17

266 12 1
                                    

Chapter 17: | Shut up. |

---

AYUMI'S POV

Nakauwi na ako sa bahay at ngayon ay nandito parin ako sa kwarto ko, nakahiga. Ayaw ko pang bumangon, nakakatamad! Atsaka ayaw ko ring pumasok sa paaralan ngayon, sobrang nakakatamad pero malilintikan ako nina Mom at Dad pati na rin ni Kuya Theo.

Bumangon ako ng walang ka gana gana at agad na pumunta sa CR. Nagtooth-brush na ako atsaka nagshower atsaka nagbihis na ng uniform. Ewan ko ba kung bakit ang fit ng uniform namin tapos ang ikli pa ng skirt. Sailor Moon lang ang peg?

Inayos ko yung buhok ko at agad na bumaba na at nadatnan ko naman si Kuya na kumakain. Hindi kami magkaparehos ng University na pinapasukan ni Kuya, College na kasi ito kaya sa College School na siya.

Nakita ko naman si Missy na nasa higaan niya kaya agad ko itong pinuntahan at agad na pinakain ng cat food.

Pagkatapos kong pakainin si Missy ay naghugas muna ako ng kamay atsaka sinaluhan si Kuya sa hapag-kainan.

"Hoy bata ka!" Napatingin ako kay kuya, Ano nang trip nanaman niya?

"Oh?" Supladang sagot ko habang ngumunguya ng pagkain sa bibig.

"May boyfriend ka na 'no?" Napataas yung kilay ko habang tinitingnan siya.

"E kung sasabihin kong 'oo'? May magagawa ka pa ba?" Napangisi lang ako habang 'tong kuya ko, nagbabaga na ang tingin saakin.

"Yah! Ano ba ang sinabi ko sayo? Diba ang sabi ko na ipapakilala mo muna saakin?!" Ano bang pinagsasasabi ng kuya ko e wala naman akong boyfriend e atsaka hindi ko pa nga pinayagan si Jin na ligawan ako e. Kaloka ang OA magreact.

"E may sinabi ba akong may boyfriend na ako? HAHA, Ang OA mo kuya. Sa sobrang OA mo, ang sarap mo na tuloy sapakin." Mas napasama yung tingin niya saakin.

"E kakasabi mo pa nga lang e!" Ha? May sinabi ba ako?

"Ang sabi ko, E kung sasabihin kong 'oo'. Hindi ko sinabing meron akong boyfriend! Naku kuya, makinig ka nga. Nakakasakit ka sa ulo!" Bago pa niya ako maunahan ay agad kong kinuha ang bag ko.

Tumakbo ako papuntang kwarto ko at nagtooth-brush nanaman tapos agad na sinuot ang sapatos ko atsaka agad nanamang bumaba dala dala ang bag ko. Ningisihan ko lang si kuya na masama parin ang tingin saakin atsaka agad na nagpahatid kay Manong.

YURI'S POV

Nandito na ako sa classroom, eto namang si Yoongi kung makatingin saakin ng seryoso e, parang matutunaw na ako sa mga tingin niya.

Umalis muna ako sa classroom at pumunta muna sa cafeteria para uminom ng tubig ng bigla kong nakita si Ayumi na umiinom rin ng tubig kaya agad ko siyang pinuntahan. Halos mabuga na niya yung iniinom niyang tubig sa sobrang lakas ng pagtapik ko sa likod niya kaya agad niya akong binatukan.

"Kitang umiinom ako e! Ibuhos ko 'tong tubig ko sa'yo e!'' Napapeace-sign nalang ako at agad na bumilo ng mineral water at agad na ininom ito.

"Oh? Ano ng kaganapan sa inyo ni gilagid?" Napahinto naman ako sa pag-inom ng tubig.

"W-Wala, tao parin naman kami?" Binatukan nanaman ako ni Ayumi.

Mr. Gummy | min yoongiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon