02

495 14 4
                                        

Chapter 02: | Cover my ears to lessen the pain. |

--

Patuloy lang ang pag-iyak ko habang tinatahan ako ni Yumi.

"Tigilan mo na nga yang kakaiyak mo, naawa na ako sayo best e. Sige ka iiyak rin ako. Huhubels." Tiningnan ko lang si Yumi.

Pero wala namang luha sa mga mata niya e.

"Tanga ka! Ang sabi mo iiyak ka rin?!"

"Ay, totohanin ko ba?"

"Tanga, huwag na nga lang."

"Bakit ka ba kasi umiiyak?!"

"Siguro dahil Mcdo 'to kaya feel free na magdrama 'no? Ang tanga mo Yumi, nagtatanong pa e! Alam naman ang sagot. Sapakin kita e. Huhu."

Para kaming tanga dito, umiiyak ako pero sarkastiko parin ako tapos itong si Yumi naman, tinatry na may tumulong luha sa pisngi niya.

"Argh! I give up! Lalawayan ko nalang 'tong pingsi ko para mukhang umiiyak ako. Hehe." Ang tanga din minsan ng babaeng 'to e. Huhu.

"Kadiri ka Ayumi! huhu." 

"Huwag ka na kasing umiyak, naku pag nakita ko talaga yung gilagid na yun. Masasapak ko talaga siya e!" Napangiti nalang ako kay Ayumi.

"Huhubels, thank you bestiee." 

"Oh ayan na, naluluha na ako huhuhu." Ang tanga lang hahahahaha. 

"Tama talaga yung pinuntahan nating fastfood restaurant. hihi."

"Tanga ka! Huwag ka na kayang umiyak. Feel mo rin ang background music ng Mcdo e."

"Sorry naman, e naiiyak ako e. Problema mo?"

"Alam mo anong problema ko? Yung pagiging maganda ko. Yun yung problema ko." May paflip-hair pang nalalaman 'tong si Yumi.

"Alam mo, ang hilig mong magpatawa. HAHAHAHAHAHA."

"Ayun, tumawa na siya hihi. Huwag ka na kasing umiyak. Nakakasira yan ng face natin bes lalo na't magaganda tayo." Nagflip- hair nanaman, for your information po, katabi ko lang siya kaya kapag nagfi-flip hair siya e natatamaan ako ng buhok niya.

"Feel mo rin buhok mo 'no?"

"Hindi naman masyado hihi." Magfi-flip hair nanaman sana siya ng agad kong nahablot ang buhok niya at nilagay sa harap ng mukha niya.

"Sige, itry mong magflip hair." Napasama naman ang tingin niya saakin. HAHAHA. tsssk.

--

Pagdating namin sa Campus e may sumalubong na murmur, actually humiwalay na si Ayumi saakin kasi may kunin daw siya sa locker room.

'Klarong umiyak nanaman yan siya hahaha. Desperada kasi.'

'Nakakaawa siya pero nakakainis rin siya. Haayst.'

'Sobrang desperada pero kapag nasasaktan e umiiyak naman.'

Halos lahat ng negative comments tungkol saakin e naririnig ko na. Hayst.

Hindi ko nalang sila pinansin ng bigla kong narinig yung......

.....teka, may tumakip sa tenga ko.

Tiningnan ko kung sino yun, napalunok ako ng buong laway at itong puso ko. Sobrang lakas ng tibok.

"Don't misunderstood this." Ayun, kinikilig na sana ako e! 

"A-ah." Iling ko.

"Huwag mong isipin na may gusto ako sayo, ginawa ko lang 'to dahil baka mas lalo ka pang masaktan. Tssk." Hala? Concern---ay ano ba Yuri! 

"A-Alam ko." Alam ko naman na. Huwag mo ng sabihin ulit kasi sa bawat salitang sinasabi mo e nasasaktan na ako. Haayst.

Inalis na niya yung kamay niya sa tenga ko at agad na umalis.

E bakit mo 'to ginagawa kung ayaw mong masaktan pa ako ng todo? E wasak na wasak na nga 'tong utak ko, pati ba naman puso?

Actually, hindi ko na inisip yung kahapon e pero ayun, nagpakita nanaman siya tapos bumalik nanaman lahat lahat. Putcha!

"Anyare?" rinig kong ani ni Yumi.

"W-wala, namomoblema lang ako sa kagandahan ko. hihi." Ayun, kahit makulit ako, Deep inside wasak na organs ko. Ay charot HAHAHA, puso lang pala.

"Sinong niloloko mo, nakita ko yun e!" E nakita mo naman pala, nagtanong ka pa. Tanga lang?

"E nakita mo naman, nagtatanong pa."

"You should stop, Yuri. Before it gets worst. Before loving him make sure to love yourself first. Tama na Yuri. Ikaw lang yung nasasaktan. Puso mo lang ang dinudurog mo. Huwag ka ng magpakatanga."

"You know that I can't, Yumi."

"Tama na nga ang english spokening, huhubels. My nose is bleeding na talaga." Napangisi nalang ako, shunga shunga.

"Para dagdag drama na yun e, tapos sinira mo pa. Haayst!" 

"It sucks when the only person who can make you feel better is also the reason why you always cry." Tama naman diba? Siya yung rason kung bakit ako masaya, pero siya rin yung rason kung bakit ako umiiyak. Shunga lang.

"Tama na nga sabi ang english spokening, magno-nose bleed na ako e. Huhu."

Agad akong inakbayan ni Ayumi.

"Haayst bes, let's just don't mind him. Kahit ngayon lang, hihi. Let's be happy. Okay?" Ngumisi nalang ako at tumango.

"Tanga tanga neto, may pa iyak pang nalalaman pero alam namang ngumiti. Jusko, sinasayang mo lang luha mo. Kung ako sayo, lagyan mo nalang ng laway ang pisngi mo para kunware umiiyak ka. Hahaha!" Agad ko siyang binatukan. Shunga!

"Ang dami pang sinasabi HAHAHA."








I laugh but it doesn't mean that I am not hurt.

● ● ● ●♥♥♥♥● ● ● ●

Mr. Gummy | min yoongiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon