Chapter 16: | The best birthday Part. 2 |
(ccto)
---Day 2 at the beach
*dingdong*
Napahikab ako atsaka agad na ginusot gusot ang mga mata at agad na minulat ang mga mata.
Ang aga aga pero sino ba yung nag doorbell? Oo, sosyal ang beach house dito. May doorbell e HAHAHA.
Naka extra large na tshirt lang ako atsaka agad na sinuot ang flip flops ko at agad na tumungo sa pintuan atsaka agad na binuksan ito.
Pero sa 'di makapaniwala, isang sandamakmak na rosas at isang malaking grey na teddy bear ang bumungad saakin kaya agad na kumislap kislap ang mga mata ko. Ang cute!
May letter na nakasulat kaya agad ko itong kinuha.
Goodmorning ♡ -Yoongi
Yan lang yung nakasulat kaya agad akong napatingin sa paligid pero kakaunti pa lang naman ang mga tao. Napangiti nalang ako dahil sa kilig. Hihi.
Kinuha ko yung teddy bear atsaka yung mga rosas at inilagay sa sala. Ang cute talaga!
Pero agad ko namang nakita si Ayumi na naghikab at nagulat rin siya sa teddy bear at mga rosas.
"Wow naman, ang aga aga may regalo na. Edi ikaw na bes!" Napangiti nalang ako.
Pagkatapos kasi nung pagkanta niya ay hindi ko na kinaya at nag walk out ako. Nagtago lang ako dito sa beach house habang umiyak ng umiyak. Baka kasi pagka bukas, masasaktan nanaman ako. Pagod na kasi ako sa pananakit sa sarili ko kaya umalis nalang ako dun. Hindi ko kasi alam yung gagawin ko sa gabing 'yon.
"Tssk, hindi na muna ako aasa ng sobra bes. Nakakagaga na kasi e. HAHAHA."
"Ay bes! Tama yan, huwag ka ng magpakatanga ha? Kasi ako naiipit sa'yo e." Ngumiti nalang ako, tama naman. Kasi kapag umiiyak ako, palaging nandyan si Ayumi sa tabi ko para patahanin ako e.
"Okay bes! hihi." Niyakap naman niya ako at agad na tumalon sa teddy bear.
"WAAAAH! Ang laki laki naman neto! Ang cute cute! Sa sobrang cute, ang sarap ibasura. HAAHAH joke lang bes." Napapoker face nalang ako, tanga tanga lang.
Pumunta na kami sa dining area at kumain lang ng apple for breakfast. Diet daw kasi sabi ni Ayumi, ang OA naman. Gusto ko sanang kumain ng donut pero pinagbawalan niya ako kasi sobrang rami daw ng sugar. OA talaga! Sarap batukan pero syempre hindi ko siya binatukan hahaha.
Kakain na sana ako ng apple ng bigla niyang hinablot ito. Napatingin lang ako sa kanya. Ano bang problema nitong babaeng 'to? Balak niya ba akong gutumin?
"Bes, huwag kang ano. Syempre hindi natin kakain ng ganyan. Syempre i-slice natin tapos kainin." My jaw just dropped. Ano bang trip ng babaeng 'to? Pati ba naman sa pagkain? Hay nako.
"Kapag hindi ako nakapag-pigil. Masasapak na talaga kita Ayumi e. Nagugutom na ako. Tanggap ko na sana na apple lang ang breakfast natin pero may pa effect ka pa dyan." Napangisi lang ito. Shunga talaga!
"Bes naman, ang high blood mo! Ano bang nakain mo? Meron ka ba ngayon?" Umiling lang ako.
"Tanga neto, hindi ba pwedeng kumain nalang tayo? Andami pang kaek-ekan e!" Agad ko nalang kinuha yung apple na naslice na niya at agad na kinain.
--
Nandito na kami sa beach-side. Nakalatag lang kami ng picnic blanket atsaka ayun si Ayumi, nakahiga. Magpapasun-kissed skin daw siya pero ayaw namang umitim. Asan ba utak neto? Nasa talampakan ba? HAHAHAHA dejk lang.

BINABASA MO ANG
Mr. Gummy | min yoongi
FanfictionSeries no. 1 // Min Yoongi Fanfiction // I am inlove with the person who can't afford to love me back. I am inlove with the person who doesn't even value my efforts. And I am inlove with the person who actually cared for me and by any chance, love m...