Chapter Fourteen

25.5K 609 41
                                    


At dahil sa hindi inaasahang pangyayari, mas nauna kaming bumalik sa Hellviore instead of staying there with other departments for the remaining days of the week. Ang sabi ni coach ay pinapatawag daw ni Mr. Xavier ang basketball department.

Kahit si Zack ay walang idea kung ano ang mayroon at pinatawag kami ng papa niya. Tahimik lang siyang natutulog habang bumabyahe kami pabalik nang Hellviore. Ang iba naman ay naghuhulaan kung bakit kami pinatawag.

Sumandal na lang din ako at pumikit. Nang makabalik na kami sa Hellviore ay kahit pagod mula sa byahe, dumiretso pa rin kami papunta sa office ni Mr. Xavier. Wala pa rin emosyon ang mukha ni Zack habang papunta kami roon.

Coach opened the door for us. Si Mr. Xavier naman ay nakaupo sa isang mahabang sofa roon habang may hawak-hawak na mga papel. Nang makita kami ay inilapag niya ang mga papel sa center table at tumingin sa amin.

We all entered and sat on the other sofa before Mr. Xavier. Tahimik lang kami kahit na sila Kace na madalas ay maingay, tahimik din. Mr. Xavier's presence is nerve-wracking. Zack's presence is cold and warm simultaneously, ibang-iba sa presence ng papa niya.

Zack was the last one to sit beside me. Tahimik lang din siya at hindi man lang tumitingin sa papa niya. Tumikhim si Mr. Xavier bago nagsalita. "A school in Canada offered to let you study there for a month. Kumbaga, exchange students kayo." he started.

Nanlaki naman ang mga mata namin. "They perhaps discovered your talents when you played against Quinox." tumingin ito kay Jonax, Kyle, Tristan, at kay Zack. "Especially the four of you, they loved your plays." sambit niya.

"Jonax's play was the most amazing, according to them. And Zack did better despite your injury. Tristan and Kyle's play was also amazing, but you were distracted. Other than that, you all did a great job despite having injuries." Mr. Xavier stood up and offered his hand to Zack.

"As the captain of the team, you did a good job." tumayo naman si Zack and faced his father. "Thank you." mariin na sabi ni Zack ngunit hindi niya tinanggap ang kamay ni Mr. Xavier. Mr. Xavier cleared his throat before giving a paper to the coach. "They need to fill in the information's needed there. Make sure they will have all the documents needed. Next week ang alis nila. I'm preparing their passports and their allowances." Mr. Xavier said before dismissing us.

Nang makalabas na kami ng office ni Mr. Xavier ay hindi na napigilan nila Kace ang saya nila. They jumped around while shouting. Si Jonax, kuya at si Zack lang ang nanatiling kalmado but Jonax is smiling at them.

"Uy congrats!" ngiti ko kay Jonax. Tumingin naman siya sa akin atsaka ngumiti. "What for?" tanong niya. "Ang galing mo nung sa laro eh! Binuhat mo 'yong sa huling quarter ng game!" sabi ko sa kanya at bahagya siyang siniko habang tumataas taas ang dalawang kilay ko.

He chuckled after hearing that. "We all played our part. Nanalo tayo dahil sa team work natin, hindi lang dahil sa akin." sabi niya atsaka ibinalik ang tingin kina Kace. Jonax is so kind and humble. He is also calm at all times, hindi ko pa siya nakikitang nagalit o nainis. He's always smiling and laughing pero tahimik pa rin siya minsan.

Napangiti tuloy ako habang naglalakad kami pabalik sa kanya-kanya naming dorm. Zack immediately went at the bathroom para mauna nang maligo. Ako naman ay naupo sa upuan at kinuha ang picture ni mama na nakaipit sa isang notebook ko roon.

Agad-agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko at tinawagan si mama. Nang sagutin na niya ito ay agad kong sinabi ang balita sa kanya.

"Mama! Pupunta kaming Canada! Exchange students kami!" masaya kong sabi sa kanya.

[Jusko anak! Mabuti naman! Sobrang natutuwa ako para sayo!] my mother beamed. Hindi ko man siya nakikita pero alam kong sobrang saya niya ngayon, sa tunog pa lang ng boses niya. [Galingan mo sa volleyball ah!] dagdag niya. Nawala ang ngiti ko nang muli akong kainin ng guilt.

Falling for Her  [REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon