Chapter 03: | Don't mess with my COUSIN. |
Nasa cafeteria lang kami ni Yumi ng bigla niya akong kinalabit.
"Bes, anong kaganapan kahapon?"
"Naging kami na ni Yoongi." Agad naman niya akong binatukan.
"Sampalin kita e, ano nga?"
"Kailangan ba talagang sabihin?" tumango tango naman siya kaya napairap nalang ako.
"Edi ano pa ba, edi nasaktan nanaman ang dakilang tangabels." agad nanaman niya akong sinapak. Ano bang kasalanan ko sa babaeng 'to?
"Bakit?! Inano ka nanaman ba ni gilagid? naku kapag ako hindi nakapag-pigil. Sisiguraduhin kong masasampal ko talaga yang gilagid niya bes! Pigilan mo lang ako." Sinapak ko naman siya sa noo.
"Sino bang nasasaktan sa atin, e kung makareact ka e. Ikaw sampalin ko e." Umirap lang siya at aakmang magfi-flip hair ng agad kong napigilan ito.
"Itry mong mag flip-hair. Ikaw talaga masasampal ko." Nakanguso naman itong umirap saakin.
"E ano ba kasing eksena kahapon?"
"Pinagtanggol niya ako pero sa 'di katagalan e sinaktan nanaman niya ako. Oh diba, ansaya." nakapoker face lang si Yumi na nakatingin saakin.
"Ha? Ipagtanggol para 'san?"
"K-Kay Stella, e balak akong sampalin e. Buti nalang napigilan ni Yoongi." Ngumiti nalang ako.
'Then don't stop loving me.'
Naalala ko nanaman yung mga sinabi niya. Anong ibig sabihin 'non?
Agad agad naman siyang napatayo. Ano nanaman bang nangyayari kay Yumi?
"So iiwan mo ako dito mag-isa? Tapos ano, magda-drama nanaman ako? Yumi naman! Asan ka ba pupunta? Kaloka ka!"
"Tuturuan ko lang ng leksyon si Stella echosera." Napatawa ako sa sinabi niya pero agad ko siyang pinigilan pero ayaw paawat e.
Hanggang sa nagkasalubong sila ni Stella.
"S-Stella, umalis ka na kung ayaw mong magka blush on. Hihi." Natatarantang sabi ko pero tinaasan lang niya ako ng kilay.
"So sasampalin mo si Yuri?" Ayan na si Ayumi mga bes. Nagsalita na siya.
"Hindi ko natuloy kasi may pumigil pero ngayon parang wala naman so---"
"E sino ako?" -Ayumi
"Ah? Sorry hindi kasi kita nakita."
"Tanga, e kausap mo kaya ako ngayon. May utak ka ba?" Napataas naman ang kilay ni Stella.
"Trying to slap my bestfriend? Well girl, you can't."
*pak*
Napapikit nalang ako sa ginawa ni Ayumi kay Stella na ngayo'y nakahawak lang sa pisnging sinampal ni Ayumi.
"How dare----"
*pak*
"Sa ibang side nanaman para pumantay. Thank me Stella for making your blush on more thick." Umirap lang si Ayumi at agad na naglakad palayo.
Susundan ko pa sana si Ayumi ng biglang nahatak ni Stella ang braso ko at aakmang sasampalin ng biglang may humila sa buhok niya, well hindi si Ayumi yun for sure kasi katabi ko lang siya.
BINABASA MO ANG
Mr. Gummy | min yoongi
FanfictionSeries no. 1 // Min Yoongi Fanfiction // I am inlove with the person who can't afford to love me back. I am inlove with the person who doesn't even value my efforts. And I am inlove with the person who actually cared for me and by any chance, love m...