"Time out! Pagod na ako!" hinihingal na sambit ni Zack, in-off ni Kace ang music kaya huminto muna kami. Kinuha ko ang face towel ko sa bag atsaka pinunasan ang mga pawis ko. Nagpa-practice kami ngayon ng isang sayaw para sa upcoming event ng Hellviore. Basketball department kasi ang na-assign na gumawa ng dance presentation. Mabuti na lang at walang reklamo si Zack doon at ang iba pang teammate namin sa basketball department.Pabagsak akong umupo sa sahig "Oh tubig"sabi ni Jonax at inabutan ako ng isang water bottle kaya ginitian ko siya. "Salamat."pasasalamat ko bago ininom iyong tubig.
"Zack!" tawag ni Aiessa at kumaway- kaway pa. Agad siyang naglakad palapit kay Zack at siya na mismo nag punas ng pawis ni Zack kaya naman agad silang kinantyawan nina Kace na para bang kinikilig pa sila sa ginagawa ni Aiessa para kay Zack. "Ang sweet naman! Sana lahat pinupunasan ang pawis!" sabi ni Kace.
"Sana lahat may tagapunas ng pawis!" sabi naman ni Calum at nag-apir sila ni Kace.
Agad naman akong nag iwas ng tingin at uminom na lang ulit ng tubig. "Wala ka bang gagawin mamayang gabi? Gusto kasi ni mama na mag dinner kasama ka. Kakauwi niya lang ng Pilipinas last night." tanong ni Aiessa pagkatapos niyang punasan ang pawis ni Zack.
Napatingin ulit ako sa kanila at hinintay ang sagot ni Zack.
"Alright." tipid na sagot naman ni Zack kaya mas napangiti si Aiessa.
Kinagat ko ang lower lip ko at nag-iwas na lang ulit ng tingin. Bakit ko ba ine-expect na tatanggihan niya? Mama iyon ng fiance niya, bakit naman niya tatanggihan?
"Kei!" tawag ni Axel,tumayo ako at nilapitan siya. "Bili muna tayo ng pagkain,gutom na ako eh" sabi niya kaya tumango na ako at nagugutom na rin naman ako.
Tumingin ako kay Zack at Aiessa na nag- uusap na ngayon bago tumingin ulit kay Axel at tumango.
"Kyle, may gusto ka bang ipabili?"malakas na tanong ko kay kuya para marinig niya. "Kahit ano na, your choice" sagot niya kaya tumango na lang ako. Puyat kasi siya dahil siya ang nagbantay kay mama kagabi. Ilang araw na kasi ang lumilipas pero hindi pa rin nagigising si mama.
Lumabas kami ng school campus, gusto ko kasing bumili sa isang kabubukas lang na shop malapit dito sa Hellviore.
"Goodafternoon!" masayang bati ni Axel doon sa medyo may katandaan na na nagtitinda rito. Ngumiti naman ito sa amin at tila ba natuwa kay Axel dahil puno ito ng energy.
"Tita,gusto ko ito oh...yung cupcake na 'yan." sabi niya at itinuro iyong cheesecake na may cherry na nakapatong. "7 na order po"dagdag niya,tumango naman iyong nagtitinda at ibinalot na iyong in-order ni Axel.
"Atsaka apat po na chocolate mouse na frappe,dalawang cookies and cream at isang strawberry frappe po. " dagdag pa nito kaya napatingin ako sa kanya. "Ang dami naman. Seryoso ka? Ang takaw mo naman." sabi ko sa kanya. "Baliw!7 tayo doon 'no kaya bibilhan ko na rin sila. Ang pangit naman kapag ako kumakain sila hindi." sagot niya kaya napatango ako. Ang bait naman niya.
"Ito oh." iniabot na nung nagtitinda ang tatlong paper bag kung saan nakalagay ang in-order niya. "Ito po 'yong! bayad." inabot na niya ang bayad bago kami lumabas at naglakad pabalik sa school.
"We're back! Kami'y nagbabalik!" malakas na sabi ni Axel na akala mo ay bingi ang mga tao at itinaas ang paper bag na pinaglagyan nung mga frappes. Tumingin naman silang lahat sa amin.
Ibinigay ko isa-isa sakanilang lahat ang mga cheesecakes at ang mga frappes, ngumiti naman sa akin si Aiessa "Thanks." nakangiti niyang sabi
Nginitian ko na lang rin siya. I saw Zack staring at me kaya agad akong nag-iwas ng tingin at tumikhim.
BINABASA MO ANG
Falling for Her [REVISED]
FanfictionKeilla Chantal Lee, who aims to get accepted at the volleyball team attended the try out for the opening of Hellviore University for a new school year. But a heartbreaking news came to her. Still persistent to go to that university, she disguised h...