22

236 10 5
                                        

Chapter 22: | New Rival |

--

Nandito kami ni Yoongi at Ayumi sa soccer bleachers. Ewan ko ba kay Yoongi at hindi siya nag practice ng basketball, gusto niya daw kasi akong makita habang nagso-soccer. Astig daw kasi. Tsk.

"Baka pagalitan ka ng coach mo, Yoongi." Ginulo niya lang yung buhok ko atsaka ngumiti.

"Even if my coach will get mad or not, I will watch your last practice." Ngumiti lang ako. Chareng!

"Ano ka ba! Akin yang pizza e! Bakit mo kinuha?"

"E kasi nagugutom ako."

"Edi sana bumili ka nalang ng sayo!"

"E ayaw ko!"

"Aaayst! Nakakaasar ka Jin!"

"Hihi. Mwuah."

Rinig na rinig ko echo ng mga boses ng dalawang aso at pusa na nag aaway dahil sa isang pizza.

Ang cute nilang tignan, atsaka bagay na bagay sila sa isa't isa.

--

Natapos na yung soccer practice namin kaya nagpalit na kami ng damit ni Ayumi dahil sobrang napawis kami e.

Ang sabi ni Yoongi na magdi-dinner daw kaming apat sa labas. Kaya sinuot ko nalang yung halter top ko na kulay grey tapos ripped jeans na denim tapos adidas shoes. Choks na siguro yun. Atsaka si Ayumi naman, eto nakasuot ng long tee na kulay puti tapos may checkered na black and white rin na nakatali sa waist niya tapos naka adidas shoes rin siya habang naka high bun yung buhok niya. Nilugay ko nalang yung buhok ko.

Paglabas namin sa field ay naaninag naman namin kaagad yung dalawang mga kupal na nakasandal sa pader habang nakapamulsa.

Nakasuot lang si Yoongi ng White Tee tapos ripped jeans tapos naka sneakers rin tapos si Jin naman ay naka Black Tee tapos may kalong puti tapos naka denim ripped jeans atsaka naka adidas shoes. Ang taray ng mga suot ng mga 'to. Edi sila na!

Agad naman nila kaming sinalubong atsaka agad naman akong inakbayan ni Yoongi tapos si Jin at Ayumi naman, ayun nag aaway parin.

Paglabas namin ay nandun naman nakapark yung sasakyan ni Jin. Kay Jin daw na sasakyan yung gagamitin e. 18 years old na kasi si Jin tapos eto namang si Ayumi, magsi 17 na. Kaya perfect match sila. Ayeee!

--

Nandito na kami sa Restaurant.

Katabi ko si Yoongi tapos katabi naman ni Ayumi si Jin na ngayo'y nag aasaran nanaman.

Nakapag-order na kami kaya hinihintay na namin yung inorder namin.

"Alam mo Jin, nakakasakit ka sa ulo! Bahala ka nga dyan! Ligawan mo sarili mo! Kainis ka!" Napatawa naman ako sa sinabi ni Ayumi.

"Tssk. Bakit ba ang init ng ulo mo saakin?" Ayun nag aaway na sila.

"E kasi ikaw e, kinuha mo yung pizza ko kanina!" Para sa Pizza? Mag- aaway kayo? Haay nako.

Napatigil naman sila sa pag- aaway ng biglang dumating na yung inorder namin. Diet nanaman 'tong si Ayumi kasi vegetable salad at tropical fruit salad lang yung inorder. Si Jin naman, ayun beef steak tapos si Yoongi naman, noodles lang yung kinain tapoa ako naman, lasagna atsaka chicken nugget.

*nom*

*nom*

*nom*

*nom*

Mr. Gummy | min yoongiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon