Chapter 12: | Dream come true |
--
"Bes!" Sabay naming sabi ni Ayumi.
"May sasabihin ako sayo!" Sabay nanaman naming sabi.
"Ikaw na muna!" Sabay nanaman.
Ano ba 'to? So sabay nalang talaga kaming magsasalita? Lokohan lang?
"Ako na nga lang muna!" Ani ni Ayumi.
"Nililigawan na ako ni Jin. Papayag ba ako? Papayag ka ba? Sa tingin mo, payag ba parents ko? Tapos papayag ba si kuya Theo? Pati na rin si Missy na pusa ko? Papayag ba yung mga kasambahay namin? Papayag ba si Lexi? May papayag ba? Huhu ano ba 'to! Baka may tumutol. Baka hindi siya yung forever ko. Haaayst." Napasama naman ang tingin ko kay Ayumi at agad ko siyang binatukan.
"Ang drama mo bes! Gusto mo ng sapak. Halata namang susuportahan ka ng magulang mo at ni kuya Theo 'no! Ang OA mo magreact! Nakakasakit ka sa bangs!" Napangiti naman siya at napapeace sign.
Kaya pala iba yung mga kinikilos ni Jin these days. Tsssk, may pagtingin pala sa bestfriend ko e!
"Syempre papayag ako Ayumi. Pero kapag yun, nagloko. Masasapak ko siya sa abot ng makakaya ko!" Napangisi naman si Ayumi sa sinabi ko.
"So ano nga ba yung sasabihin mo saakin?" Ah, oo nga pala.
"S-Sinabi ni Yoongi n-na m-mahal niya rin daw ako." Napadilat naman si Yumi ng sobrang wide.
"ANO?!" Ay ang OA. Sapakin ko na ba?
Kinwento ko lahat ng mga nangyari kahapon simula nung hinila siya ni Jin palayo.
"Putek, makukutusan ko yun si Jin e! Nang dahil sa kanya, hindi ko man lang nakita yung eksenang yun! Ayyst." Hala siya? Hay nako Ayumi.
"Pero bes! Omg! Omg! Dream come true na bes!'' Hindi ko naman masabing mahal niya talaga ako e kaya hindi muna ako aasa. Kasi sa huli, ako lang nanaman ang masasaktan.
--
Nandito kami sa mall ni Ayumi, nagshopping kami e, trip niya lang daw kasi binigyan siya ng pera ng daddy niya kasi nakaabot siya sa top 3 ng school. I'm so proud kay Ayumi.
Nandito lang kami sa clothing section. Umupo muna ako kasi napagod na ako sa kakalibot, marami naman na akong binili kaya nagpahinga muna ako. Habang andun si Ayumi, namimili parin ng mga damit.
AYUMI'S POV
Andito kami ni Yuri sa mall, nagshopping kami e. Hihi. Nasa clothing store kami tapos si Yuri naman, ayun nakaupp habang dala dala ang mga paper bags na lalagyan ng mga pinambili niya.
Let me tell you a secret. Alam niyo ba na si Yoongi yung nagdala sa kanya sa clinic nung nahimatay siya? Sobrang nashock ako nung pagdating ko sa clinic e nakita ko si Yoongi na binabantayan si Yuri.
"Don't tell her." Malamig niyang tugon kaya napatango nalang ako.
Yung time na 'yon. Mas lalo akong nagduda kay Yoongi at mas lalo akong naghinala sa mga inaakto niya. Pero mas naconfirm ko nung sinabi ni Yuri na sinabi ni Yoongi na mahal niya si Yuri. Pero ewan ko ba kung bakit nagawa parin niyang saktan si Yuri kahit na may nararamdaman din siya.
"Yumi, dalian mo kayang mamili ng damit? Naiinip na ako e." Napatingin ako sa direksyon ni Yuri na ngayo't nakasimangot na kaya pumunta ako sa kanya."I'm done. Ang kill joy mo bes!" Umirap lang ito saakin kaya agad naman akong nagbayad sa cashier.
Nakalabas na kami dun sa clothing store at pumunta sa Mcdo. Ang sabi kasi ni Yuri na sa Mcdo nalang daw kasi mag-dadrama nanaman daw siya. Tanga neto.
Nakaorder na kami ng pagkain at agad naman siyang lumamon--este kumain.
*ring*
Biglang nagring yung phone ko kaya sinagot ko kung sino yung tumatawag.
Ang kuya kong pogi is calling...
For your information po, hindi po ako ang nagchange ng nickname niya kundi siya mismo, loka loka.
"Oh ano?''
[Hoy bakit mo pinakain si Missy ng marami kaninang umaga? Ayan tuloy ako pa ang napagtripan!]
"Anong napagtripan?"
[Eh tinaehan yung bedsheet ko!]
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH buti nga sayo!" Ang tanga rin minsan ng kuya ko e. Ewan ko ba kung bakit.
[Anong nakakatawa dun? E ako na nga yung namomoblema dito tapos tatawanan mo lang ako? Wow lang ha?! Bye na nga!----]
*toot*
"Anong kagagahan nanaman ang ginawa mo sa kuya mo bes?" Nakangiting tanong ni Yuri saakin.
"E hindi ko naman sinasadyang pakainin ng marami si Missy kanina." Mukhang gets naman niya kaya natawa lang siya.
Mas lalong gumanda si Yuri kapag totoong tawa yung pinapakita niya saakin. Haayst sana pang araw araw na 'to.
●●●●♥♥♥♥●●●●

BINABASA MO ANG
Mr. Gummy | min yoongi
FanfictionSeries no. 1 // Min Yoongi Fanfiction // I am inlove with the person who can't afford to love me back. I am inlove with the person who doesn't even value my efforts. And I am inlove with the person who actually cared for me and by any chance, love m...