As usual nasa likod ulit ako ni Madelline at Zack nakaupo. Palagi kasi akong nauunahan ni Madelline sa tabi ni Zack kaya wala na rin naman akong magawa.
I tried my very best to focus on the discussion at ganoon din naman si Zack. Si Madelline ay paminsan-minsan ay may itatanong kay Zack. Nang mag break time na ay nagpunta kami ng cafeteria. Nandoon na sila Kace na kumakain. Nasa iisang lamesa lang kaming lahat habang nagke-kwentuhan.
Nang mapansin na wala si kuya ay agad kong tinanong si Jonax. "Si Kyle?" tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya habang ngumunguya at nagkibit-balikat. "Hindi ko rin alam eh. Wala naman na siya sa classroom nila kanina nung puntahan namin ni Tristan." sagot niya.
Saan naman kaya nagpunta 'yon? Pagkatapos kumain ay binalik na namin ang mga tray bago nagpunta muna sa gym kung nasaan ang volleyball court. May training kasi sila dahil may laro sila next week.
"Oh my gosh, is that the basketball team juniors?" nagsimula silang magbulungan. Si Zack naman ay naupo lang sa bleachers habang nakikinig sa sinasabi ni Tristan sa kanya.
Si Kace at Calum ay ayon, nagpapa-pogi na naman sa volleyball team.
"Hala! Galingan niyo mag-training! Nanonood si Zack!" rinig kong sabi nung isang volleyball player. Mukhang ginanahan naman sila dahil manonood nga si Zack. Maya-maya pa ay dumating na rin ang captain nila na si Madelline, nakabihis na rin ito ng jersey nila at naka-ponytail ang buhok. Nang tumingin siya dito sa bleachers at nakita si Zack ay napangiti ito bago sinabihan ang teammates niya na ayusin ang training.
Nang matapos mag-usap si Zack at Tristan ay nabaling na rin ang atensyon nila sa volleyball court. Sinusundan lang ni Zack ng tingin iyong bola. Hindi ba siya nahihilo?
"Ang galing talaga ni Madelline." sabi ni Kace at tuwang-tuwa pa na nanonood. Si Zack ay tahimik lang. Iniisip din kaya niya na ang galing ni Madelline? Nagagandahan din kaya siya kay Madelline tulad nila Kace?
Nang magpahinga na ang volleyball players ay nilapitan ni Madelline si Zack. "Hi!" Madelline greeted him. Nakita ko naman na nagtutulakan sila Kace doon sa gilid at mukhang kinikilig pa. "Hey." Zack greeted her too.
"Did you miss me agad so you came to watch our training?" tanong ni Madelline kay Zack. Narinig ko muli ang mga impit na tili nila Kace.
"I didn't even notice you there. Sorry." sabi ni Zack sa kanya kaya naman natahimik sila Kace. Ako naman ay nag-iwas ng tingin sa kanila dahil nakakahiya 'yon. Mabuti na lang ay hindi naman siguro narinig ng ibang teammates ni Madelline ang sinabi ni Zack na 'yon dahil kung oo, hindi ko na alam kung kaya pa ba humarap ni Madelline sa kanila.
"Oh, Okay." sabi na lang ni Madelline bago siya bumalik sa mga kasama niya. Agad naman lumapit sila Kace kay Zack. "Bakit mo naman sinabi 'yon? Napahiya si captain Madelline doon." sabi ni Kace sa kanya.
"Kaya wala kang girlfriend eh. Ang harsh mo sa girls!" sabi naman ni Calum kay Zack pero mukhang wala naman siyang pakialam sa mga sinasabi nila sa kanya. "Let's go." sabi na lang ni Zack atsaka tumayo. Habang naglalakad palabas ng court ay tinawag ako ni Zack.
"Sasamahan mo 'ko mamaya sa party." sabi niya sa akin kaya agad kumunot ang noo ko. "Party? Saan?" tanong ko sa kanya. "It's my mom's birthday and she wants to celebrate it here. I need you as my date." sagot niya.
"Nahihibang ka na ba?! Sa itsura kong 'to?" gulat kong sabi sa kanya. Bakit naman sa dinami-dami ng pwede niyang ayain, bakit ako pa? Mukha akong lalake!
"P-pwede namang si Madelline na lang ayain mo." sabi ko sa kanya atsaka nag-iwas ng tingin. Nakakahiya naman kasi kung ako ang pupunta.
"Okay." casual niyang sabi atsaka naglakad palayo. Ha?! 'Yon lang?! Hindi niya ako pipilitin?! Baduy!
BINABASA MO ANG
Falling for Her [REVISED]
FanfictionKeilla Chantal Lee, who aims to get accepted at the volleyball team attended the try out for the opening of Hellviore University for a new school year. But a heartbreaking news came to her. Still persistent to go to that university, she disguised h...
![Falling for Her [REVISED]](https://img.wattpad.com/cover/110313753-64-k927922.jpg)