BREAKING NEWS: FAMOUS BASKETBALL PLAYER JONAX JEAN REYES, COURTING KEILLA CHANTAL LEE?FLASH NEWS: BASKETBALL STAR JONAX JEAN REYES IS COURTING KEILLA CHANTAL LEE
"Ingay ng pangalan mo ah?" Dianne teased me. Inirapan ko naman siya at bumuntong-hininga. Dahil sa balitang 'yan ay hindi ako makalabas-labas ng condo ko. Gusto ko manakal ng manager. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako makalabas dito sa condo ko dahil sa rami ng reporters na nasa labas! Nahihibang na ba sila ni Jonax?!
"I told you to deny it, hindi ba? Pero bakit mo-" huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Kalma, Kei. Manager mo 'yan, hindi mo naman gugustuhin mawala ang trabaho mo, hindi ba?
"Bakit mo sinabing nililigawan ako ni Jonax?" pagpapatuloy ko sa dapat na sasabihin ko kanina.
Dianne sighed and sat at the sofa. "Jonax really likes you, Kei. Besides, the agency seems to be pleased. They liked Jonax, Keilla. Suportado na sayo pati ang agency." sambit niya at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib niya.
"Kahit na! I don't want them to think na sasagutin ko nga talaga si Jonax. Ayoko rin isipin ni Jonax na if ever, if ever na sasagutin ko siya ay dahil maraming tao ang may gustong sagutin ko siya or ayokong isipin ng mga tao na sinagot ko si Jonax dahil gusto nila o dahil sikat siya. I wanted to keep this matter private pero wala na. Nilabas niyo na eh." pabagsak akong umupo sa tabi ni Dianne.
"Ang importante naman ay kung ganoon din ba talaga ang iisipin ni Jonax? I doubt that he'll think that way, Keilla. He is a good guy. I'm sure he won't think like that." Dianne smiled. Bumuntong-hininga na lang ako. Bahala na.
Ilang araw ang lumipas bago ako tinantanan ng mga reporters. Siguro ay na-realize nila na wala talaga silang mapapala sa akin. I will not say anything regarding that matter and I will only keep it to myself. Even Jonax kept quiet about it, siguro ay na-realize niya na ayokong ilabas sa public ang tungkol doon. My agency didn't say anything about it anymore kaya inisip na lang ng mga tao na baka totoo nga iyon o hindi. Bahala na sila.
Nagpunta naman ako sa kompanya sa araw ng pagpirma ni kuya ay ni Zack sa partnership deal nila. Since I am also part of the company, I also signed it. Zack smiled at nakipag-shakehands kay kuya after signing the deal but he didn't seem happy at all. Parang may kung ano siyang iniisip at pinoproblema.
Umalis na rin naman siya kinagabihan and my flight will be tomorrow kaya nag-impake na ako ng mga gamit ko kinagabihan. Nang makita ang gown na binili ko na isusuot ko para sa kasal ni Zack at Crissel ay napatigil ako sa pag-iimpake at tinitigan lang iyon. He really is getting married, huh?
Sa sunday ang kasal nila at beach wedding ang napili ni Crissel. Nakaayos na ang lahat, iyong araw na lang na iyon ang hinihintay. Kung sila ay excited, ako ay hindi. Mas gusto ko ngang tumigil na lang ang oras para hindi matuloy ang kasal. Napaka-selfish pakinggan pero ganoon talaga ang nararamdaman ko.
"Have a safe flight." Dianne waved goodbye to me. Ngumiti naman ako bago naglakad palayo. Ngayon na ang uwi ko papunta sa Pilipinas. Kasama ko si Jonax ngayon dahil ngayon din ang flight niya dahil sabay lang naman kaming nagpa-book ng ticket pauwi sa Pilipinas. We're both wearing cap and facemask. Kung ang iba ay mukha holdaper, kidnapper o magnanakaw kapag nakasuot ng facemask at cap, iba kay Jonax. He still looks handsome, mukha talaga siyang artista.
Pareho kaming hindi nagsasalita kahit nang nasa loob na kami ng eroplano. Natulog lang din ako buong byahe. Hapon na rito sa Pilipinas nang makarating kami. Gusto ko na agad makapag-book ng hotel at gusto ko nang matulog ulit. Kahit kasi tulog ako buong byahe ay pakiramdam ko na-drain pa rin ang energy ko.
"Samahan na kita maghanap ng hotel na tutuluyan mo." alok ni Jonax kaya tumango na lang ako. Siya na ang pumara sa isang taxi at siya na rin ang naglagay ng mga gamit namin sa loob. Siya na rin ang nagsabi sa taxi driver kung saan kami pupunta kaya itinulog ko na lang muna ang byahe.
BINABASA MO ANG
Falling for Her [REVISED]
FanfictionKeilla Chantal Lee, who aims to get accepted at the volleyball team attended the try out for the opening of Hellviore University for a new school year. But a heartbreaking news came to her. Still persistent to go to that university, she disguised h...