Chapter Eleven

24K 603 15
                                    


"He was seen last night sa isang bar. Sabi pa nga ay nagkagulo raw kagabi roon nang biglang magwala si Kyle. After that, he was kicked out of the bar. I also checked some hotels kung may isa ba roon na tinuluyan niya and I found one." balita ni Yuki nang magpunta siya rito sa room namin ni Zack.

Zack carefully listened atsaka kinuha ang pangalan nung hotel. He thanked Yuki before he left. Nilingon naman ako ni Zack. "Let's go?" tanong niya kaya tumango ako. We left the dorm and locked it bago siya pumara ng taxi.

We were just quiet the whole ride. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Zack ngayon. Nang makarating kami sa hotel na sinabi ni Yuki ay nagbayad na si Zack sa driver. Nauna na akong pumasok sa loob ng hotel at agad tinanong ang room number ni kuya.

Mabuti na lang ay binigay sa akin after confirming na family member ako. Sumakay kami ni Zack sa elevator, medyo natagal pa siyang humabol dahil nga sa pilay niya. Nang makarating kami sa floor kung nasaan si kuya ay agad namin itong kinatok.

Kuya opened the door while rubbing his eyes. Kagigising lang. "What are you doing here?" tanong niya atsaka pinapasok kami sa loob. Zack sat on the couch while my brother and I talked.

"I was worried." sabi ko sa kanya. "I just had to get some things off my mind. Babalik na rin ako sa Hellviore." sabi ni kuya. "Aiessa told me to tell you to take care of yourself-"

"I will." agad niyang sabi at sinabing huwag na namin pag-usapan pa ang tungkol sa kanila ni Aiessa. "You should take a shower. You smell." sabi ko. Mabuti na lang ay may dalang extra na damit si kuya na para bang plano talaga niyang mag-stay dito last night.

While waiting for my brother, umupo ako sa tabi ni Zack. He's busy watching a basketball match kaya hindi ko na siya inistorbo. Maya-maya ay pinatay na rin niya ang cellphone niya at nilingon ako. "Is still something bothering you?" tanong niya. I shook my head. "I'm just relieved."

Nang matapos na si kuya maligo ay umalis na rin kami doon. Nag check out na siya bago kami bumalik sa Hellviore. Zack also texted Tristan na bumalik na sa Hellviore. Nang makarating doon ay nasa entrance na si Tristan, waiting for our arrival.

"Thank you." Zack paid our taxi fair. We also saw our teammates waiting for us. "Pinapatawag tayo ni coach. Buti nakabalik ka na, boss Kyle." sabi ni Kace. Dire-diretso lang na naglakad si Zack papasok ng Hellviore.

Sumunod na rin naman kami para pumunta sa gym dahil nga pinapatawag kami ni coach. Ano naman kaya ang sasabihin ni coach? Mag-iisang buwan pa lang na wala kaming training, hindi pa magaling ang pilay ni Zack kaya sigurado akong wala pa kaming laro o training.

Pagkarating doon ay naghihintay na si coach sa amin. Agad naman kaming lumapit sa kanya. "May laban ang seniors at ang Willhard University. Balak kong isama kayo para manood sa laro so you will also familiarized yourself with them. Know new skills from them and of course, to enjoy. Alam kong wala kayong training for three months at ayoko naman na ma-bored lang kayo dito. Isasama ko na rin si Elliot at Gray na bagong miyembro ng basketball team juniors." she announced.

Napahiyaw naman sila Kace sa tuwa. The game will be held at Willhard university tomorrow kaya sigurado akong maraming dadayo na taga-ibang university bukas. Also, the training of other sports department here will be cancelled para naman makanood sila sa laro bukas.

It is a match Willhard suggested. I think the last match between Hellviore and Willhard was two years ago. Kaya siguro pumayag agad si coach ay dahil na rin sa matagal na simula nung last match nila.

Willhard is the third strongest sports university. nagte-training na rin ang mga seniors ngayon para na rin sa paghahanda sa laro bukas. Zack is so focused on watching the senior's training habang ang iba ay kinikilala na sila Elliot, Gray at Dior.

Falling for Her  [REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon