bilis mo naman makahanap." Zack tapped Jonax's shoulder bago naupo sa bakanteng upuan sa tabi nito. Did he recognize me?

"Oo nga. Saan pala kayo nagkakilala miss Keilla?" tanong ni Calum. I bit my lower lip when he mentioned my name. I looked at Zack na tumitingin lang sa menu para tumingin ng oorderin niyang pagkain para sa kanya since late nga siyang dumating.

"Common friends." I lied.

I looked at Zack again when he laughed. Nakangiti itong tumingin sa amin. "Oh, I'm sorry. Natawa lang ako sa pangalan nung pagkain dito sa menu. Go on, continue." pagdadahilan niya. I'm pretty sure he laughed at my petty lie. Common friends? We met at Hellviore for pete's sake at medyo totoo naman na may common friends kami.. though they don't know.

"Ah, grabe pala 'tong si lods Jonax. Nakabingwit ng model!" pang-aasar ni Axel kay Jonax at tinapik pa ang balikat nito.

"Teach me your ways, master." Kace chuckled.

I cleared my throat before drinking my juice. "Are you getting uncomfortable? Sabihin mo lang sa akin. I'll get you out of here." bulong ni Jonax kaya ngumiti ako sa kanya. "I'm fine."

"Ay oo nga pala, miss Keilla. Birthday ni Jonax bukas. Punta ka?" biglang tanong ni Calum.

"Huh? Uh, sure!" birthday pala ni Jonax bukas? Hindi ko alam.

"Busy siya, Calum." sabi naman ni Jonax. "No! I mean, it's fine. Wala rin naman akong gagawin bukas. I'll just probably stay at the hotel and sleep all day." I shrugged my shoulders. He smiled at me. "Sige. Susunduin kita bukas. It's just a simple celebration." sabi niya bago kami nagpatuloy sa pag kain.

Nakinig lang ako sa mga kwento nila habang kumakain kami. Nanatili namang tahimik si Zack at mukhang nakikinig lang din sa mga kwento nila Kace. How I missed this kind of bonding. Magmula nang pumunta ako sa California ay wala akong ibang ginawa kung hindi mag-aral at mag-trabaho. Noong naging model na ako ay talagang naging dedicated ako sa ginagawa ko. I never had time to make friends maliban na lang sa mga kapwa model ko.

After we ate, nagpaalam na rin sila Kace sa amin. Naiwan na lang tuloy ako kasama si Jonax at si Zack. Tahimik lang kaming tatlo at parang walang gustong magsalita ni isa sa amin. Napaka-awkward ng atmosphere, parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa o kaya maglaho na lang bigla.

"Can you now stop pretending you don't know her?" biglang tanong ni Jonax kay Zack.

Zack looked at him, bahagya pang nakakunot ang noo. "Pretending? I don't know her, Jonax." kumirot ang dibdib ko sa sinabi ni Zack. Alam kong hindi dapat ako masaktan sa sinabi niya pero hindi ko maiwasan. Masakit. Nasasaktan ako. Pero alam kong mas nasaktan ko si Zack.

Falling for Her  [REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon