Penelope's POV
Masaya akong naghahanda ng pagkain namin ng asawa ko. Nasa trabaho siya ngayon at alam kong uuwi siya ng mga alas-syete ng gabi. Just like the old times.
Nang natapos na ako sa paghahanda, ngiting ngiti akong naghihintay sa kanya.
Malapit na 'yun panigurado. Alam kong tuliro lang siya sa trabaho these past few months pero alam kong okay na siya ngayon.
Buwan din 'yun. Minsan napapaisip ako kung ano ba talaga ang problema niya.
Makalipas ang isang oras, wala pa rin siya. Baka naman may emergency?
Napabuntong-hininga ako, nilulunod niya masyado ang sarili niya sa trabaho. Napapansin kong these past few days, madalang niya na akong kausapin. Palagi rin siyang may kausap sa phone na hindi ko kilala kung sino. 'Pag nasa bahay siya, palagi yung laptop niya ang kaharap niya. Why do I have this feeling na umiiwas siya sa'kin? Or it's just my dirty mind? Maybe he's just really busy. Argh, stop overthinking, Penny.
Napatingin ako sa wallclock. Mag-aalas nwebe na pala ng gabi. Wala pa rin si Matt. Hayy.
Napatingin ako sa mga pagkaing nakahain sa mesa. Kanina pa ako nagluto at tiyak na malamig na ang ulam. Nasan na ba kasi Matt? Ang sabi niya bago mag-alas otso ay nandito na siya. I sighed. Na-traffic lang siguro. Palagi namang ganun eh.
Tumayo ako at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng pantakip at tinakpan ang mga ulam. I went upstairs and made my way to our room. Iidlip muna ako saglit. Bubusina naman yun si Matt 'pag andyan na siya eh. Sumampa ako sa kama at pinatay ang lampshade.
I closed my eyes and drifted to sleep.
Nagising ako nang may marinig na parang may nagtatawanan sa baba. Kinusot ko ang aking mga mata at tiningnan ang oras sa cellphone ko. It's already two in the morning. Shit. Napahaba ata ang tulog ko. I cursed and got out of the bed. Baka andyan na si Matt. Napasapo ako sa noo, baka kanina pa nag-aantay sa'kin sa baba ang asawa ko.
"Haha! You're really funny, babe! that's why I like you.."
Natigilan ako sa narinig. Lumabas ako ng kwarto at sumilip sa baba. Nasa second floor ako at kitang-kita ko si Matt na nakikipagtawanan sa isang babae. I don't know her. Who the hell is that girl?
Naalarma ako nang makitang papunta sila dito. Pumasok ulit ako sa loob ng kwarto at agad na nilock ang pinto. Napasandal ako roon, habol ang hininga. Sino ang babaeng 'yun? Ito ang unang beses na nagdala ng babae si Matt sa bahay. Parang kinurot ang puso ko nang makita ko silang magka-akbay at nagtatawanan kanina.
"Babe, ohh.. p-pasok tayo sa l-loob ng kwarto.. Ohh.."
Tila napako ako sa kinatatayuan ko. What are they doing?
I slightly opened the door, making sure they won't see me.
The moment I saw them, kissing each other, hungrily, I felt like my world stopped. Parang tinusok ng milyong-milyong karayom ang puso ko. Paano niya nagawa sa'kin 'to? Why, Matt? Why? Eto ba ang dahilan kung bakit hindi ka nakauwi agad?
"L-Let's continue inside.." Nakita kong pumasok sila sa loob ng kwarto at narinig ko ang paglock niyon. And with that, I broke down. As I hear them on the other room, moaning each other's name, I feel like I was stabbed a million times. Rinig na rinig ko ang mga walang tigil na ungol nila. Parang sabik na sabik sila sa isa't isa. I smiled bitterly. Sana wala na lang akong tenga para hindi ko marinig ang mga nakakarinding ungol nila. Because I feel like my own ears are deceiving me. And I hate it.
Iyak lang ako ng iyak habang sila ay nagla-laplapan sa kabilang kwarto. Mga walang hiya. Dito pa talaga sa pamamahay ko. Nakakawalang respeto.
I buried my face with my hand in frustration.
This is the very first time Matt brought a girl in our house. Sa tatlong taong pagsasama namin ay ngayon niya lang 'to ginawa. He was faithful to me back then but...
Napahagulgol na naman ako. Feeling ko anytime mauubusan na ako ng luha. Pulang-pula na siguro ang mga mata ko kakaiyak. I tried calming myself but I failed.
Nagsasawa na ba siya sa'kin? Why is he bedding some random girls when he can bed me? I'm his wife for pete's sake. He can have me 24/7 if that's what he want. He don't have to do this.. Because it's killing me inside.
Ilang oras rin suguro akong nakaupo dito sa sahig. I look wasted. Alam kong tapos na sila sa ginagawa nila dahil hindi ko na naririnig ang mga ungol nila. Tumigil na ako sa pag-iyak pero hinang-hina pa rin ako. Ayokong tumayo, ayokong gumalaw. Para akong lantang gulay na mabubulok na any time.
Ipinikit ko saglit ang mga mata ko at huminga ng malalim. You need to stand, Penny. You need to talk to your husband and make him explain.
Kahit hinang-hina ay pinilit kong tumayo. Inayos ko ang sarili ko. Maga ang mata ko pero wala akong pakealam. I put on my lipgloss para kahit papaano eh may mukha akong maihaharap sakanya. Binaba ko rin iyong lipgloss. Bakit pa ba ako magpapaganda?
Kakausapin ko si Matt. Hindi pwedeng ganito. I shook my head in frustration and opened the door, slowly. Narinig ko ang mga yabag nila pababa ng hagdan. Sumilip ako sa baba at nakita kong hinalikan ni Matt yung babae. Kinuha nung bruha yung bag niya at lumabas na.
I went downstairs and walked towards him.
"Sino iyon?" Tanong ko na kalmado pa ako.
"Kaibigan," sagot lamang nito.
"A friend? With benefits?" I scoffed. "Seryoso ka?" I sarcastically smiled.
"Yea," tumango siya na ikinasimangot ko.
So ano yun?
"Walang hiya ka, Matt! Kaya pala late na late ka na nakauwi!" Sigaw ko sa pagmumukha niya. Tumingin siya sakin na walang reaksyon sa mukha.
"Yun ba? Yun na ba ang ipagpapalit mo sa'kin? Bakit? H-hindi na ba ako magaling sa kama? Anong kulang sakin?" But his reaction remained the same. Hindi pa rin siya nagsasalita.
"Kausapin mo ako!"
"Hindi ko kailangang magpaliwanag sa'yo. "
Para akong nabingi sa sinabi niya. Yes he owe me an explanation! Hindi ako pwedeng magmukmok lang dito at isipin na lang ang dahilan kung bakit niya ginawa 'yun. He needs to explain.
Hindi agad ako nakasagot sa kanya.
"I'm tired, I'll sleep now." Yun lang at iniwan niya na akong nakatayo rito.
BINABASA MO ANG
Unfaithful Husband
Romance"I thought we'll work this marriage out. But I guess that was just one of my dreams. He was the man I want to spend my life with. Tatlong taon. Tatlong taon akong nagtiis sa pag-uugali niya. Akala ko okay kami, hindi pala. Noong una, ang saya pa.. P...