Chapter Twenty-Seven

20.2K 541 16
                                    


"Welcome to Ninoy Aquino International Airport."

Ang pamilyar na mainit na hangin ng Manila ang sumalubong sa akin nang makalabas ako ng airport. Naghihintay na lang ako ngayon ng taxi. Nagmadali talaga akong lumabas dahil huli na ng malaman ko na kasama ko sa flight si Zack. Nalaman ko na lang nang magpunta ako sa banyo bago kami makarating dito.

"Yes. I think I'll be 5 minutes late. Wala pa si Kace, akala ko ba ay nandito na siya?"

I bit my lower lip when I heard that familiar voice. Nakasuot ako ng mask at cap kaya hindi ako sigurado kung nakikilala ba niya ako. "Awit na sundo 'yan. Hindi na raw niya ako masusundo? May hinatid pang buntis sa hospital? Oh sige, magta-taxi na lang ako." I saw Zack massaged his temples.

Nang may humintong taxi sa harapan ko ay bubuksan ko na sana ang pinto nang may kamay na humawak din sa pinto ng taxi.

"Excuse me, nagmamadali ako." sabi ni Zack kaya napatingin ako sa kanya.

"Nauna ako rito." sabi ko naman. Aba gusto ko na kayang magpahinga at pakiramdam ko wala na akong energy! Kaunti na lang ay tutumba na ako rito.

"I really need to go, miss. Mayroon akong press conference na kailangan puntahan." he sighed.

"Mayroon din akong meeting na kailangan puntahan." I lied.

"Ano ba? Sasakay ba kayo o ano?" medyo inis na tanong nung driver kaya napabuntong-hininga na lang ako at pinagbigyan na si Zack na mauna. Maghihintay na lang ulit ako ng susunod na taxi.

"Yes. Nandito na ako sa hotel na binook mo para sa akin. Nilapag ko ang susi ng hotel room ko sa coffee table bago naupo sa sofa. Kausap ko ngayon si Dianne, nagtatanong kasi siya kung nakarating daw ba ako rito nang ligtas.

"Uhuh. I won't forget. Two weeks. Uuwi rin naman ako siguro days before my vacation is over. Don't worry." I assured her. Iniisip niya kasi na baka raw hindi na ako umuwi sa California. I laughed at her. I love what I am doing right now. Ngayon lang ako naging ganito kasaya sa ginagawa ko. Ayoko na bumalik sa dating ako na umaasa lang sa gusto ng mga tao sa paligid ko para sa akin.

After the call with Dianne, nagpunta na ako sa banyo para maligo at makapagbihis. I actually have no idea kung ano ang gagawin ko rito sa Pilipinas. I will just probably go to the mall or just stay here in my condo and watch movies all day. Hindi ko rin naman alam kung dapat ba akong magpakita kina Kace.

Nang buksan ko ang tv ay saktong isang press conference ang bumungad. Sina Zack ang naroon na iniinterview ngayon.

"You're all friends since college sa Hellviore, right? How does it feel na narito na kayo ngayon, abot na abot na ninyo ang mga pangarap niyo at ang maganda pa roon ay magkakasama kayo?"

"It's actually overwhelming. Masaya kami na magkakasama namin naabot ang pangarap namin na maging isang professional basketball players ng NBA. May parte nga lang na malungkot kasi may hindi nasama sa amin." nakangiting sambit ni Calum. They all look so matured now. Mas nag-mature na rin ang mga ugali nila compared noong huli ko silang nakita at nakasama.

"Naiwan? Sino iyon?" tanong ulit nung isang journalist.

"Oh by the way, nood kayo ng laro namin next week. Pinaghahandaan namin iyon ng mabuti." pag-iiba ni Tristan ng usapan. Mukhang napansin naman iyon ng iba at tumango na lang.

I am sure that Calum's pertaining to me. Nakaramdam naman ako ng lungkot. Iniisip kaya nila na ginusto kong iwan sila? Galit kaya sila sa akin? Iniisip ko pa lang na galit sila sa akin ay naiiyak na ako. Hindi ko naman sila ginustong iwan.

I immediately turned off the television at napag-desiyunan na lang na kumain na lang. Kanina pa ako walang kain since binawi ko ang tulog ko kaninang flight. Kinuha ko na ang susi ng hotel room ko at wallet bago lumabas. Siguro ay maghahanap na lang ako ng pagkakainan ko sa labas.

Falling for Her  [REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon