09

268 14 1
                                    

 CHAPTER 09: |Watch my face as I pretend to feel no pain.|

--

Naglalakad lang kami ni Ayumi sa hallway ng bigla akong napatigil.

"Oh anong nangyari? Ba't ka tumigil sa paglalakad?" tanong ni Ayumi saakin kaya napatingin ako sa kanya. Nahilo kasi ako bigla kaya tumigil muna ako pero nawala naman kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.

"A-Ah, may naramdaman lang akong pagkahilo ng slight. Pero choks na ako." 

Naglalakad lang kami papunta sa classroom.

"Hala? yung sports bag ko! Naiwan ko sa locker room! Mauna ka nalang muna sa classroom bes. Haayst." Tumango nalang ako at agad namang tumakbo si Ayumi papuntang Locker Room.

Habang naglalakad ako ay nakaramdam ako ng sakit sa ulo kaya hindi ko napigilang hawakan ito. Bigla namang lumabo ang paningin ko kaya agad akong napahawak sa pader ng biglang natumba ako at ang naramdaman ko lang ay may kumarga saakin and everything went black.

---

Nagising ako at agad ko namang nakita si Ayumi.

"Yuri, okay ka na? huhubels, hindi mo naman sinabi saakin na ang taas pala ng lagnat mo!" sasapakin niya sana ako ng maalala niyang may lagnat ako kaya hindi niya tinuloy. 

"Mabuti nalang at agad kang dinala dito!" Wait, sino nga ba ang nagdala saakin sa clinic?

"Sino ang nagdala saakin sa clinic?" Nagulat naman siya sa tinanong ko.

"Uh, basta. Hindi ko na naabutan e. Yung pagpunta ko dito e wala na akong naabutan. Yun yon." Tumango nalang ako.

"Teka, si Yoongi ba asan?" biglang tanong ko.

"Ano ka ba! May lagnat ka na nga pero si Gilagid parin ang inaalala mo! Tanga neto! Magpahinga ka nalang kaya dyan!" 

Umupo ako sa kama at may napansin naman akong kung ano sa leeg ko kaya agad kong kinapa ito. Pero sa ikinagulat ko ay.....yung necklace? 

Bakit nasa akin 'tong necklace? Bakit suot-suot ko 'tong necklace?

Agad agad akong tumakbo palabas ng clinic, hindi ko nalang pinansin yung pag-tawag saakin ni Yumi at agad agad na tumakbo. Okay naman na ako kasi pinainom na ako ng gamot, pero may lagnat parin ako 'no.

Takbo lang ako ng takbo ng bigla kaming nagkatinginan.

Agad ko siyang nilapitan. Oo, tiniis ko ang hiya at kaba na nararamdaman ko at agad ko siyang nilapitan.

"U-Umulan. Umulan kagabi." Bigla kong sabi sa kanya. Binigyan niya lang ako ng blangkong tingin at agad akong hinila.

Hinila niya ako papunta sa Lobby at agad naman niya akong pinaharap sa kanya.

"I-Ikaw, I-Ikaw yung nagdala saakin sa C-Clinic. Hindi ba?" Hindi ako mapakali. Gusto siyang tanungin. Pero hindi man lang niya ako sinasagot sa mga tanong ko! Mukha na akong shunga dito e.

Nagsimula na akong umiyak. Bahala na nga, hindi ko na mapigilan e.

"Why the heck you're crying?" 

"Tears are words too painful for a broken heart to speak." Seryosong sabi ko sa kanya habang tinitingnan lang ang mga mata niya. And all I can see is the reflection of myself. Wala man lang akong nakikitang emosyon sa mga mata niya kaya mas lalo akong naguguluhan.

"My heart is taken by you, broken by you and now it is in pieces because of you. I am always taking every single pain here in my heart but you didn't even value just a bit of it. Am I that fool of loving you even if you always drive me away from you?" Ayun, nakapag english na ako. 

"It's hard to tell your mind to stop loving you when my heart still does. I wanted to give up. I wanted to stop. But my heart can't. My heart won't" dugtong ko.

Magsasalita pa sana ako ng bigla niya akong hatakin at agad na niyakap.

"I still repeat the things you've fvcking said to me and it crashed me. Damn." Ha? 

"You said you love me but why the heck you can't even undestand my heart?" Ano? Naguguluhan na ako. 

Kumalas na siya sa pagkakayakap kaya napayuko lang ako.

*sob*

*sob*  

*sob*

Ano ba 'to! Bakit ganito! Naguguluhan na ako! 

Napatingin ako sa kanya na ngayo'y nakatingin lang saakin. 

'May pakiramdam ako, pero wala sayo.'

Malinaw naman na siguro na hinding hindi niya ako magawang mahalin. Kaya bakit pa ako naguguluhan? 

Bakit niya ako hinalikan? Bakit nasa akin ang pair ng necklace niya? Bakit niya ako niya sinabi 'yon kagabi kung hindi naman pala totoo? At bakit ngayon, bakit ngayon e niyakap niya ako? Ano ba talaga? Kasi sobrang naguguluhan na ako e! 


Yumuko nalang ako dahil hindi ko na alam e. EWAN KO. HUHU.






"Let me fix your broken heart." Napatigil ako sa sinabi niya at agad na tiningnan siya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ni hindi man lang ako makapagsalita.




Those words really fixed my heart.


● ● ● ●♥♥♥♥● ● ● ●

Mr. Gummy | min yoongiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon