Chapter 13

5.9K 83 5
                                    

At dumating na nga ang araw ng pag-alis ni Matt papuntang London. Naiinis man ako dahil aalis na naman siya but I have no choice. Kailangan ko nang masanay. Kasalukuyan ko siyang pinapanood mag-impake sa kwarto.

"Kung aalis ka ng bahay, i-lock mo ng mabuti ang bahay, okay? Mag-iingat ka rito." He calmly said. Napaikot naman ang aking mga mata. Kala mo naman talaga nag-aalala sa akin.

"Are you listening, Miss?" Kunot noo na siyang nakatingin sa'kin.

"Oo." I simply replied.

"Mabilis lang ako roon. So, wag kang gagawa ng kahit anong kalokohan, you understand?"

"Nakailang ulit ka na?" Iritang sagot ko. Halata naman ang pagkagulat niya.

"Are you on your period?" Tanong niya. Natatawa pa ang gago. Sarap sapakin, eh.

"Wala." I tried to calm myself. He smirked.

"Okay."

Nang matapos na ang pag-impake niya, dumeretso na siya sa baba. Tinulungan ko naman siyang magbuhat ng bag.

"I'll go now. Lock the doors. Hintayin mo ako. Wait for my calls and texts, okay?" Muli niyang paalala.

"Oo nga. Ako na bahala dito. Ikaw ang mag-ingat roon." He smiled. What the hell? This is the very first time I saw him smile to me. He leaned in and kissed my forehead. My cheeks turned red. Oh my gosh. Ito ang kauna-unahang beses na ginawa niya sa'kin 'to. At para ata akong sasabog.

"B-bye."

Inihatid ko siya hanggang sa gate at agad din itong isinara nang makaalis na si Matt. He is crazy.







SHORT UPDATEEE!

Unfaithful HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon