"This is Kyle Victor Lee, a new member of the team. 2nd year." coached introduced my brother. Hindi ko pa rin inalis ang kamay ko sa pagtakip sa mukha ko. Oras na mamukhaan niya ako ay lagot ako sa kanya. Baka mabunyag ang sikreto ko, at ang malala pa ay baka ma-disappoint si mama sa akin. Malalaman niya na nagsinungaling ako sa kanya na hindi naman talaga ako natanggap sa volleyball team at sa basketball team ako sumali."Kei, do you mind if you welcome our new member?" tanong ni coach na ikinagulat ko. Tumingin si kuya sa direksyon ko kaya mas lalo akong kinabahan. Nakangiti si kuya na nakatingin sa akin pero sigurado akong oras na tinanggal ko ang kamay kong nakatakip sa mukha ko ay mabubura ang ngiti niya.
"A-ah, may muta ako coach. Wait lang po." pagdadahilan ko atsaka tumalikod. Maglalakad na sana ako palayo pero may humila sa akin at hinarap ulit ako kina coach. Kumunot naman ang noo ni kuya at dahan-dahan nanlaki ang mga mata niya.
"Keil-"
"Kei nga pala!" agad na sabi ko sa kanya para hindi na niya maituloy na sabihin ang totoo kong pangalan. "Halika! I-tour kita dito!" sabi ko at hinila na siya palayo doon. "What are you doing here? Bakit nasa basketball team ka?" galit na bulong ni kuya para hindi marinig ng iba. "I will explain it to you naman eh. Pero sana huwag mong sasabihin kay mama ang tungkol dito." sabi ko sa kanya nang makalabas kami sa gym.
"Pero Keilla, I told you to be a woman, didn't I? Bakit sumusunod ka pa rin kay papa? Wala na siya rito, you don't have to pretend being a man anymore." sabi niya kaya yumuko ako. "Sinubukan kong pumasok sa volleyball team pero hindi ako natanggap. Aksidente lang ang pagpasok ko sa basketball team kaya sana, itago mo muna kay mama ito. Ang alam niya kasi ay natanggap ako sa volleyball team. Ayokong ma-disappoint si mama sa akin. Sobrang saya niya kagabi nung sinabi ko sa kanya na natanggap ako dito sa Hellviore." pakiusap ko.
I heard him sigh kaya tumingin ako sa kanya. Galit pa rin ang itsura nito pero pinipigilan niya ang sarili niyang magalit sa akin. "Just promise me that you won't fall for any of those men in the team, okay? Don't do anything stupid while you're on the team. I'll keep this a secret to anyone for now but you should do something about it. Also, don't call me kuya while we're here. Kyle will do." sabi niya bago pumasok ulit sa loob ng gym.
Nakahinga naman ako ng maluwag at napangiti. Bumalik na ulit ako sa loob nang may ngiti sa labi. "Anong nangyari sayo? Bakit ang saya mo?" tanong bigla ni Jonax. Tumingin naman ako sa kanya. "Wala lang. Masama bang maging masaya?" sagot ko nang nakangiti pa rin. Mukha naman na nawi-weird-an na siya sa akin pero hindi na lang siya nagsalita.
Tinignan ko si Zack na ngayon ay kausap si coach kasama si kuya. "Ang galing pala talaga nang bagong salta na 'yan." rinig kong sabi nung isa sa mga seniors. "Oo nga. Akala ko ay pakitang gilas lang siya nung try-outs kasi dalawa lang ang kalaban pero natalo niya talaga si captain." sabi naman nung isa.
"Humanda lang talaga 'yan sa akin. Papakitaan ko 'yan." maangas na sabi ulit nung isa. Tumingin tuloy ako kay Zack na ngayon ay nagpupunas na ng pawis niya habang may sinasabi si kuya sa kanya. Oh, close agad sila?
"Continue your training!" sabi ni coach bago siya umalis. Bumalik na kaming lahat sa court at nagsimulang mag-practice. Lumapit naman si kuya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. "Para kang babae gumalaw. Ayusin mo nga." sabi niya. "Kung magpapanggap ka, galingan mo naman." dagdag pa niya.
Tumikhim ako bago sinunod ang sinabi niya. Pinanood ko muna siyang maglaro bago ko sinundan 'yon. Mabilis ko naman natutunan kaya hindi na ako masyadong nahirapan. "Ano nga pala iyong pinag-uusapan niyo ni Zack kanina?" tanong ko sa kanya habang nagpapahinga kami saglit. "It's about the friendly match next week. Quinox requested for a friendly match at pumayag naman si coach for us to familiarize with them before the actual game in eight months." sagot niya after drinking water.
BINABASA MO ANG
Falling for Her [REVISED]
FanfictionKeilla Chantal Lee, who aims to get accepted at the volleyball team attended the try out for the opening of Hellviore University for a new school year. But a heartbreaking news came to her. Still persistent to go to that university, she disguised h...