Katahimikan ang bumalot sa buong gym. Si Kace na kanina pa atat na ata makahanap ng sagot sa mga tanong niya ay natahimik din at hindi makapagsalita.
"T-tatanggapin niyo ba?" tanong ko. Jonax looked at me and smiled again. How can he smile at times like this?
"You know us. We belong to Hellviore. We already rejected the offer." sabi ni Zack habang nakatingin pa rin si Kace sa kanya. He tapped Kace's shoulder before sitting at the bench. Just a few meters away from me.
Para kaming nabunutan ng malaking tinik sa dibdib nang marinig ang sagot ni Zack. He's right. We belong to Hellviore. Binuksan ko ang water bottle bago uminom doon. We continued training after a few minutes of rest kaya naman hindi na namin masyadong inisip ang tungkol sa offer.
How silly of us to actually think na tatanggapin nila ang offer ng university na ito. We're part of the Hellviore's basketball department, doon lang kami.
Nang matapos na ang training para sa araw na iyon ay naupo muna kami sa bench para magpahinga. Nagpaalam na rin ang mga iba pang players kanina na member talaga ng team dito sa university na 'to kaya kami-kami na lang ang naiwan dito. "Kapagod pero excited na rin ako sa laro." sabi ni Kace habang nagpupunas ng pawis.
Tiningnan ko naman si Zack na kausap si Tristan ngayon. Si kuya naman ay hindi ko alam kung saan pumunta. I guess he went out for some fresh air.
"Zack!"
All of us looked at the woman waving at Zack. It's his fiance, Aiessa. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito? Kailan pa siya nakarating dito?
"Aiessa? Bakit nandito siya?" nagtatakang tanong ni Calum. "Gusto niya talaga mag-away si captain at si Kyle 'no?" sabi naman ni Axel. Si Gray at Elliot ay tahimik lang na tinitingnan si Aiessa, nagtataka rin kung ano ang ginagawa niya rito.
"What are you doing here?" tanong naman ni Zack kay Aiessa. "I wanted to visit you. Bawal ba?" Aiessa smiled.
"We're busy. May match kami sa mga susunod na araw. You should go back." sabi ni Zack, dismissing her. Nagulat na lang ako nang hilain ako patayo ni Jonax.
Aiessa turned to us when she saw us. "Kei! Can we- can we talk?" tanong nito. Jonax turned to me, parang nagtatanong kung papayag ba ako. I nodded so he let go of me. "Hihintayin kita sa labas." bulong niya bago sinenyasan sila Kace na lumabas muna. Zack also left us alone here kaya dalawa na lang kami ni Aiessa ang natira rito sa gym.
"Keilla, are you mad at me?" tanong niya nang masigurong kaming dalawa na lang ang nandito. Umiling naman ako sa kanya. "Bakit naman ako magagalit?" tanong ko and faked a laugh.
"I know when you're lying. You're mad at me." sambit niya kaya napaismid ako. "Eh bakit mo pa tinanong? Alam mo naman pala eh." hindi ko na napigilan ang inis ko.
"I like Zack. I like him, Kei. I'm sorry." sabi niya na ikinakunot ng noo ko. "Is that why you broke up with Kyle? Because you like Zack?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. He left my brother because she found someone new? Ganoon ba iyon? My brother loves her. Kyle changed because he loved her, and she left him because he likes another man?
"You're so cruel, Aiessa." I gritted my teeth. "I'm sorry." she tried to hold my hand pero hinawi ko iyon.
"Bakit ikaw pa? Bakit ikaw pa ang gumagawa nito sa amin?" tanong ko sa kanya, medyo naluluha na. Bakit ba ako nasasaktan? Bakit ako nalulungkot? Nasasaktan ako para kay kuya pero mas nasasaktan ako para sa sarili ko. Bakit ganoon?
"You like Zack?" tanong niya na naging dahilan para mapatingin ako sa kanya.
I like Zack?
"Uwi na tayo, Kei." biglang singit ni Gray at hinila ako palabas ng gym kaya naiwan mag-isa si Aiessa roon.
BINABASA MO ANG
Falling for Her [REVISED]
ФанфикшнKeilla Chantal Lee, who aims to get accepted at the volleyball team attended the try out for the opening of Hellviore University for a new school year. But a heartbreaking news came to her. Still persistent to go to that university, she disguised h...
![Falling for Her [REVISED]](https://img.wattpad.com/cover/110313753-64-k927922.jpg)