"Ano?""Jiro! Nandito ka lang pala! Tumawag si tito. Sinesermonan ako ng papa mo! Hindi raw kita binabantayan! Baka raw may bigla kang ayain na babae rito na pakasalan! Payag naman ako na mag-aya ka ng ibang babae na papakasalan basta si Kei 'yon." pareho kaming lumingon ni Zack kay Yuki na naglalakad palapit sa amin. Nakasimangot pa ito at parang labag pa sa loob niya na puntahan kami rito.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa huling sinabi niya. "Yuki, istorbo ka. Nag-uusap kami rito." sabi ni Zack sa kanya. Ngumisi naman si Yuki sa sinabi ni Zack. "Sali naman ako sa bebe time niyo." patuloy pang pang-aasar nito kay Zack kaya napailing na lang ako.
Yuki sighed before shaking his head, nakangisi. "I hate playing cupid, lovebirds. If I were you, handa akong isugal ang pangalan ko just to be with the person I love. Handa akong lumuhod sa harapan ng lahat para tanggapin ang taong mahal ko. Ayokong maging puppet ng mga Xavier, I will decide for my own and I won't let anyone control me. Ganoon ka rin naman Jiro, hindi ba? Natatakot ka ngayon? Natatakot ka na saktan nila si Kei?" Yuki looked at us and smiled.
"It's the 21st century already, stupid. Hindi na uso ang arranged marriage. People loves to disobey or break the rules it's because they know better but when they don't break them it's either they think it is better to obey or it's because they're cowards." dagdag niya bago naglakad palayo kaya naiwan na naman kaming dalawa ni Zack dito.
Zack sighed before looking at me. "I'm sorry." sambit niya na ipinagtaka ko. "I'm sorry you have to go through this with me." dagdag niya kaya namam umiling ako. "It's my choice to like you, to admit that I like you." sabi ko naman sa kanya. He smiled and walked closer to me. "You still have your dreams, baby." sabi niya kaya naman napayuko ako.
"Don't worry. I'll do anything to break the engagement," he assured me before hugging me. Nagulat ako pero hinayaan ko na lang siya. The feeling of being in his arms calms me.
The party went on at halos lahat ng pumunta ay nakarami na ng inom. Si Elliot na lang ang kakaunti ang nainom na kasama ko. Hindi naman kasi ako umiinom. Si Zack naman ay hindi ko alam kung saan nagpunta. Umalis kasi siya kanina at hindi naman niya sinabi kung saan at kung babalik pa ba siya rito. "Gusto mo na bang umuwi?" tanong ni Elliot sa akin. Tumingin naman ako sa kanya. "Ihatid na rin natin pabalik sa Hellviore ang mga 'to." sabi ko sa kanya, pertaining to Yuki and the others. Tumango naman siya bago tumayo. Inuna niyang alalayan ang mga babae niyang pinsan, ako naman ay nag-book ng grab.
Sumunod ay sila Gray, Jonax, Tristan, Kace, Axel, Calum at Dior. Si Yuki naman ay isasabay na namin sa pagbalik namin sa Hellviore. Nang masigurong maihahatid na pabalik sa Hellviore ang lahat ay sumakay na rin kami sa sasakyan ni Elliot, nakahiga si Yuki sa backseat habang tulog na. Binuhay na ni Elliot ang makina ng sasakyan at nagsimulang magmaneho. Tahimik lang kaming dalawa at mukhang wala rin naman siyang balak magsalita.
"Life's too beautiful, they said." Yuki suddenly mumbled kaya napatingin ako sa kanya. Nakapikit siya but he's smiling. "Too bad, mine isn't." he added. Nakaramdam naman akong ng lungkot sa sinabi ni Yuki. Mayroon ba siyang pinagdadaanan na hindi niya sinasabi kahit kanino?
"Don't bother doing anything for Yuki. He'll get mad at you." sabi ni Elliot kaya napunta sa kanya ang atensyon ko. Kumunot ang noo ko ng bahagya. "Bakit? What do you mean by that?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"He doesn't like it kapag may nangingialam sa buhay niya so better leave it like that." sagot niya.
Wala na akong nagawa kung hindi ang sundin ang sinabi niya. Hindi ko rin talaga maintindihan ang mga Xavier. They're so difficult to read and understand. Hindi ko tuloy alam kung ano ang mga dapat kong gawin sa kanila o kung mayroon man akong magagawa para sa kanila.
BINABASA MO ANG
Falling for Her [REVISED]
FanficKeilla Chantal Lee, who aims to get accepted at the volleyball team attended the try out for the opening of Hellviore University for a new school year. But a heartbreaking news came to her. Still persistent to go to that university, she disguised h...