15

270 16 0
                                    

Chapter 15: | The best birthday Part.1 |

--

"Happy Birthday Yuri!'' Napamulat naman ako dahil sa sigaw nina Mommy at Daddy tapos yung mga party poopers tapos yung cake na dala dala ni Mommy.

Happy Birthday to me! 17 years old na ako!

"Thank you Mom and Dad!" Ani ko at agad na niyakap sila.

"Blow the candles and make a wish!" Ani ni Daddy kaya nagwish na ako pagkatapos ay binlow yung candle.

Extra strong and extra brave and lots of love and full of happiness.

''Baghanda ako ng pancakes ng daddy mo para sayo so let's eat our breakfast na okay?" Napangiti nalang ako at agad na  tumango.

Bumaba na kami at agad na tumungo sa dining area para kumain na ng breakfast.

"Pagkatapos mong magbreakfast, magready kana kasi may outing kayo ni Ayumi diba?" Tumango ako. I'm so excited!

---

Nakapagready na ako, pati na rin yung mga dadalhin ko ay niready ko na. Hinihintay ko nalang si Ayumi e.

*beep*

Nandito na siguro siya kaya agad akong lumabas at ayun nakita si Ayumi.

May driver kasi below 18 pa kami kaya bawal pang magnaneho e. Hihi mabait kaya kami.

Nagpaalam na ako kay Mom at Dad at agad na sumakay na sa kotse.

''Happy birthday Yuri!" Niyakap ko naman agad si Ayumi.

"Thank you bes!"

--

Nasa beach na kami, overnight kami dito kaya mas masaya. May nireserve naman na si Dad na beach house para saamin kaya no worries na. Pati na rin yung mga kakainin namin e nakareserve na rin kaya wala na talaga kaming aalalahanin.

Pumunta na kami sa beach house namin at agad na nag-ayos.

"Bes, maliligo ka na ba?" Tanong ko kau Ayumi, nakabihis na kasi siya ng bikini e. Kulay puti lang ito na two piece tapos off shoulder tapos may bulaklak pa na nakasabit sa tenga niya. Klarong klaro rin ang hubog ng katawan niya at yung pagkaputi niya. Pero syempre hindi ako magpapatalo hihi joke lang.

"Hindi pa 'no, kakain muna tayo. Nakakapagod kaya sa byahe hihi." Oo nga naman.

"Hindi ka pa ba magbibihis?" Tanong niya saakin.

"Magbibihis na. Wait mo ako dito bes." Ani ko at agad na pumasok sa restroom.

May tatlo akong dalang swimwear, yung isa is one piece na backless sa likod tapoa kulay blue, yung isa naman is rasgard na croptop tapos may ternong shorts tapos yung isa naman ay two piece na halter top na kulay black. Ano ba ang susuotin ko?

Yung two piece na nga lang.

Nagbihis na ako atsaka pagkatapos ay lumabas na ako sa restroom.

Nadatnan ko naman si Ayumi na nagseselfie.

"Ay against the light. Dito na muna, ay sobrang maliwanag naman! Ay ano ba 'to! Huwag na nga lang!" Napangisi ako kay Ayumi. Tanga tanga talaga.

"Hoy bes! Kain na tayo, gutom na ako." Bigla naman siyang sumigaw, ano bang problema ng babaeng 'to?

"We are so sexy bes! Hihi tara na nga, gutom na rin ako e." Aniya at agad akong hinila papunta sa beach restaurant.

Mr. Gummy | min yoongiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon