Chapter 7

5.4K 75 2
                                    

Penelope's POV

"So.. how's life?" He asked, smiling.

"Well, maayos naman.." I smiled back at him.

"Buti ka pa.." He trailed off. Kita ko namang lumungkot bahagya ang ekspresyon niya.

"Oh bakit? Anong nangyari sa inyo ni Aira?" tanong ko na mas lalong nagpalungkot sa kanya.

He sighed then shrugged his shoulders. "Nasaktan ko ata, e. Ayun iniwan ako."

"Bakit mo naman siya sinaktan? Sinayang mo lang siya. Ang ganda ganda nun, pwede yung makahanap ng bago agad.. Hindi pa naman kayo kasal." Sabi ko.

"She stayed at first, pero.. wala eh. Napagod na yata. And right now, I realized how much she mean to me." Malungkot niyang saad.

Magkaibigan nga kayo ni Matt. Ang hilig manakit ng babae. Sila na nga minamahal ng sobra, sila pa ang nagtataboy sa amin palayo. Si Jerome lang ata ang matino sa kanila. Hays.

Bahagyang umigting ang panga ko ngunit ngumiti din nang tumingin siya sa akin.

"Wala ka bang planong balikan?" I raised an eyebrow.

"Meron naman." Aniya

"Oh bat ka pa nagdradrama?"

"Ang kaso she cut all her connections to me. Matalino iyon, Penny. Hindi siya basta basta aalis nang may iniiwang bakas kung san siya patungo."

Now, that's the depressing part. But it's all Allen's fault anyway. Pinakawalan niya imbes hawak hawak na niya.

Come to think of it. Parang pareho ang mga pangyayari sa amin ni Aira. Allen and Matt are almost the same.

Ang pinagkaiba lang, napagod si Aira at lumayas. Samantalang ako, I remained still. Kasal ako at sobra sobra ang pagmamahal ko kay Matt.

"Kayo ni Matt?"

"We're fine.." I weakly smiled. I lied again. How many times do I need to lie about our situation anyway?

Mas maganda na siguro kung kami lang ang makakaalam ni Matt nang kung anumang problema sa amin.

They're all out of our personal lives anyway. Problema namin 'to ni Matt. Kami rin ang aayos nito.

"That's good to hear. Ano? Magiging ninong na ba ako?" Masiglang tanong niya.

Paano ka magiging ninong kung nung honeymoon namin, gumamit siya ng proteksyon?

I sighed heavily.

"Bakit? Baog ba?" Kunot noong tanong niya. Napatingin yung ibang babae sa direksyon namin. Mga bata pa naman iyon.

Inismiran ko siya. "Quiet!"

"So totoo nga?" Taas kilay na tanong niya na nakangisi.

"Shut up! Hindi 'no! Wala pa kaming nabubuo okay?" Mahinang sabi ko.

"What!?" Aniya. "Puta, ang bagal naman ni Matthew!"

"Minimize your voice. May mga bata pa rito oh." Inirapan ko siya.

"Ok." Aniya at uminom sa frap niya.

Bigla namang tumunog ang phone ko at phone niya. A text from Matt.

From: Hubby Matt

Where are you?

Walang 'i love you'? Bahala siya, 'di ko muna siya rereplyan. Lagi nalang 'yan ang tanong niya, e.

"Penny, I got to go. Some emergency meeting in the company. You want me to drop you off?" He asked.

Agad akong umiling. "No, no, I have my car with me."

"Oh, sure! Bye!" Aniya at umalis na.

Bumuntong hininga ako at sumandal sa upuan. Alam kong katangahan na ito. Pero mali ba ang magmahal ng ganito?

Napatalon naman ako nang tumunog ang phone ko sa tawag.

Hubby Matt calling...

Napangiti naman ako. He's still concern when it comes to me. Papatawarin ko siya sa sinabi niya kanina. Ganoon ko siya kamahal.

"Hell–"

"Where the hell are you?" Aniya.

"Starbucks in B&V Mall. Why?" Sabi ko.

"I have an emergency meeting! Don't just go shopping and feel free! You need to go to the company. The investors wanted to see you." He said, angrily. Ano nanaman bang mali sa ginawa ko?

"You'll pick me u–"

"Sumunod ka nalang." Aniya

"I lo–" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko sana sa kanya. Binaba niya naman agad ang tawag.

What's happening to us?

Akala ko naman, concerned nanaman siya. I'll mark this day as my worst day ever. Sobrang sakit ang natamo ko sa kanya sa araw na ito. Bakit ganoon?

Uminit ang sulok ng aking mata. Agad ko naman ikinalma ang aking sarili. I need to be strong. Kahit sa ipinangako ko lang sa harap ng Diyos. Iyon ang kakapitan ko sa ngayon.

Ang mga pangako'ng sinabi naming dalawa sa harap ng Diyos. Sana naman kahit iyon lang, maisip niya. Sana naman kahit iyon lang talaga. Just for this sake of our marriage.

Sana.. sana mahal niya pa rin ako.

Nang nakadating ako sa kompanya, agad naman akong binati ng halos lahat ng empleyado. Tinanguan at nginitian ko lang sila.

Nang nakapasok na ako sa conference room, napatigil at napatingin ang lahat sa akin. Nakita ako ni Matt kaya naman nilapitan niya ako.

Inilagay niya ang kanyang kamay sa aking baywang at ngumiti sa mga taong naroroon. Ngiting hindi umabot sa kanyang mga mata. Parang pagod na ngiti. Hindi sincere iyon.

"Everyone, I would like to introduce to you personally my wife, Penelope Mae Calter-Anderson." Marahan niyang sabi.

Napangiti naman ang iilan na nakaupo. May iilang babaeng kaedad ko na napasinghap sa anunsyong iyon.

Ngumiti lang ako ng napakatamis sa kanilang lahat.

"Okay, let's continue." Sabi ni Matt. Inalalayan naman ako ni Matt sa pag-upo ko sa tabi niya.

I grinned widely. I feel like I'm in heaven! Oh my god, how can I love a guy like this?

Ngunit napawi din ang masiglang ngiti na iyon nang may biglang sumagi sa isip ko.

Palabas nga lang pala ito. Para nga lang pala ito sa iniingat ingatan niyang reputasyon.

I smiled bitterly. Siguro sa mga panahong ganito, dapat lang na lubusin ko na, ano? Para kahit ganoon, maging masaya pa rin ako. Kahit sandali lang..

'Yon lang naman ang hinihingi ko, e. At least, pag ganito, nasa akin ang atensyon niya. Pinapakita niyang mahal niya ako. Sapat na iyon. Martyr na kung martyr. Tanga na kung tanga. Bobo na kung bobo.

Pero ano nga ba ang magagawa ko? Kung ako mismo ay isa lamang alipin ng aking puso?

Mahal ko siya kahit alam kong hindi na ako ang nasa puso niya. Tinititigan ko siya sa ngayon. Halata naman atang hindi na nga ako.

Masakit tanggapin iyon. Pero hangga't hindi ko pa kilala kung sino ang kapalit ko, mananatili pa rin ako.

Masaya ako sa piling niya. Am I being selfish? Eh sa mahal ko siya. Siya lamang ang nilalaman nito.

Lahat ng palabas na ito, iisipin ko nalang na totoo.. kahit alam kong may sakit at lungkot na kapalit pagkatapos ng lahat na ito. Aasa pa din ako. Sana lang hindi mauwi sa wala.

Everybody deserves to be happy. And if this is my true happiness, then I would definitely treasure the moment.

Unfaithful HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon