04

315 15 2
                                        

Chapter 04: | Look at me in the eye |


--

Nandito ako sa campus lobby kasi si Yumi e naghalf day, may reunion kasi sila ng family niya e. Kaya andito ako, mag-isa.

Ewan ko ba kung saan ako pupunta lalo na't lunch break namin ngayon. Tapos na rin naman akong kumain pero ang taas pa ng break namin.

Pumunta nalang ako sa classroom at agad na umupo sa upuan ko ng biglang pumasok si Stella.

Ngumiti lang siya saakin habang papunta sa direksyon ko at agad na hinampas ang table ko kaya nagulat naman ako.

"Loner, huh?" Hindi ko siya pinansin. Wala namang rason kung bakit ko siya papansinin, hindi ba?

Hinampas nanaman niya yung table ko ng kay lakas.

"Tigilan mo na ang pagpapapansin kay Yoongi ha? Kasi baka hindi ako makapigil at masampal pa kita." This time, napatigil ako sa sinabi niya.

"Ano bang pake mo?" Mahinahong sabi ko pero ang lakas ng epekto non sa kanya at aaktong sasampalin ako ng biglang may humawak sa mga kamay niya.

"Y-Yoongi.'' May kabang sabi ni Stella habang nakatingin parin kay Yoongi.

Agad namang nabawi ni Stella ang kamay niya at agad na tumakbo palabas ng classroom.

Nakayuko lang ako pero alam kong nandito pa si Yoongi sa harapan ko.

"You can't even fight for yourself and you have guts to tell me that you love me?" Nanghihina nanaman ang katawan ko dahil sa boses niya at sa mismong sinabi niya.

"I can fight for myself, but I can't if it's between me and my heart." Seryosong sabi ko. Pero sa hindi inaasahan.

Pinataas niya yung ulo ko at ngayon ay nakatingin lang siya sa mga mata ko.

"Why don't you say it infront of me? While looking at my eye."

Ayoko.

"Why can't you love me back?" And puff, nalabas ko na yung gusto kong sabihin.

"I just want you to love me back."

"Tsss." Iling niya at agad naman niyang nilayo ang mukha niya sa mukha ko.

"I'm tired of crying, I'm tired of faking a smile. But I am never tired of loving you." Ayun na, nalabas ko na yung gustong gusto kong sabihin sa kanya noon pa.

"Then don't stop." Ha? Ano daw?

Ano bang ibig sabihin 'non?

"I want you to....love me back." Hindi sa pinipilit ko siyang mahalin ako, kundi sana matutunan man lang niya akong mahalin kahit kaunti man lang?

Kasi ako, sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, nakakalimutan ko ng magtira sa sarili ko.

"Then don't stop loving me." Seryoso niyang sabi atsaka agad na umalis.

Anong ibig sabihin 'non?

Biglang tumibok ang puso ko dahil sa sinabi niya. Nasasaktan ako dahil sa kanya, Oo. Umiiyak ako dahil sa kanya, Oo. Pero bakit kapag siya na yung magsasalita, parang nawala lahat yung sakit na nararamdaman ko ng dahil sakanya?

--

Nandito lang ako sa kwarto ko. Napaupo lang ako sa sulok ng kama ko at hindi ko nalang pinigilan ang mga luha ko at hinayaang tumulo nalang ito.

''Oo na, tanga na ako." Oh diba, shunga lang. Kinakausap ang sarili e.

Nang biglang may kumatok kaya agad agad kong pinunasan ang pisngi ko at agad na nagpulbo para hindi klarong umiyak ako.

"Mom." Umupo si Mommy sa gilid ng kama ko habang hinihimas himas ang buhok ko.

"I know you're crying Yuri." Hayst. Hindi talaga ako makakatago kay Mommy.

"Let me be your crying shoulder, darling." Hindi na ako nagdalawang isip na humiga sa balikat ni Mommy at sunod sunod namang tumulo ang mga luha ko.

"Stop hurting yourself Yuri." I can't. Kasi kapag minamahal ko siya, nasasaktan ako.

"Stop crying baby."

"Mom, bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit ba sa tuwing nasasaktan ako, nasasaktan din ang puso ko?"

"Because the reason why you're hurt is the one who is in your heart, Yuri." Ganun ba talaga yun?

''Kaya please stop crying na, I don't want to see my princess cry." Ngumiti nalang ako at agad na pinunasan ang pisngi ko.

"Thank you Mommy." Agad ko siyang niyakap. Yung mahigpit na mahigpit.

I will not let myself bring me down.

Tumayo ako at pupunta sana sa study table ko ng bigla akong matapilok. Ay tanga! Maglakad ka kasi ng matuwid Yuri, wala ka sa runway kaya huwag kang naglakad na parang model. Kaloka!

"Pati ba naman katawan ko? Sasaktan ko? Tanga mo Yuri. Kainis ka!" Oh ayan, sinermonan ko na sarili ko. Haaayst! E kasi naman e! Huhu ang sakit ng paa ko.

● ● ● ●♥♥♥♥● ● ● ●

Mr. Gummy | min yoongiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon