Chapter 18: | I feel like there is nothing more artistic than loving people |
---
"Bes! Bes! Bes!" Napalingon naman ako sa direksyon ni Ayumi na ngayo'y tumatalon.
"Oh ano nanaman?" Ngumiti lang siya at agad na sumigaw kaya napatakip ako ng tenga.
"AHHHHH!!!" Ano bang problema ng babaeng 'to?
"Ano ka ba! Bakit ka ba sumisigaw?" Napatigil naman siya sa pagsigaw at tiningnan ako.
"Bes! Kyaaaah!" Ano ba kasi?
"Bes, pumayat ako. Nabawasan ako ng isang kilo. Hihihi." So ganon? Yun yung dahilan kung bakit siya sumisigaw? Haayst, ang tanga tang lang.
"Eh ang payat payat mo na nga e! Mukhang tanga!" Umirap lang siya saakin at tumakbo papunta sa sala.
Nasa bahay ngayon si Ayumi, wala kasi daw siyang gagawin dun sa bahay niya kundi asarin yung kuya niya. Tsssk, ano pa bang aasahan e ang galing mang-asar netong babaeng 'to e.
Pumunta ako sa kwarto ko ng biglang nag ring yung phone ko.
Yoongi is calling...
"Hmm?" medyo nahihiya parin ako hanggang ngayon kasi sobrang awkward, hindi kasi talaga ako sanay na tinatawagan niya ako e.
[Goodmorning]
"Good Morning rin. K-Kumain ka na ba?"
[Hmm, hindi pa pero kakain palang. Ikaw?]
"Tapos na." E ang aga naming nagbreakfast ni Ayumi e. Binulabog niya kasi ako ng madaling araw, kaya hindi na ako nakatulog ng maayos.
[Ahh, good.]
"W-Wala ka na bang sasabihin?"
[A-Ah, that's all. Goodbye.]
"Bye."
*toot*
Oh diba, sobrang awkward talaga. HAHA.
Bigla namang bumukas ang pintuan at iniluwa doon si Ayumi.
"Bes, what to do? Sobrang boring huhu." Nag-isip naman siya kung ano ang pwedeng gawin kaya napa-isip na rin ako.
"Bes, laro tayo ng taguan. HAHAHAHAHAHA." Parang bata lang? Pero boring naman talaga kaya sige nalang.
"E ano pa bang choice ko?"
"YEEEEY! Sige ako taya, magtago ka na! Magbibilang ako ng sampu dapat nakatago kana. Okay?" Tumango nalang ako kaya agad naman siyang nagbilang na nakapikit kaya agad agad akong naghanap ng pwedeng taguan.
Bumaba ako at pumunta sa living area atsaka doon nagtago sa Garden. Hihi.
"SAMPU! HAHAHAHAHA!" Nagtago naman ako dahil alam kong tapos ng magbilang si Ayumi kaya mas tinago ko pa ag sarili dun sa may lalagyan ng mga balde. Bahala na nga yan. HAHAHA.
"BOO? Ayyy, asan ka na ba Yuri? Ang daya naman!" Hala, so ako pa ang madaya? Baka magaling lang talaga akong magtago.
Pero nung palapit na siya sa tinataguan ko ay bigla agad kong siniksik ang sarili dun sa may mga lalagyan ng mga lumang gulong ng bigla akong natalisod, ang sakit sa pwet. huhu. Ininda ko yung sakit ng pwet ko at agad na nagtago ng biglang...
"Hi." Nagulat naman ako dahil sa taong nagsalita. Agad kong tinakpan ang bibig ko para hindi makasigaw. Ayyst! Nakasandal lang ako sa pader tapos ang lapit pa ng mukha niya sa mukha ko.
"B-Bakit ka nandito, Y-Yoongi?"
"I wan----" Tinakpan ko yung bibig niya atsaka agad na pinasandal sa pader.
"Yuri? Where are you na? Ang daya!" Tiningnan ko si Yoongi na nagtataka.
"Naglalaro kami ng taguan kaya shhh!" Tumango nalang siya.
Umatras ako ng bigla akong matalisod pero agad naman akong sinandal ni Yoongi sa pader atsaka kinulong ako sa mga bisig niya. Tinakpan ko parin yung bibig ko kasi baka makasigaw ako dahil sa kilig---ay joke hahaha.
Pero sa ikinagulat ko ay agad niyang inalis ang kamay ko na nakatakip sa bibig ko at aaktong hahalikan ako ng biglang---
"I GOT YOU BES----Oh my gosh." Napatingin kami sa direksyon ni Ayumi na nakatakip ang kamay sa bibig na para bang gulat na gulat.
Agad siyang tumalikod. Aiish, ayan tuloy nakita pa kami ni Ayumi na ganito ang posisyon.
Tiningnan ko ng masama si Yoongi pero nagsmirk lang siya. Tssk.
"Ehem." Dahan dahan namang lumingon si Ayumi habang nakangiti ng nakakaloka.
"Ehem. N-Nandito ako para kausapin sina Tito at Tita." Napalingon naman kami ni Ayumi kay Yoongi.
"P-Para saan?"
"It's a secret between me and your parents." Napakunot naman ang noo ko. May pa secret pang nalalaman!
--
Nandito lang ako sa living room pati na rin si Ayumi habang nakatingin kami sa Garden Area kasi nandun nag-usap yung parents ko at si Yoongi. Ano kaya ang pinag-uusapan nila?
"Halaka bes, baka papakasalan ka na ni Yoongi." Agad kong binatukan si Yoongi.
"Joke lang bes, hindi ka naman mabiro e!" Umirap lang ako at hinayaan nalang sina Mom at Dad na kausap si Yoongi.
Nang mapansin kong natapos ng mag-usap ang mga magulang ko at si Yoongi ay agad naman akong pumunta kay Yoongi.
"A-Ano yung pinag-uusapan niyo nina Mom at Dad?" Ningisihan niya lang ako atsaka agad na ginulo ang buhok ko.
"I told you, it's a secret between me and your parents." Napairap nalang ako. May pasecret pang nalalaman, kaloka.
● ● ● ●♥♥♥♥● ● ● ●

BINABASA MO ANG
Mr. Gummy | min yoongi
FanfictionSeries no. 1 // Min Yoongi Fanfiction // I am inlove with the person who can't afford to love me back. I am inlove with the person who doesn't even value my efforts. And I am inlove with the person who actually cared for me and by any chance, love m...