Chapter 19: | Don't pout, I might kiss you. |
---
Practice namin ngayon ng soccer ni Ayumi, oo nagpapractice na siya. Himala 'no? HAHAHA.
Nasa locker room kami ngayon, break kasi namin kaya nandito lang kami ni Ayumi sa locker room. Maaga pa ngayon, excuse kasi ang mga varsity players ngayong araw kasi malapit na ang Sports Fest Championship kaya kailangan naming butihin ang pagpapractice.
Ito naman si Ayumi, nakahiga lang sa upuan. Masakit daw kasi likod niya kasi natamaan siya ng bola sa likod.
"Bes, nanliligaw na ba si Yoongi sayo?" Napailing ako. Hindi ko alam? Wala naman siyang nabanggit na liligawan niya ako.
"Hindi ko alam?" Agad naman siyang napabalikwas sa kinahihigaan.
"Anong hindi mo alam aber? Tanga tanga neto!"
''E hindi ko naman talaga alam e. Alangan naman mag asumme ako 'no?" Napairap nalang siya at bumalik sa paghiga ng biglang may pumasok na impakta---I mean pumasok si Stella.
Napataas naman ang kilay ni Ayumi pero sinenyasan ko nalang na huwag pansinin.
Tumingin si Stella saamin ng kay loko loko at agad na umupo sa tabi ko tapos padabog na inilagay ang sapatos niya sa sahig na para bang magsusuot siya ng sapatos sa posisyon niya tapos may dala rin itong medyas e kaya yun.
"Look who's here." Nakangiti niyang ani habang nagsusuot ng sapatos.
Napabalikwas naman sa kinahihigaan si Ayumi at tiningnan ako na para bang 'Ano-na-look' kaya napailing nalang ako.
''I am not here to slap you two or what so ever, but eto lang ang tatandaan niyo. I am not done yet." Napakunot naman ang noo ko. Tsk.
''And were not so over it." Bigla kong nasabi. Hala siya?
Tiningnan ko si Ayumi pero nagsmirk lang ito.
"Is that so? Okay." Tumayo na siya atsaka naglakad na palayo.
"Ay bes, salamat naman at sinagot mo siya ng pasuplada! Taray natin bes!" Nagflip hair naman siya, ayan nanaman ang flip hair niya huhu.
--
Lunch break na namin ngayon pero hindi parin kami makakabalik sa klase kasi whole day pala ang practice ng mga varsity players. Hayst.
Nasa soccer field lang kami ni Ayumi. Nasa front bleachers kami at ngayon ay kumakain na. Nagtake out lang kami ng burger atsaka isang litrong tubig, tag-iisa kami. HAHA.
Habang kumakain kami ay bigla namang may kumalabit saakin kaya agad akong nagulat pero si Y-Yoongi lang pala 'yon. May dala siyang pagkain?
Inabot niya saakin yung dala dala niyang paper bag na may laman na siomai? Parang nangyari na 'to noon ah?
----aha! Yung soccer practice ko-----posible bang------
"I know you love this." Siya nga 'yon!
"I-Ikaw rin ba yung nagpadala saakin noon?" Tumango lang siya habang nakapamulsa.
"S-Salamat."
"Ehem! Pwede ba akong manghingi?" Tumango lang ako at inabot sa kanya yung tupperware na may lamang siomai at yung sauce.
"I-Ikaw ba ang nagluto niyan?" Tumango lang siya.
"Actually, kaninang umaga ko lang yan niluto." Wow naman. Ang sarap kasi e.
"N-Nag abala ka pa." Baka kasi may mga ginagawa pa siyang mas importante tapos nagluto pa siya para saakin. Napanguso nalang ako ng biglang may naramdaman akong nakadikit sa labi ko at nanlaki naman ang mga mata ko dahil hinalikan niya ako.
''Omg! Meron po ako dito. Baka nakakalimutan niyo. Hihi." Agad kong natulak ng mahina si Yoongi dahil sa gulat.
"Don't pout. I might kiss you." Sinarado ko ang bibig ko at tinakpan ito. Jusko, ang puso ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko!
"Gilagid naman! Baka nakakalimutan mo! Nandito ako sa harapan niyo! Kaloka ka!" Napahawak nalang sa batok si Yoongi.
"H-Huwag mo ng gawin yun ulit." Nauutal kong banggit.
"It depends." Ano daw? It depends? E kung sampalin ko yang gilagid mo? May pa 'it depends' ka pang nalalaman! Kaloka!
"A-Anong 'it depends'? Huwag mo ng ulit gawin 'yon!" Ginulo lang niya yung buhok ko. Haays!
--
Nandito na ako sa bahay ngayon, nanonood ng cartoons. E sa trip ko lang? Hihi.
Bigla namang tumabi si Daddy saakin. Manonood rin ba siya ng cartoons?
"You're a teenager na Yuri." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Daddy atsaka sunod namang tumabi si Mommy saakin.
"Hon, she's our baby parin 'no kahit may mahal na siyang iba maliban saatin." Mas kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mommy.
"Ano po?"
"I mean, kahit may mga crush ka na dyan. You're still our baby." Napatango nalang ako. Akala ko kung ano pa e. Hahahahaha.
"Study hard Sweetie, okay?"
"I will Mom and Dad." Niyakap ko naman sila agad.
Awww, I miss them. Sobrang busy kasi nila e kaya wala na masyado kaming time magbonding. Haayst. Ano kaya yung pinag-usapan nila Mom at Dad at Yoongi? Harsh ba sina Mom at Dad kay Yoongi? Ay ewan ko ba. Huhu.
"Mom, Dad. Ano po pala yung pinag-usapan niyo ni Yoongi last day?" Nag-tinginan naman silang dalawa at nagsmirk.
"It's between us and Yoongi." Napasimangot nalang ako. Ano ba 'yan!
● ● ● ●♥♥♥♥● ● ● ●
BINABASA MO ANG
Mr. Gummy | min yoongi
FanficSeries no. 1 // Min Yoongi Fanfiction // I am inlove with the person who can't afford to love me back. I am inlove with the person who doesn't even value my efforts. And I am inlove with the person who actually cared for me and by any chance, love m...
