Series no. 1
// Min Yoongi Fanfiction //
I am inlove with the person who can't afford to love me back. I am inlove with the person who doesn't even value my efforts. And I am inlove with the person who actually cared for me and by any chance, love m...
Iniwan ko nalang siya at agad na pumunta sa girls locker room at agad na nagbihis ng damit. Sinuot ko lang ang tank top ko habang suot suot ko parin ang sports bra ko atsaka leggings tapos rubber shoes ng biglang may nahulog kaya agad akong napayuko kung ano yun at nakita ko ay isang.....necklace?
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Isang gold na heart shaped na necklace tapos parang may butas na pang-susi? Agad ko itong pinulot, akin ba 'to?
Napalinga linga ako sa paligid pero ako lang naman ang tao dito. Akin nga.
Pero wala naman akong matandaang bumili ako ng ganito ah?
Agad ko itong sinuot sa leeg ko at tiningnan ang sarili sa salamin, bagay naman pala saakin.
Saktong paglabas ko sa locker room ay nakasalubong ko si Yoongi kaya ito nanaman 'tong puso ko. Tumitibok nanaman ng sobrang bilis.
Hinawakan niya yung leeg niya at napatingin naman siya sa....necklace sa leeg ko?
"K-kamusta ang practice sa basketball, Y-Yoongi?"
"Fine." tipid niyang sagot at aalis na sana siya ng..
"Goodluck." Agad ko namang nahawakan ang bibig ko, ano ba Yuri!
Huminto siya pero hindi naman niya ako nilingon.
"You too." H-ha?
"A-Ano?"
"You heard it, don't make me repeat that again." Ani niya habang nakatalikod parin saakin at nagsimula ng maglakad palayo saakin.
So ang ibig sabihin ba nun e binalik niya rin yung 'goodluck' ko sa kanya? Napangiti ako ng bahagya. Kahit ganun lang, ang lakas ng epekto ng salitang 'yon saakin.
Nakangiti parin akong humarap kay Yumi na ngayon ay nagce-cellphone pa.
"Anong ningingiti mo dyan?'' Agad kong niyugyog si Yumi pero agad naman niya akong pinatigil.