Chapter 07: | Excuses |
--
Nakatulala lang akong nakatingin sa mga pagkain na inorder ni Yumi para sa KANYA LANG. Ang damot damot e.
Pero kasi hindi naman ako gutom at hindi parin nawala sa isip ko ang paghalik ni Yoongi saakin kagabi.
Nang biglang sinapak ni Yumi ang noo ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Kanina ka pa tulala dyan ah! Ano bang iniisip mo? Atsaka hindi ka man lang nag order. Hindi ka ba gutom-----"
"...hinalikan ako ni Yoongi, Ayumi." Agad siyang nagulat at nabulunan.
*cough*
*cough*
*cough*
"H-huwag ka namang *cough* magpatawa Yuri!" Sumeryoso ako at agad siyang sinapak sa noo.
"Tanga, mukha ba akong nagpapatawa?" Mas lalo siyang napadilat.
"So totoo nga?" Tumango ako.
"Huwag kang maingay!" Napatakip naman siya ng bibig.
"WAAAAAAH!" agad agad ko siyang pinakain ng marami para hindi makasigaw ulit. Nag-titinginan na ang ibang tao dito sa Cafeteria e.
"Bes? Papaanong? Kailan? Bakit?"
"Hindi ko nga alam e."
Bakit niya ba ako hinalikan.
"T-that's my....f-first k-kiss."
".....first kiss huh?" Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay agad niya akong iniwan na nakatulala parin.
"Bes, anong nangyari sa gilid ng bibig mo? Ba't may sugat?"
"A-Ang tanga ko kasi kaya natalsikan ng mantika. E wala naman akong alam sa pagluluto pero kasi e, ginutom talaga ako kaya eto, nasugatan." Pagsisinungaling ko.
--
Nandito kami ngayon sa classroom at ito namang bestfriend ko, kanina pa sinisipaan ang upuan ko. Parang ano.
"Okay class, since tomorrow is your Masquerade Ball. It is required to put a mask so that everyone don't have any idea kung sino yung kasayaw nila. And then after that, may revealing of identity kapag ball gown na ang suot niyo and you don't need to put a mask na. It depends on everyone kung makikilala nila yung kasayaw nila sa masquerade ball kasi change of outfit nanaman kapag revealing of identity na. Once lang 'to mangyayari sa inyo because soon ay ga-graduate na kayo." Oo nga pala, Masquerade Ball namin bukas at meron naman na akong susuotin kasi Fashion Designer si Mommy at siya yung nagstyle ng susuotin ko. Tapos yung sa masquerade ball dress e si Mommy rin ang nag style pero matchy matchy kami ni Ayumi, kulay dark violet yung akin tapos light pink naman yung sa kanya.
'I'm sure that Stella will definitely slay the ball.'
'I think so too'
'Feeling ko si Ayumi.'
'Oo nga e.'
'E parang si Yuri e!'
'Sina Yuri at Ayumi yung magse-slay sa ball and that's for sure.'
'Pfft, si Stella nga e!'
Hindi ko nalang sila pinansin. Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin, hindi ko rin naman sila papansinin.
"Ms. Seo." Agad akong napatingin sa homeroon teacher namin at agad na tumayo.
"What happen to your mouth?" Napalunok ako.
"N-Natalsikan po ng mantika k-kagabi." I lied.
"Be careful next time, Ms. Seo. Sit down." Umupo ako at tiningnan si Stella na hindi umiimik. Tapos si Yoongi naman na nakasandal sa upuan niya habang seryosong nakatingin sa harap.
Sinampal ako.
Gustuhin ko mang sabihin yun pero ayaw kong magkagulo pa ng dahil saakin. Alam kong sina Lexi at Yumi ay susugod talaga kay Stella kahit pigilan ko pa sila. Kaya mas mabuting, hindi ko nalang isipin 'to. Dahil alam kong yun ang makakabuti.
Tiningnan ko muli si Yoongi ng biglang magtama ang mga tingin namin kaya agad akong napaiwas.
Seryoso lang ang mukha niya na nakatingin saakin na para bang tutunawin niya ako sa tingin niya. Nakakainis lang kasi naguguluhan na ako. Bakit ba niya ako hinalikan? Bakit? Para saan pa? E wala naman diba siyang gusto saakin?
● ● ● ●♥♥♥♥● ● ● ●
BINABASA MO ANG
Mr. Gummy | min yoongi
FanfictionSeries no. 1 // Min Yoongi Fanfiction // I am inlove with the person who can't afford to love me back. I am inlove with the person who doesn't even value my efforts. And I am inlove with the person who actually cared for me and by any chance, love m...