Chapter 21: | Officially courting you |
--
Weekend ngayon kaya wala kaming pasok. Nandito lang ako sa bahay habang walang ginagawa. Ayst, sobrang boring! Nandito lang ako sa sala habang kandong si Scarlet na kumakain. Sobrang cute talaga ng asong 'to!
Sina Mom at Dad naman, maagang umalis. Si Mommy pumunta sa sarili niyang clothing store para ibigay yung mga sketch designs niya tapos Daddy naman ay maaga ring pumunta sa company. Habang ako, walang ginagawa. Gustuhin ko mang sumama kay Mommy pero sure akong maboboringan rin ako. Tsk.
Biglang tumunog yung phone ko kaya agad ko itong tiningnan.
Ayumi beseu is calling...
"Yo?"
[Yuri!!!] Nilayo ko agad yung phone ko sa tenga dahil nakakarindi sa tenga yung sigaw ni Ayumi!
"Oh? Ano?"
[Let's go shopping.]
"Okay. Hindi mo naman kailangang sumigaw e. Tsk."
[Yey! Let's kita nalang sa Mall.]
Magsasalita pa sana ako ng bigla niyang inend call. Hindi man lang ako pinasagot!
Agad akong pumunta sa kwarto ko atsaka nagshower na. Tapos narin naman akong kumain ng breakfast kasabay sila Mom at Dad.
Sinuot ko lang 'tong off shoulder na romper ko na kulay maroon tapos tinernohan ng white sneakers na sapatos. Suot suot ko rin yung necklace ni Yoongi palagi kaya suot suot ko ito ngayon. Hihi.
Agad akong naglagay ng kaunting make up such as eyebrows, eyeliner, eyelashes curler, blush, atsaka lipstick.
Agad kong kinuha yung sling bag ko atsaka nilagay doon ang wallet tapos yung phone ko at agad na bumaba na papunta sa living room.
Nagpa-alam muna ako sa kasambahay namin tapos hindi na nagpahatid sa driver. Kaya ko namang magtaxi e.
Pumara na ako ng taxi at madali rin naman akong nakakuha ng taxi kasi maaga pa naman e.
---
Nandito na ako sa Mall at ang sabi ni Ayumi na magkita daw kami sa favorite coffee shop namin kaya agad akong tumungo doon.
Nakita ko naman agad si Ayumi na naka high waist na shorts tapos naka halter top na fitted crop top tapos naka puting sapatos habang may dala dalang sling bag tapos may shades na hineadband lang.
"Ang tagal mo naman bes!" Sinamaan ko lang siya ng tingin pero agad naman niya akong hinila papuntang Clothing Store.
Namimili na siya ng mga bibilhin niyang damit habang ako e dalawa lang ang binili. Isang damit ng aso na limited edition lang, salamat nga't nakaabot pa ako. Atsaka yung isa ko namang binili ay malaking kulay black na ribbon. At hindi 'yon para saakin, kundi para kay Scarlet haha.
Pagkatapos kong magbayad ay agad ko namang naaninag si Ayumi na sobrang raming pinamili. Halos tatlong malalaking paper bag yung dala dala niya ngayon!
"Bes, let's go na." Ani ni Ayumi kaya lumabas na kami doon sa Clothing Store na pinamilihan namin.
"Asan tayo pupunta ngayon?" Tanong ko pero napangisi lang siya.
"Let's go sa park!" Ha? Park? Habang dala dala niya yang mga pinamili niya? Seryoso ba siya?
"Teka, pupunta tayong park habang dala dala mo yang mga paper bag mo? Hindi ka ba mangangawit?"

BINABASA MO ANG
Mr. Gummy | min yoongi
FanfictionSeries no. 1 // Min Yoongi Fanfiction // I am inlove with the person who can't afford to love me back. I am inlove with the person who doesn't even value my efforts. And I am inlove with the person who actually cared for me and by any chance, love m...