Chapter Twenty-One

22.8K 562 36
                                    


Days quickly passed by. The school congratulated us and even Hellviore rewarded us. Iyon na ang una't huling laro namin dito sa Canada at uuwi na rin kami sa Pilipinas. As much as they wanted to extend our stay for another month ay hindi na possible dahil kinakailangan na namin bumalik sa Pilipinas dahil isang buwan lang naman talaga ang usapan.

Next week na rin ang alis namin pabalik ng Pilipinas kaya naman in-enjoy na namin dito. Pumasyal kami sa mga tourist spot dito at kumuha pa ng mga litrato. Pagkatapos ng laro namin dito ay may panibago na naman kaming laro sa Pilipinas. Quinox, they really wanted to win against us, huh? They won't really let us go off the hook without defeating us. But that will be months away from now pero kinakailangan pa rin namin paghandaan. We never know how dirty they can play. Baka mas malala pa ang karumihan ng paglaro nila sa mga susunod ng buwan.

"Nag mml ka ulit?" tanong ko kay Zack. Wala pa ang prof namin kaya naman may oras pa si Zack na maglaro ng mobile games. "Sino 'yang gamit mo?"

"Claude. Gusto mo i-try?" sabi niya. Agad naman ako umiling. "Baka matalo lang! Huwag na!" sabi ko. Baka mabawasan na naman siya ng star dahil sa akin at baka mag rank down pa.

"Sige na, try mo na. Classic lang naman 'yan. Huwag mo na isipin ang star na mawawala dahil wala namang mawawalang star kahit matalo mo 'yan." sabi niya at inabot ang cellphone niya sa akin. Wala na rin naman akong nagawa kaya nilaro ko na. Natuwa naman ako nang ilang beses akong makapatay ng kalaban. "Ayos! Mukhang Claude main ka ah." sabi ni Jonax kaya napangiti ako.

Mamaya ay magda-download ako ng ml sa cellphone ko at itong si Claude ang gagamitin ko. Nang matapos na ang laro ay panalo naman kami. MVP pa nga ako kaya mas lalo akong natuwa. Ibinalik ko na kay Zack ang cellphone niya nang dumating na ang isang prof pero hindi siya pamilyar.

"Goodmorning! I am not your professor in any of your subjects, but I am here to inform you about Saturday's university event. I need you to form a band. It's up to you kung ilang miyembro to perform a song during that day. You will be given 4 days to practice." sabi nung prof kaya naman nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko.

"But it's better if you will give your exchange students a chance to perform as part of their experience here in our university." dagdag nito kaya napatingin sa amin ang mga kaklase namin.

At dahil sa sinabi ng prof, naipasok kaming tatlo sa bandang bubuuin ng klase namin. Si Jonax ang drummer, si Zack ang piano at ako naman ang vocalist. Hindi ko rin alam kung paanong nangyari iyon pero isa lang ang nasisiguro ko, bukod sa hindi naman maganda ang boses ko, mahahalatang boses babae ako tuwing kumakanta.

'Alive' ang kakantahin. I know how to play piano so I asked Zack to exchange with me at mabuti na lang sy pumayag siya. Zack's the vocalist while I am the pianist, at si Jonax ang drummer. Marami naman ang natuwa dahil maririnig nilang kumanta si Zack. Iyon lang ang announcement at sinabi na nilang wala na kaming klase. Ibinigay ang natitirang oras para mag-practice kami sa performance namin.

Kanta pala ang na-assign sa klase namin, sayaw sa kabilang klase, booths naman sa iba pa. Sana ay booth na lang din ang nai-assign sa amin, mas natuwa pa sana ako. At dahil sa amin lang naman na-assign ang kanta, kami lang ang gumamit sa music room.

Inaayos ni Jonax ang gagamitin niyang drums habang pinapakinggan iyong kanta, ganoon din si Zack habang nakaupo. Ako naman ay sinet-up na rin ang piano na gagamitin ko.

Nagulat na lang ako nang magsidagsaan ang mga estudyante rito sa music room. Kahit si Jonax at Zack ay nahinto sa ginagawa nila at mukhang nagulat din sa pagdating ng mga estudyante.

"Oh my gosh! So it's true! They're going to sing!"

Kanya-kanyang tili ang mga kababaihan kaya napasapo na lang ako ng noo. Paano kami makakapag-practice nito?

Falling for Her  [REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon