Nakayuko kong hinarap ang mga kasama namin habang si Zack ay tinitignan sila ng masama.
"Captain, nag-aalala lang talaga kami sayo kaya hindi ka namin inaya." sabi ni Kace, nanginginig pa sa takot. Ang iba naman ay umaakto na parang wala silang alam sa nangyayari. "Sa susunod na ayain niyo si Kei nang hindi ako inaaya, sisiguraduhin kong mahihirapan kayo sa training." mariin na sabi ni Zack sa kanila kaya agad silang tumango ng mabilis. "Promise captain!" sabi nila at tinaas pa ang kaliwang kamay.
Tinaasan sila ng kilay ni Zack kaya naman napatingin agad sila sa kamay na tinaas nila at nang ma-realize na maling kamay ang tinaas ay pinalitan nila. Napa-iling na lang si Zack at nauna nang naglakad palabas ng university.
Magkasabay na naglalakad si Kuya at si Zack habang kaming lima ay nakasunod sa kanila. "Nakakatakot pala si talaga si captain!" bulong ni Kace sa amin. "Ikaw kasi ang may pakana nito eh! Pwede naman na sa cafeteria na lang tayo kumain." paninisi ni Calum sa kanya. "Lakas manisi ah! Pero nung hindi pa nahuhuli todo suporta! Ang plastic mo." sabi ni Kace kay Calum kaya nagsitawanan naman si Tristam at Jonax.
Sa isang food stall kami kumain, may mga japanese street foods doon kaya naman tuwang-tuwa ang mga kupal na kasama namin. "Libre ni captain 'to!" masayang sabi ni Kace. Tinignan naman agad siya ni Zack kaya napaatras siya. "Libre ko! Libre ko 'to! Enjoy guys hehe!" agad na bawi niya kaya tinawanan na naman siya.
Tahimik lang kaming kumakain ni Zack habang ang iba ay nagke-kwentuhan tungkol sa mga nakakahiyang nangyari sa buhay nila. Nang si kuya na ang magke-kwento ay wala siyang mai-kwento. "Cool boy na cool boy datingan ah!" sabi ni Calum sa kanya.
"Ikaw captain? May nakakahiyang pangyayari ba sa buhay mo?" tanong ni Kace kay Zack. "Wala." agad na sagot ni Zack. "Parang hindi naman totoo 'yan! Feeling ko meron eh! Feeling ko lang ah!" pamimilit ni Kace.
"Oo nga feeling ko rin!" sabi ni Calum. Tinignan naman siya ni kuya at tinapik sa balikat. "Mas maganda kung aaminin mo na ngayon." tawa ni kuya kaya nagtaka tuloy ako. "4th year high school, pinagpalit ng kaibigan ko 'yong sign sa cr ng mga babae at lalake. Hulaan niyo na lang kung ano nangyari pagkatapos nun." sabi ni Zack at mabilis na inubos ang pagkain niya.
Natahimik naman sila at nag-isip kung ano ang sumunod na nangyari doon.
"Alam ko na! Pinayagan ka ng mga girls doon kasi pogi ka naman!" sabi ni Kace at parang proud pa sa sagot niya. Gusto ko siyang batukan.
Sinamaan siya ng tingin ni Zack kaya naman natahimik siya. "Wala silang pakealam kahit doon ka pumasok?" patanong na sagot naman ni Calum.
"Suko na bossing!" sabi naman ni Tristan at mukhang iba na ata ang naisip niya kaya ayaw na niyang sumagot.
Si Jonax naman ay tahimik lang at minsan tatawanan ang mga naging sagot ng mga kasama namin. Tumayo na si Zack pagkatapos kumain kaya lahat kami napatingin sa kanya. "Babalik na 'ko sa dorm." paalam niya at nagsimula na maglakad. Agad naman akong sumunod para alalayan siya. Hindi pa siya sanay sa saklay niya kaya naman baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.
Nang makabalik na kami sa dorm ay agad siyang nahiga sa kama niya. Inayos ko pa sa gilid iyong saklay niya bago rin ako humiga sa kama ko.
"Kei," rinig kong tawag niya kaya nilingon ko siya. Nakapatay na ang mga ilaw kaya tanging ilaw na lang na nanggagaling sa labas ang nagsilbing ilaw.
"Bakit?" tanong ko sa kanya kahit hindi ko makita nang malinaw ang mukha niya. "Do you think it's possible for two persons to get friends again?" tanong niya kaya naman kumunot ang noo ko. "If they wanted to. I mean, it really depends on those persons and to the past that they had. Pero kung ako, kahit gaano man kalala o kasakit 'yong nangyari, I will always choose to be friends with them again. Because they're a part of my life now and simply because they're my friends. Always choose to forgive and treat people with kindness." sagot ko at ngumiti pa kahit alam ko naman na hindi niya makikita.
BINABASA MO ANG
Falling for Her [REVISED]
FanfictionKeilla Chantal Lee, who aims to get accepted at the volleyball team attended the try out for the opening of Hellviore University for a new school year. But a heartbreaking news came to her. Still persistent to go to that university, she disguised h...
![Falling for Her [REVISED]](https://img.wattpad.com/cover/110313753-64-k927922.jpg)